Lotlot de Leon, sinagot ang tanong tungkol sa naiwang ari-arian sa Iriga City
- Ipinaliwanag ng award-winning actress na si Lotlot de Leon sa media conference ng kanyang bagong pelikula na “40 Days” kung bakit hindi siya nakadalaw sa puntod ng kanyang inang si Superstar Nora Aunor sa Libingan ng mga Bayani noong nakaraang Undas
- Sa halip na magtungo sa himlayan ng namayapang National Artist, mas pinili ni Lotlot na bumiyahe patungong Quezon province at tumuloy sa Iriga City sa Bicol upang balikan ang lugar na pinagmulan ni Ate Guy at kung saan sila dinadala noon noong sila ay bata pa
- Tinawanan at nilinaw din ng aktres ang usap-usapan kung mayroon siyang inayos na mga naiwang ari-arian ni Nora Aunor sa Iriga, sabay giit na dumaan lamang siya roon upang gunitain ang kanilang masasayang alaala
- Nagpaabot din ng taos-pusong pasasalamat si Lotlot sa lahat ng mga Noranians na patuloy na nagmamahal, nagdarasal, at dumadalaw sa puntod ng kanilang ina hanggang sa kasalukuyan
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Ipinaliwanag ng award-winning actress na si Lotlot de Leon kung bakit hindi siya nakadalaw sa puntod ng kanyang namayapang inang si Superstar Nora Aunor sa Libingan ng mga Bayani noong nakaraang Undas.

Source: Instagram
Sa ginanap na media conference para sa kanyang bagong pelikulang “40 Days,” nakapanayam ng entertainment press si Lotlot kasama ang iba pang batikang aktres na sina Dina Bonnevie, Snooky Serna, Elizabeth Oropesa, at Perla Bautista.
Bago pa man magsimula ang nasabing presscon, nakiusap na ang kampo ng produksyon sa media na iwasan nang magtanong tungkol sa umano’y samaan ng loob nina Lotlot at ng kanyang kapatid na si Ian de Leon na nauna nang naging usap-usapan sa story conference ng pelikula.
Natanong na lamang si Lotlot kung nakabisita ba siya sa himlayan ni Ate Guy nitong nakaraang Undas. Ayon sa aktres, nasa lalawigan siya ng Quezon nang mga panahong iyon at nagtuloy sa Iriga City sa Bicol, ang hometown ng kanyang ina.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Paliwanag ni Lotlot, "I scheduled my trip talaga to go there. And then, dumaan lang ako du’n sa Iriga. Para ano… gusto ko lang tingnan yung lugar kung saan dati si Mommy, kung saan niya kami dinadala nu’ng bata kami."
Kasunod nito, tinanong din ang aktres kung mayroon ba siyang inayos sa Iriga dahil patuloy pa ring pinag-uusapan ang mga naiwan umanong properties doon ng Superstar. Natawa lamang si Lotlot at agad na nilinaw ang espekulasyon.
Aniya, "Well, ano’ng aayusin ko du’n?" Dagdag pa niya, "Ano’ng aayusin du’n? Wala, dumaan lang ako. Wala naman akong aayusin doon. Ha-hahaha! Di ba?"
Lubos din ang pasasalamat ni Lotlot sa mga Noranians na hindi nakakalimot at patuloy na bumibisita sa puntod ni Nora Aunor upang mag-alay ng panalangin. Ani Lotlot, "Salamat, and I’m also really just grateful for everyone who still you know, shows their support and nagmamahal kay Mommy. Forever grateful po yun."
Si Lotlot de Leon ay kilala bilang isa sa mga pinakarespetadong aktres sa bansa at anak nina Nora Aunor at Christopher de Leon. Ang kanyang bagong pelikulang “40 Days,” na idinirek ni Louie Ignacio sa ilalim ng LVD Management, ay ipapalabas sa mga sinehan simula Disyembre 9 kasama sina Lloyd Samartino, Ricardo Cepeda, at ang kanyang anak na si Diego Gutierrez.
Bukod sa kanyang pagbabahagi ng mga alaala tungkol sa kanyang namayapang ina, nananatili ring abala at malapit si Lotlot sa kanyang sariling pamilya, partikular na sa kanyang mga anak na patuloy niyang sinusuportahan sa kanilang mga karera at personal na buhay.
Kamakailan lamang, nagbigay ng nakakaantig na mensahe si Lotlot para sa kanyang panganay na anak na si Janine Gutierrez sa isang espesyal na linggo sa buhay ng aktres. Ipinakita niya rito ang kanyang pagmamahal at pagsuporta bilang isang ina sa mga tagumpay na tinatamasa ni Janine sa industriya.
Bukod kay Janine, nagpaabot din ng isang taos-pusong hiling si Lotlot para sa isa pa niyang anak na si Diego Gutierrez, na kasama rin niya sa pelikulang “40 Days.” Ibinahagi ng beteranang aktres ang kanyang mga panalangin at pangarap para sa patuloy na paglago ni Diego bilang isang artista at indibidwal.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh