Joey Marquez, tinanong kung babalik sa politika; sagot niya, may kaugnayan sa sitwasyon ngayon

Joey Marquez, tinanong kung babalik sa politika; sagot niya, may kaugnayan sa sitwasyon ngayon

  • Diretsahang sinabi ng aktor at dating Parañaque City Mayor na si Joey Marquez na mas nais niyang manatili bilang isang private citizen kaysa muling pumasok sa politika, lalo na sa gitna ng mga kontrobersiyang kinakaharap ng pamahalaan at ng hindi magandang reputasyon ng politika sa kasalukuyan
  • Sa panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” kasama ang anak na si Winwyn Marquez, ibinahagi ni Joey ang kaniyang pananaw tungkol sa mga nangyayari sa gobyerno at ipinaliwanag kung bakit mas gusto na lamang niyang manood at tumulong sa sarili niyang paraan
  • Nagbigay rin ng opinyon ang dating alkalde tungkol sa pagkakaiba ng showbiz at politika, at inihambing ang script na sinusunod ng mga artista sa mga batas na dapat ipatupad ng mga nasa puwesto, bago niya punahin ang mga gumagawa at lumalabag sa batas
  • Samantala, ibinahagi naman ni Winwyn na hindi na niya planong sumali muli sa Miss Universe Philippines at nais niyang gamitin ang kaniyang boses sa ibang paraan upang manawagan ng mas mahusay na pamumuno at pananagutan sa mga namamahala sa bansa

Read also

Ai Ai delas Alas, may makahulugang pahayag tungkol sa pagiging ina

Mas pinipili na lamang ni Joey Marquez na manatili bilang isang pribadong mamamayan kaysa muling pasukin ang mundo ng politika.

Joey Marquez, tinanong kung babalik sa politika; sagot niya, may kaugnayan sa sitwasyon ngayon
Joey Marquez, tinanong kung babalik sa politika; sagot niya, may kaugnayan sa sitwasyon ngayon
Source: Instagram

Ito ang naging sagot ng aktor nang biruin siya ng King of Talk na si Boy Abunda tungkol sa posibilidad na bumalik siya sa serbisyo publiko.

Sa guesting nina Joey at anak niyang si Winwyn Marquez sa programang “Fast Talk with Boy Abunda,” tinanong siya ni Kuya Boy kung mayroon pa ba siyang planong bumalik sa politika.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Napangisi muna ang dating alkalde bago sumagot ng, “WITH the current situation now?”

Ipinaliwanag naman ni Boy na pabiro lamang ang kaniyang tanong dahil maraming kontrobersiya ang kinakaharap ng politika sa kasalukuyan.

Aniya, “Natawa lang ho kami dahil nasa kalagitnaan tayo ng napakaraming political controversies.”

Dito na ibinahagi ni Joey ang kaniyang dahilan kung bakit hindi na niya nais na muling pumasok sa politika.

“Ang pangit ng reputasyon ng politics ngayon, eh, kaya I’d rather stay as a private citizen,” pahayag niya.

Read also

Anjo Yllana, may rebelasyon tungkol sa nakaraan nina Kris at Joey Marquez

Matatandaang may karanasan na si Joey sa lokal na pamahalaan. Nagsilbi siyang vice mayor ng Parañaque City mula 1992 hanggang 1995 bago naging alkalde ng lungsod mula 1995 hanggang 2004.

Sa kabila ng kaniyang dating posisyon at karanasan sa serbisyo publiko, mas nais na lamang niyang manatili sa labas ng politika sa kasalukuyan.

Nagbigay pa ng isa pang pahayag si Joey tungkol sa kaniyang pananaw sa sitwasyon ng politika at sa mga taong may hawak ng kapangyarihan.

Sabi niya, “Sabi ko it’s very dangerous to be right in the wrong government, Mas maganda na siguro tumigil na ako, manood na lang ako, tumulong na lang ako in my own little way but entering politics right now, in my own opinion it’s sad grace.”

Naitanong din ni Boy kay Winwyn kung mayroon siyang planong pumasok sa politika.

Ibinahagi ng aktres na nagkaroon na siya noon ng karanasan sa Sangguniang Kabataan o SK, ngunit hindi na niya ito planong ipagpatuloy.

“I did before (Sangguniang Kabataan) but sinabi ng dad ko, I’m not,” sagot ni Winwyn.

Joey at Winwyn, ikinumpara ang politika at showbiz

Read also

Robin Padilla, nagbigay ng mensahe kay Angelina Jolie; netizens, may reaksiyon

Sa pagpapatuloy ng kanilang usapan, tinanong ni Boy si Winwyn tungkol sa pagkakaiba ng politika at showbiz batay sa kaniyang pananaw.

Para sa aktres, mahalagang may integridad at tunay na hangaring makatulong ang isang taong pumapasok sa politika.

“Ito kasi pag politics kailangan talaga totoong may integridad ka, totoong gusto mong tumulong hindi dahil nasa posisyon ka,” paliwanag niya.

May sarili ring paghahambing si Joey sa dalawang larangan.

“I think to me, it’s the same. In showbiz, you’re given a script to portray a person, in politics you are given a law for you to do the right thing, the problem is script gagawin mo, ‘yung law bina-violate mo what’s even wrong those who creates law the one who violates it.”

Dagdag pa ng aktor, may pagkakaiba rin sa pananagutan ng mga nasa showbiz at politika kapag hindi nila nagagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.

“Ang kagandahan sa showbiz pag hindi ka magaling pwede ka tanggalin, sa politics hindi, eh, poprotektahan ka pa.”

Winwyn, may panawagan sa mga Pilipino

Bukod sa usapin ng politika, natanong din ni Boy si Winwyn kung mayroon pa ba siyang planong sumali muli sa Miss Universe Philippines.

Read also

John Lloyd Cruz, nag-iwan ng mensahe matapos purihin ni Ellen Adarna

Agad namang sinabi ng aktres na wala na ito sa kaniyang mga plano.

Gayunman, nilinaw niyang nais pa rin niyang katawanin ang Pilipinas, ngunit sa ibang paraan na hindi lamang nakasentro sa beauty pageant.

“I think I would want to represent the Philippines but in a different way now. I think kailangan ko talaga to use my voice to Filipinos na deserved better? I think Tito Boy my representation goes beyond the stage lalo na ngayon at lalo na sa government natin na there’s a lot that doesn’t deserve admiration, we need accountability, we need to voice out that Filipinos need a better leader and three words, I just wanna say, ‘wake up Filipinos, please!’,” pahayag niya.

Bilang tugon, sinabi naman ni Boy, “We join you there, gumising tayong lahat.”

Samantala, hindi lamang ang kaniyang karanasan sa politika ang naging paksa ng mga naunang ulat tungkol kay Joey.

Sa isang panayam kay Alma Moreno, ibinahagi ng aktres na maayos pa rin ang kanilang relasyon ng dating asawa. Nabanggit din niyang nagkakamustahan sila ni Joey tungkol sa kanilang mga lovelife kapag nagkikita. Nagsama bilang mag-asawa ang dalawa sa loob ng 13 taon at mayroon silang apat na anak.

Read also

Robin Padilla, may hamon sa House prosecution panel sa impeachment trial

Sa isa pang ulat ng KAMI, nagbahagi naman si Anjo Yllana ng rebelasyon tungkol sa nakaraan nina Kris Aquino at Joey. Inamin niyang siya ang naging tulay upang magkakilala at magkalapit ang dalawa noon. Ikinuwento rin niya ang guilt na naramdaman dahil sa naging epekto umano ng kontrobersiya sa political career ni Joey.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate