Jinkee Pacquiao, may bagong reaksiyon sa pambabatikos tungkol sa payong

Jinkee Pacquiao, may bagong reaksiyon sa pambabatikos tungkol sa payong

  • Nagbigay ng paliwanag si Jinkee Pacquiao matapos mapansin ng ilang netizens ang isang video kung saan pinapayungan siya ng kanyang bodyguard habang papunta sa lugar kung saan siya naglalaro ng pickleball
  • Ayon kay Jinkee, hindi umano niya intensiyong magpakuha ng ganoong eksena at iginiit niyang kusa lamang siyang pinayungan ng kanyang bodyguard nang hindi niya napapansin
  • Ipinaliwanag din ng asawa ni Manny Pacquiao na ang bodyguard na kasama niya ay itinalaga ng kanyang mister at hindi niya personal na hiniling na magkaroon ng sariling bodyguard
  • Bukod sa paliwanag, nagbahagi rin si Jinkee ng panibagong video kasama ang kanyang grupo kung saan tila ginawa nilang magaan at nakakatawang paksa ang isyung naging laman ng social media

Naging usap-usapan sa social media si Jinkee Pacquiao matapos mapansin ng ilang netizens ang isang video kung saan pinapayungan siya ng kanyang bodyguard habang papunta sa lugar ng kanyang pickleball session.

Jinkee Pacquiao, may bagong reaksiyon sa pambabatikos tungkol sa payong
Jinkee Pacquiao, may bagong reaksiyon sa pambabatikos tungkol sa payong (đź“· Jinkee Pacquiao/Facebook)
Source: Instagram

Ang video, na may petsang October 17, 2026, ay ibinahagi sa gitna ng mga regular na content ni Jinkee tungkol sa kanyang aktibong pamumuhay at paglalaro ng pickleball. Sa naturang video, makikitang paglabas niya ng kanilang bahay sa General Santos City ay agad siyang pinayungan ng bodyguard.

Read also

Kris Aquino ipinaliwanag kung bakit Aquino at hindi Yap ang mas gamit ni Bimby

Dahil dito, may ilang netizens na nagbigay ng iba't ibang komento online. Ang ilan ay nagtaka kung bakit kinakailangan pa siyang payungan, lalo na't napansin ng iba na malapit lamang ang gym na kanyang pupuntahan.

Kasunod ng mga reaksiyon, ibinahagi ni Jinkee ang kanyang panig sa isang video na inilabas noong October 28.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa video, sinabi niya, “Kasi nag-discuss kami yung na-bash kami sa mga payung-payong.”

Dagdag pa niya, “Na-bash kami sa payung-payong. Hindi po namin intensiyon na payungan ako doon.”

Matapos nito ay pabiro niyang sinabi, “Char, nagalit!” bago matawang nagpatuloy sa kanyang paliwanag.

Ipinaliwanag din ni Jinkee kung paano nangyari ang sitwasyon.

Ayon sa kanya, “Siya [guard] lang yung nagpumilit na payungan ako, hindi ko naman sinabing payungan ako hanggang doon sa gym kaya hindi ko napansin.”

Dagdag niya, “Pero kung alam ko lang yon, sabihan ko siya na, 'Bakit ka napayung-payung hindi naman umuulan?' O.A. lang yung bodyguard ko.”

Nilinaw rin ni Jinkee ang usapin tungkol sa pagkakaroon niya ng bodyguard.

Aniya, “Ni-assign yun ni Manny. Hindi ako nag-aano ng bodyguard.”

Sinundan niya ito ng, “[Si] Manny nag-assign sa akin ng bodyguard, pero ako, hindi ako nag-aano na may bodyguard ako.”

Read also

Kris Aquino may banat sa netizen na naghanap sa 'boyfriend' ng anak

Hindi doon nagtapos ang kanyang reaksiyon sa isyu. Noong October 30, nag-upload siya ng panibagong video kasama ang isang grupo ng mga taong tila nakisabay sa usapin tungkol sa payong.

Sa video, makikitang magkakapares ang mga kasama niya, kung saan may tagapayong at may pinapayungan. Maririnig ding sabay-sabay nilang sinasabi ang “Ang payong,” habang nagtatawanan ang grupo.

Sa isa pang bahagi ng video, maririnig si Jinkee na nagsasabing, “Ayusin ang pagpayong!”

May isa ring kasama niya na nagsabi ng, “Thank you sa mga basher, ha. Nagpayong kami.”

Nagtapos ang video sa masayang eksena habang naririnig naman si Jinkee na nagsasabing, “Thank you sa mga props,” bagay na nagpahiwatig na sinadya nilang gawing magaan ang naging usapin online.

Si Jinkee Pacquiao ay kilala bilang negosyante, socialite, at asawa ni boxing legend at dating senador Manny Pacquiao. Sa mga nakaraang taon, madalas niyang ibahagi sa social media ang kanyang fitness activities, family moments, at iba't ibang personal na interes, kabilang na ang pickleball na isa sa mga mabilis na sumisikat na sports sa bansa.

Samantala, kamakailan lamang ay nagpahayag si Jinkee Pacquiao ng suporta sa isa pang mahalagang tagumpay ng kanyang asawa. Sa ulat ng KAMI, ibinahagi ni Jinkee ang kanyang pagmamalaki sa bagong milestone na naabot ni Manny Pacquiao. Umani ng positibong reaksyon ang kanyang mensahe mula sa kanilang mga tagasuporta at followers.

Read also

Simon Javier, ibinahagi ang hirap na pinagdaraanan ng asawang si Zara Lopez

Sa isa pang artikulo ng KAMI, nagbahagi si Jinkee ng isang madamdaming tribute para sa kanilang anak na si Princess sa pagdiriwang ng espesyal na araw nito. Ipinakita ng kanyang mensahe ang pagiging hands-on at mapagmahal niyang ina. Marami ring netizens ang nagpahayag ng paghanga sa kanyang mensahe para sa anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate