Puno na si legit! Mister, nadiskubre nitong kinakalantari ang kanyang BFF

Puno na si legit! Mister, nadiskubre nitong kinakalantari ang kanyang BFF

-Matapos ireklamo ng misis na si Jeisa ang kanyang asawa na nadiskubre niyang kabit ang kanyang BFF ay muli silang nagharap

-Sa barangay kung saan ilang beses na palang naireklamo ni Jeisa ang mister ay nagkaroon muli ng mainit na debate ang dalawa

-Pero si misis, handa na raw talagang mag-move on habang si mister naman ay nangakong paninindigan ang responsibilidad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos makapaglabas ng sama ng loob ang misis na si Jeisa Galgana nang ireklamo ang kanyang mister sa programang Wanted sa Radyo, nakaharap muli nito ang mister na si Jerico Galgana.

Sa barangay kung saan makailang beses na palang nagreklamo si Jeisa laban sa asawa ay nagkaroon muli ng mainit na debate sa pagitan ng dalawa.

Una nang naiulat ng KAMI nang idulog ni Jeisa ang hinaing laban kay Jerico na makailang beses na raw niyang nahuli na nambababae.

At ang masaklap pa ay sinasaktan pa siya nito at ipinakita pa nga nito ang kanyang ebidensiya.

Higit na ikinasama ng loob ni misis nang mabuking na ang kinakalantari na pala ng kanyang mister ay isa sa kanyang BFF na sumbungan pa nga raw niya.

Ngunit si mister ayaw na raw pag-usapan pa ang nakaraan at umayon na lamang sa mga demands ni Jeisa.

Sa huli, nagkasundo ang dalawa na tuluyan nang maghiwalay. Mapupunta naman ang bahay nila kay Jeisa.

Nangako rin si Jerico na paninindigan ang kanyang responsibilidad sa pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We have a new episode of our Tricky Questions segment and it is as crazy and hilarious as ever! Check out all of our episodes – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel