Vice Ganda, may nakatutuwang hirit para kay Cianne Dominguez habang nasa PBB

Vice Ganda, may nakatutuwang hirit para kay Cianne Dominguez habang nasa PBB

  • Nagpahayag ng suporta sina Vice Ganda at Karylle para sa kanilang co-host sa It's Showtime na si Cianne Dominguez na kasalukuyang nominated sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab 3.0
  • Sa isang segment ng naturang noontime show, pabirong binanggit ni Vice Ganda na ipapaboto nila kay Cianne ang premyo sakaling hindi ito makuha ng kalahok
  • Nagpaabot din ng maikli ngunit mainit na mensahe si Karylle para kay Cianne habang pinapaalalahanan din ito ni Vice na huwag munang umalis sa loob ng bahay ni Kuya
  • Ipinakita ng dalawang host ang pagkakaisa ng pamilya ng It's Showtime habang patuloy na hinaharap ng kanilang kasamahan ang bagong yugto ng kanyang laban sa sikat na reality show

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagpakita ng suporta sina Vice Ganda at Karylle sa kanilang kasamahan sa It’s Showtime na si Cianne Dominguez, na kasalukuyang kabilang sa mga nominated na housemate sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab 3.0.

Vice Ganda, may nakatutuwang hirit para kay Cianne Dominguez habang nasa PBB
Vice Ganda, may nakatutuwang hirit para kay Cianne Dominguez habang nasa PBB (📷@ciannedominguezz/IG)
Source: Instagram

Nangyari ito sa isang segment ng naturang noontime program kung saan nabanggit ni Vice Ganda ang kasalukuyang kalagayan ng kanilang co-host sa loob ng bahay ni Kuya. Pabirong sinabi ng komedyante na kung sakaling hindi kunin ang premyo sa segment, ilalaan na lamang nila ito upang iboto si Cianne. “Pag hindi mo kinuha yan, ipapaboto namin yan kay Cianne!” ani Vice.

Read also

Jorrybell Agoto, Filipiñana actress, pumanaw sa edad na 31

Kasunod nito, nagbigay rin ng maikling mensahe si Karylle upang iparamdam ang kanyang suporta kay Cianne. Sinabi ng aktres at TV host, “Love you, Cianne!”

Nagdagdag pa ng biro si Vice at nagpaalala kay Cianne na huwag munang umalis sa bahay ni Kuya. Pabiro rin niyang binanggit na huwag na lamang makipag-usap ang kanilang kasamahan dahil mahirap umano itong gawin habang nasa loob ng bahay. Ang naturang tagpo ay nagpakita ng pagtutulungan ng mga host ng It’s Showtime para sa kanilang kasamahan habang nagpapatuloy ang paglalakbay nito sa PBB.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bago pumasok sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab 3.0, unang nakilala si Cianne Dominguez ng mga manonood nang sumali siya sa "Sexy Babe" segment ng It’s Showtime noong 2022, kung saan napabilang siya sa mga finalist. Matapos ang kanyang pagsali sa kompetisyon, nabigyan siya ng pagkakataong maging bahagi ng mga co-host ng noontime variety show at nakilala rin bilang mang-aawit.

Sa kasalukuyang edisyon ng Pinoy Big Brother, ipinakilala si Cianne bilang "Ang Madlang Babe ng Antipolo". Isa siya sa mga housemate na nominado para sa ikalawang eviction ngayong linggo, kaya naman patuloy ang pagpapaabot ng suporta ng kanyang mga kasamahan sa programa at ng mga tagasuporta sa social media.

Read also

College student, nasa kritikal na kondisyon matapos ang insidente sa tinutuluyang kuwarto

Bukod sa naging mensahe nila sa It’s Showtime, ilang beses na ring nabanggit ni Vice Ganda si Cianne sa mga nakaraang episode ng programa habang sinusubaybayan ng publiko ang kanyang pananatili sa PBB.

Sa naunang ulat ng KAMI.com.ph, sinagot ni Vice Ganda ang isang tanong na paulit-ulit umanong ipinadadala sa kanya ng ilang manonood tungkol kay Cianne Dominguez. Nilinaw ng komedyante sa gitna ng kanilang kulitan ang kumakalat na usap-usapan tungkol sa kanyang co-host at tiniyak na walang katotohanan ang mga haka-haka. Ikinuwento rin ni Vice na napansin niya kung gaano kaseryoso ang naging pagtanggap ng ilang tao sa naturang kuwento.

Samantala, ibinahagi rin ng KAMI.com.ph ang naging pahayag ni Vice Ganda tungkol sa kanyang plano para kay Cianne sakaling ma-evict ito mula sa bahay ni Kuya. Pabirong sinabi ng host na siya na ang bahalang magbigay ng exposure sa kanyang co-host sa labas ng PBB kapag natapos ang laban nito sa programa. Nabanggit niya ang biro habang pinag-uusapan ang nalalapit na eviction night kung saan kabilang si Cianne sa mga nominadong housemate ngayong linggo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate