Erik Santos, sumailalim sa vocal rest matapos ang insidenteng ikinabahala ng kanyang mga tagahanga

Erik Santos, sumailalim sa vocal rest matapos ang insidenteng ikinabahala ng kanyang mga tagahanga

  • Pansamantalang hindi muna makakakanta si Erik Santos matapos siyang ma-diagnose ng acute laryngitis, isang kondisyon na nagdulot ng pamamaga sa kanyang vocal cords at nag-udyok sa mga doktor na ipasailalim siya sa mahigpit na vocal rest sa loob ng pitong araw
  • Ibinahagi ng singer na nagsimula ang kanyang naramdamang sintomas sa pagkakaroon ng nasal congestion bago ang sunod-sunod na trabaho at performances, kabilang ang ASEAN Summit at mga aktibidad para sa “ASAP XP” sa Isabela
  • Habang nagpapatuloy ang kanyang mga commitments, unti-unti umanong humina ang kanyang boses hanggang sa hindi na niya makayang tapusin ang ilan sa mga nakatakdang performances noong gabi ng Nobyembre 15
  • Nagpasalamat si Erik sa kanyang mga doktor at humingi rin ng paumanhin sa mga kasamahan at tagahanga, habang nangangakong babawi sa kanyang supporters kapag ganap nang bumuti ang kondisyon ng kanyang boses

Si Erik Santos ay pansamantalang magpapahinga muna sa pagkanta matapos ma-diagnose na may acute laryngitis o pamamaga ng vocal cords.

Read also

Sachzna Laparan, nabiktima umano ng parcel scam at nawalan ng mahigit P10,000

Erik Santos, sumailalim sa vocal rest matapos ang insidenteng ikinabahala ng kanyang mga tagahanga
Erik Santos, sumailalim sa vocal rest matapos ang insidenteng ikinabahala ng kanyang mga tagahanga (📷Erik Santos/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang social media post, detalyadong ikinuwento ng singer ang mga pangyayari na humantong sa pagkawala ng kanyang boses. Ayon kay Erik, nagsimula ang lahat noong Nobyembre 12 nang magising siya na may nasal congestion. Sa kabila nito, ipinagpatuloy niya ang kanyang mga naka-line up na trabaho at performances.

Noong Nobyembre 13, nagtanghal pa rin siya sa ASEAN Summit kahit nakararamdam na umano siya ng kakaiba sa kanyang lalamunan. Kinabukasan naman ay bumiyahe siya patungong Isabela para sa “ASAP XP,” kung saan sumabak siya sa stage performance at vocal rehearsals.

Nagpatuloy ang kanyang abalang iskedyul hanggang Nobyembre 15. Sa araw na iyon, mayroon siyang performance para sa “ASAP” sa tanghali at nakatakda ring magtanghal sa gabi.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon kay Erik, matapos ang kanyang solo performance sa tanghali ay napansin niyang unti-unti nang nawawala ang kanyang boses. Habang lumalalim ang gabi, lalo pang lumala ang kanyang kondisyon.

Pagsapit umano ng alas-7 ng gabi, hindi na niya kayang ipagpatuloy ang tatlo pa niyang nakatakdang performances. Nalungkot daw siya sa sitwasyon dahil kinakailangan niyang umatras sa mga numerong matagal ding pinaghandaan.

Read also

Lotlot de Leon, sinagot ang tanong tungkol sa naiwang ari-arian sa Iriga City

Sa kabila nito, sinikap pa rin niyang makabahagi sa closing number ng programa. Nakapagbigay pa siya ng huling pagtatanghal sa pamamagitan ng pag-awit ng dalawang linya kasama si Angeline bago tuluyang magpahinga.

Humingi rin ng paumanhin ang singer sa kanyang mga kasamahan sa “ASAP” at sa mga tagahangang bumiyahe pa patungong Isabela upang mapanood ang kanyang performances.

Kinabukasan ay nagtungo si Erik sa St. Luke’s Hospital upang magpakonsulta sa kanyang ENT specialist. Matapos ang pagsusuri, nakumpirmang mayroon siyang acute laryngitis na dulot umano ng virus.

Dahil dito, pinayuhan siyang uminom ng mga iniresetang gamot sa loob ng pitong araw. Inatasan din siyang sumailalim sa mahigpit na vocal rest, na nangangahulugang kailangan muna niyang iwasan ang pagkanta habang nagpapagaling.

Nagpasalamat si Erik sa mga doktor na tumulong sa kanya at tiniyak sa kanyang mga tagahanga na babalik siya sa pagpe-perform sa oras na tuluyan nang bumuti ang kanyang kalagayan.

Isa si Erik Santos sa mga kilalang mang-aawit sa bansa na nakilala matapos manalo sa talent competition na “Star in a Million.” Sa loob ng maraming taon, nakapaglabas siya ng iba’t ibang hit songs at naging bahagi ng maraming concerts, television programs, at espesyal na pagtatanghal sa loob at labas ng bansa.

Read also

Ko Kyung Pyo, naglabas ng pahayag matapos masangkot sa kontrobersiya

Habang nagpapagaling siya mula sa kanyang kondisyon, umaasa ang kanyang mga tagahanga na agad niyang mababawi ang kalusugan ng kanyang boses at makababalik sa entablado sa mga susunod na araw.

Samantala, naibalita rin ng KAMI kamakailan ang naging espesyal na sorpresa ni Erik Santos para kay Rufa Mae Quinto. Sa artikulong “Erik Santos surprises Rufa Mae Quinto with flowers, live ‘Pau­baya’ duet,” ikinatuwa ng maraming netizens ang naging gestura ng singer sa aktres at komedyante. Tampok din dito ang kanilang live duet na umani ng magagandang reaksiyon mula sa mga manonood.

Naibalita rin ng KAMI ang artikulong “Rufa Mae Quinto, ibinunyag ang naging dahilan ng hiwalayan nila ni Erik Santos.” Tinalakay rito ang naging pahayag ni Rufa Mae tungkol sa kanilang nakaraang relasyon. Marami sa mga mambabasa ang naging interesado sa mga detalyeng ibinahagi ng aktres tungkol sa isang yugto ng kanyang personal na buhay na may kaugnayan sa singer.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate