Ruffa Gutierrez, nagbigay-linaw sa relasyon nina Sarah Lahbati at Annabelle Rama
- Kinumpirma ni Ruffa Gutierrez na matagal nang nagkaayos ang kanyang inang si Annabelle Rama at ang estranged wife ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati
- Sa media launch ng kanyang bagong endorsement sa SM Mall of Asia noong Nobyembre 21, umapela si Ruffa na tigilan na ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa social media tungkol sa kanilang pamilya
- Ayon sa aktres, naging maayos na sina Annabelle at Sarah simula pa nang pumanaw ang asawa ng kapatid niyang si Elvis na si Alexandra Uichico Gutierrez
- Tiniyak din ni Ruffa na maayos ang relasyon nila ni Sarah pati na rin ng dating mag-asawang sina Richard at Sarah alang-alang sa mga anak nitong sina Zion at Kai
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Matagal nang nagkaayos sina Sarah Lahbati at Annabelle Rama, ayon sa kumpirmasyon ni Ruffa Gutierrez sa media launch ng bago niyang endorsement na Biostile Cosmetics sa SM Mall of Asia noong Nobyembre 21.

Source: Instagram
Sa kabila nito, patuloy pa rin umanong may mga taong nagbibigay ng negatibong komento at nagpapakalat ng iba't ibang impormasyon tungkol sa relasyon ng dalawa. Dahil dito, nagbigay-linaw si Ruffa at hiniling sa publiko na huwag nang gawing isyu ang tungkol sa kanilang pamilya.
Nakausap ng ilang miyembro ng entertainment press ang aktres at dating beauty queen sa media launch ng kaniyang bagong endorsement na European brand na Biostile Cosmetics. Ginanap ang event noong Nobyembre 21 sa Music Hall ng SM Mall of Asia.
Sa panayam, nilinaw ni Ruffa na hindi na bago ang pagkakaayos nina Sarah at Annabelle. Ayon sa kaniya, matagal na itong nangyari ngunit pinili lamang ng kanilang pamilya na huwag itong ipagsabi sa publiko.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“Also I wanna clear, I mean it’s none of my business but I wanna clear kasi si Mommy laging tinitira ng mga tao, okay na sila ni Sarah.”
Dagdag pa niya, nagbago na ang sitwasyon ng kanilang pamilya at hindi na dapat patuloy na bigyan ng ibang kahulugan ang relasyon ng kaniyang ina at ni Sarah.
“Ever since my sister-in-law passed away (Alexandra Uichico Gutierrez, asawa ng brother niyang si Elvis Gutierrez), okay na sila. Hindi alam ng mga tao ‘yon.”
Muling iginiit ni Ruffa na hindi na kailangang pag-usapan pa ang naturang isyu dahil matagal nang maayos ang relasyon ng dalawa.
“Lagi siyang tinitira ng mga tao. Okay na sila ni Sarah noon pa. That’s all I’m gonna say. Ever since my sister-in-law passed away, we just kept it to ourselves. And that’s all I’m gonna say,” paglilinaw niya.
Hiniling din ng aktres na tigilan na ang mga komento at espekulasyong patuloy na nagdudulot ng usapan tungkol sa kanilang pamilya.
“Okay na sila ni Sarah noon pa. So sana tigilan na rin sila ng mga tao. Ayaw na naming magsalita at hindi naman lahat ng nangyayari sa isang pamilya alam ng publiko.”
Binigyang-diin din ni Ruffa na higit sa anumang isyu sa pagitan ng mga nakatatanda, mahalaga sa kanilang pamilya ang kapakanan ng dalawang anak nina Sarah at Richard na sina Zion at Kai.
Para sa aktres, hindi mababago ang pagiging ina ni Sarah sa dalawang bata kahit pa nagkahiwalay na sila ni Richard.
“And Zion and Kai (anak nina Sarah at Richard) ang iniisip namin. At the end of the day, nanay pa rin siya ni Zion tsaka ni Kai. It’s like me also. Let’s leave it at that,” lahad ng aktres.
Tinanong din siya kung maayos na rin ba ang relasyon nila mismo ni Sarah. Direkta naman niyang sinagot ang tanong.
“Of course. Hindi kami nagkikita pero okay kami.”
Pagdating naman sa estado ng relasyon nina Richard at Sarah, maikli rin ang naging sagot ni Ruffa.
“They are okay. Let’s leave it at that.”
Bukod sa paglilinaw tungkol kina Sarah at Annabelle, nagbahagi rin si Ruffa ng kaniyang pananaw tungkol sa kahalagahan ng pamilya, lalo na kapag may mga anak na sangkot sa isang relasyon.
Ikinuwento niya na kahit matagal na silang hiwalay ng dating asawa niyang si Yilmaz Bektas, may mga pagkakataon pa rin na nakararamdam siya ng lungkot dahil sa kanilang sitwasyon.
“I think once a family, always will be a family. Everyone goes through ups, everyone goes through downs but at the end of the day, when there is children involved, hindi mo maiaalis ‘yun, eh, ‘di ba?”
Ibinahagi rin niya na 20 taon na silang hindi nagkikita ni Yilmaz, ngunit may mga pagkakataong bumabalik pa rin ang emosyon dahil sa kanilang naging pagsasama at sa mga anak nila.
Ayon kay Ruffa, may mga pagkakataong sapat na ang isang simpleng bagay upang maalala niya ang nakaraan at maging emosyonal.
Inamin din niyang may mga panahong nalulungkot siya, lalo na tuwing Pasko, ngunit nananatili ang komunikasyon nila ni Yilmaz sa ilang pagkakataon.
“Minsan kapag Pasko malungkot ako, and ganu’n din siya. Hindi na kailangan sigurong magsalita pa pero there are days na tatawag na lang siya, magme-message na lang siya. I believe time heals all wounds,” sabi pa niya.
Si Ruffa ay dating beauty queen at isa sa mga kilalang personalidad sa Philippine entertainment industry. Anak siya nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez at kapatid nina Richard at Raymond Gutierrez. Dalawa ang anak niya kay Yilmaz Bektas na sina Lorin at Venice.
Samantala, sina Sarah at Richard ay may dalawang anak na lalaki na sina Zion at Kai. Kinumpirma ng dating mag-asawa ang kanilang paghihiwalay noong 2024.
Habang nagpapatuloy ang kani-kanilang buhay at mga proyekto, ipinakita ng pahayag ni Ruffa na mas pinipili ng kanilang pamilya na panatilihing pribado ang ilang usapin, lalo na kung may kinalaman sa kanilang mga anak.
Sa isang naunang ulat ng Kami.com.ph, nagbigay ng bagong update si Sarah tungkol sa estado ng kanyang puso matapos ang hiwalayan nila ni Richard. Naging usap-usapan online ang kanyang ika-33 kaarawan nang magbahagi siya ng larawan kasama ang isang lalaki. Sa media conference ng kanyang pelikula, ibinahagi ng aktres na masaya at payapa ang kanyang buhay ngayon.
Samantala, ibinalita rin ng Kami.com.ph ang pagkakaospital ni Sarah kamakailan na naging dahilan upang ipagpaliban ang kanyang nakatakdang show kasama si RJ Pineda at ang banda nito. Hindi na ibinahagi ng aktres ang eksaktong dahilan ng kanyang pagkaka-confine ngunit humingi siya ng pang-unawa mula sa kanyang mga tagasuporta. Tiniyak din niyang muling itatakda ang naturang pagtatanghal sa oras na tuluyan siyang gumaling.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh




