
Raffy Tulfo in Action







Dumulog ang Amerikanong si RJ Russel kasama ang kapatid nito sa programa ni Raffy Tulfo para ireklamo ang kanyang Pinay GF. Ayon kasi sa foreigner, umabot na sa P25 million ang nahuthot sa kanya ng Pinay.

Kinumusta ni Raffy Tulfo si Alexander Grutal, ang matandang nabugbog sa e-jeep. Maayos na ang kalagayan nito at mas maayos na ang pangangatawan kaysa sa huling panayam sa kanya ng programa.

Matapos ireklamo ng misis na si Jeisa ang kanyang asawa na nadiskubre niyang kabit ang kanyang BFF ay muli silang nagharap. Sa barangay kung saan ilang beses na palang naireklamo ni Jeisa ang mister nagharap ang dalawa.

Nagmamakaawa si mister na bumalik sa kanilang piling ang kanyang misis ngunit si misis ay nagmatigas na. Anito, nais na lamang niyang makuha ang mga anak mula sa poder ni mister at ayaw nang makipagbalikan dito.

Lumapit sa programa ni Raffy Tulfo ang isang ginang para humingi ng tulong na makausap ang kanilang kapatid. Ayon sa ginang, bukod sa P40,000 na tulong na iniabot nito ay hindi na raw ito muling nagpakita pa.

Handa raw makulong ang isang ginang dahil sa kanyang pangangaliwa 'wag lang daw bumalik sa kanyang asawa. Si misis, umamin kay mister na nabuntis siya ng ibang lalaki. Ngunit si mister, handa pa rin daw tanggapin ang asawa.

Dahil sa pagkabigla nang madatnang magkapatong at hubo't hubad ang kanyang nobya at kaibigan nito ay nabugbog niya ang dalawa. Ayon pa sa lalaki, ibinigay niya ang lahat ng pangangailangan ng nobya maging ang pag-aralin ito.

Kahabag-habag ang sitwasyon ng isang mister na niloko pa raw ng kanyang misis na isang OFW. Ayon kasi kay mister, hindi lamang iisang lalaki ang naging karelasyon ng asawa at marami pa siyang nadiskubre.

Umiiyak na idinulog ng mister mula sa Sultan Kudarat ang kanyang problema sa asawang OFW na mayroon na raw ibang lalaki. Giit pa ni mister, hindi lang daw isang beses ngunit maraming beses na siyang niloko ng misis!
Raffy Tulfo in Action
Load more