Pamilya ni Ate Gay, nanawagan matapos kumalat ang maling balita

Pamilya ni Ate Gay, nanawagan matapos kumalat ang maling balita

  • Mahigpit na nakiusap ang pamilya ni Ate Gay sa publiko na tigilan ang pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kanyang kalagayan matapos silang makatanggap ng mga mensahe ng pakikiramay kaugnay ng mga ulat na hindi umano tama
  • Sa inilabas na pahayag noong Oktubre 31, iginiit ng pamilya na buhay pa si Ate Gay at patuloy na lumalaban habang nananatili siyang nasa ilalim ng pangangalagang medikal
  • Hinimok din nila ang publiko na iwasan ang pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon at igalang ang kanilang pamilya sa gitna ng pinagdaraanan nilang sitwasyon
  • Kasabay nito, muling nagbigay ang pamilya ng update tungkol sa kalagayan ng komedyante at humingi ng patuloy na panalangin, suporta, at pag-unawa mula sa kanyang mga tagasuporta at sa publiko

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Naglabas ng panibagong pahayag ang pamilya ni Ate Gay upang linawin ang mga kumakalat na ulat tungkol sa kalagayan ng beteranang komedyante.

Pamilya ni Ate Gay, nanawagan matapos kumalat ang maling balita
Pamilya ni Ate Gay, nanawagan matapos kumalat ang maling balita (📷Gil Aducal Morales/Facebook)
Source: Instagram

Sa kanilang social media post noong Oktubre 31, sinabi ng pamilya na nakatatanggap sila ng mga mensahe ng pakikiramay mula sa ilang tao dahil sa mga maling impormasyong kumakalat online.

Read also

Ate Gay, nananatiling kritikal ang kondisyon; pamilya nagbigay ng bagong update

Ayon sa kanila, "We have been receiving messages saying ‘Rest in Peace’ and ‘Condolences’ regarding our beloved Ate Gay, along with false and misleading information circulating on social media."

Iginiit din nila sa parehong pahayag na, "PLEASE UNDERSTAND THAT HE IS STILL ALIVE AND CONTINUES TO FIGHT FOR HIS LIFE."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil sa pagkalat ng iba’t ibang impormasyon sa social media, hiniling ng pamilya sa publiko na tiyaking beripikado ang balitang ibinabahagi bago ito ikalat. Pinaalalahanan din nila ang mga netizen na huwag magsalita para sa pamilya o gumawa ng mga konklusyon na hindi nakabatay sa opisyal na impormasyon.

Sa kanilang mensahe, sinabi rin nila, "Please do not speak on behalf of our family or make assumptions about a situation you do not fully understand."

Ibinahagi rin ng pamilya ang kanilang saloobin tungkol sa mga mensaheng kanilang natatanggap habang patuloy na lumalaban si Ate Gay.

Ayon sa kanila, "Imagine being in our position. How would you feel if someone sent you condolences while your loved one was still alive and fighting? Our family is already going through an incredibly difficult time, and these messages only add unnecessary pain and emotional distress."

Read also

Sheree Bautista, nagsalita na sa gitna ng kontrobersiya ng Viva Hot Babes

Nagbabala rin ang pamilya na maaari silang gumawa ng kaukulang hakbang laban sa mga indibidwal o social media pages na patuloy na magpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa komedyante.

Sa kabila ng mga pagsubok, sinabi nilang nananatili silang matatag at umaasa sa kanilang pananampalataya.

Aniya, "We know that God knows everything, and we continue to place our faith and trust in His plans. We hope everyone will show the same faith, compassion, and respect for our family."

Dagdag pa nila, "Please do not take away someone's hope while they are still fighting. Do not add to a family's suffering by spreading information that is not true. At this moment, all we ask for is your understanding, respect, and continued prayers for Ate Gay."

Muli ring binigyang-diin ng pamilya na sila lamang ang dapat magbigay ng opisyal na update tungkol kay Ate Gay at hinikayat ang publiko na umasa lamang sa opisyal niyang Facebook page para sa mga beripikadong impormasyon.

Read also

Ruffa Gutierrez, nagpasalamat matapos makumpirmang cancer-free ang ama

Noong Oktubre 30, nagbahagi rin ang pamilya ng update tungkol sa kanyang kalagayan. Ayon sa kanila, dinala si Ate Gay sa emergency room ng Asian Hospital and Medical Center noong Oktubre 17 matapos makaranas ng hirap sa paghinga.

Matapos ang pagsusuri ng mga doktor, na-diagnose siya ng septic shock at acute respiratory failure secondary to pneumonia. Ibinahagi rin ng pamilya na nalampasan niya ang unang septic shock base sa pinakahuling assessment ng kanyang mga doktor.

Gayunman, sinabi rin nilang nakaranas si Ate Gay ng stroke noong Oktubre 29 at nananatiling kritikal ang kanyang kondisyon habang patuloy na inoobserbahan sa intensive care unit.

Si Ate Gay ay isa sa mga kinikilalang komedyante at TV personality sa bansa. Sa loob ng maraming taon, nakilala siya dahil sa kanyang natatanging istilo ng pagpapatawa at regular na paglabas sa telebisyon at live events.

Habang patuloy na sinusubaybayan ng publiko ang kalagayan ni Ate Gay, nauna nang naiulat ng KAMI na humingi ng tulong ang kanyang pamilya upang makatulong sa mga gastusing medikal na dulot ng kanyang pagpapagamot. Ibinahagi nila ang kanilang sitwasyon at umapela sa mga nais tumulong habang patuloy na sumasailalim sa gamutan ang komedyante. Marami ring netizens at supporters ang nagpahayag ng suporta sa pamilya.

Read also

McCoy de Leon nagsalita ukol sa kumakalat na espekulasyon online

Sa isa pang ulat ng KAMI, nagbigay ang pamilya ng panibagong update tungkol sa kondisyon ni Ate Gay. Ibinahagi nilang nananatili siyang nasa kritikal na kondisyon habang patuloy na nakadepende sa mahahalagang medikal na suporta. Muling humiling ang kanyang mga mahal sa buhay ng panalangin at pag-unawa mula sa publiko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate