Anjo Yllana, may rebelasyon tungkol sa nakaraan nina Kris at Joey Marquez

Anjo Yllana, may rebelasyon tungkol sa nakaraan nina Kris at Joey Marquez

  • Inamin ng aktor at dating konsehal na si Anjo Yllana sa panayam ni Julius Babao na siya ang naging tulay upang magkakilala at magkalapit noon sina Kris Aquino at Joey Marquez
  • Ibinahagi rin ni Anjo na nakaramdam siya ng matinding guilt dahil naapektuhan umano ang karera sa politika ni Joey matapos ang naging kontrobersiyal na paghihiwalay ng dating magkarelasyon
  • Ipinagtapat ng aktor na nagkaroon ng lamat ang matagal nilang pagkakaibigan ni Kris nang kampihan niya si Joey sa gitna ng mga isyung ipinukol laban sa dating alkalde
  • Sa kabila ng kanilang pagkakaroon ng distansiya sa isa't isa, nanindigan si Anjo na ipagtatanggol pa rin niya ang panganay ni Kris na si Joshua laban sa sinumang mangungutya rito

Ibinunyag ng aktor na si Anjo Yllana na siya ang naging dahilan kung bakit nagkakilala at nagkaroon ng relasyon noon sina Kris Aquino at Joey Marquez. Sa kanyang pagbisita sa “Unplugged” vlog ng mamamahayag na si Julius Babao, ikinuwento ni Anjo ang mga pangyayari sa likod ng naging pag-iibigan ng dalawa at ang matinding guilt na naramdaman niya nang magtapos ito.

Read also

Robin Padilla, nagbigay ng mensahe kay Angelina Jolie; netizens, may reaksiyon

Anjo Yllana, may rebelasyon tungkol sa nakaraan nina Kris at Joey Marquez
Anjo Yllana, may rebelasyon tungkol sa nakaraan nina Kris at Joey Marquez (📷Julius Babao/UNPLUGGED/YouTube)
Source: Youtube

Ayon kay Anjo, malapit siya sa parehong panig noong panahong iyon. Kasamahan niya si Joey sa sitcom na Palibhasa Lalake at sabay silang nanilbihan sa Parañaque—si Joey bilang alkalde at si Anjo bilang konsehal—habang matalik naman niyang kaibigan si Kris na kakahiwalay lang din kay Phillip Salvador.

“Then sabi ni Kris noon (kay Anjo), ‘I like Joey, he’s gentleman.’ Tapos sinabi ko kay Joey, ‘Uy gentleman ka raw.’ Tapos after two weeks for some reasons pinadaan sa akin kung puwede raw silang mag-dinner,” pagbabahagi ni Anjo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inamin ng aktor na nakaramdam siya ng pagsisisi dahil naapektuhan umano ang karera ni Joey sa politika nang maghiwalay ang dalawa. Itinuring ni Anjo na idolo si Joey sa serbisyo publiko na naging inspirasyon niya sa pagtakbo bilang konsehal.

“Kaya na-guilty ako kasi nu’ng naayos ko ‘yung kanilang pagmamahalan (Kris at Joey) sa start, na-guilty ako kasi ang daming accusations kay Joey noon nasira ‘yung political career niya, kasi ang (sunod) na takbo niya congress na kaya guilty ako,” paliwanag niya.

Read also

John Lloyd Cruz, nag-iwan ng mensahe matapos purihin ni Ellen Adarna

Bilang maikling balik-tanaw, naging malapit na magkaibigan sina Anjo at Kris noong dekada nobenta at nagkaroon pa ng maikling relasyon na hindi umabot ng isang buwan. Si Anjo rin ang naging sandalan ni Kris noong ipinagbubuntis niya si Joshua kay Phillip Salvador, kung saan tiniyak ng aktor na tatanggapin nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating Pangulong Noynoy Aquino ang bata.

Gayunpaman, nagkalamat ang kanilang pagkakaibigan nang kampihan ni Anjo si Joey sa mga isyung ibinato laban dito. “Yun nga ‘yung accusation (sexually transmitted disease o STD), e, kinampihan ko si Joey do’n kaya nagalit sa akin si Kris and up to now meron kaming parang (wall),” saad ni Anjo.

Sa kabila nito, ipinagtanggol kamakailan ni Anjo si Joshua matapos pag-usapan sa isang podcast.

Samantala, patuloy na sinusubaybayan ng publiko ang lagay ni Kris Aquino at ng kanyang pamilya, gaya ng mga kamakailang ulat na inilathala sa Kami.com.ph:

Kamakailan ay ibinahagi ni Kris Aquino ang hindi inaasahang pagkikita nila ni James Yap sa isang ospital kasama si Bimby. Naging maayos ang kanilang pagtatagpo at nagbiro pa umano si Kris tungkol sa isang “utang” na ipinaalala niya sa dating asawa.

Nagbigay rin ng update si Kris Aquino tungkol sa kanyang kalusugan at mga pagbabago sa kanilang tahanan. Ibinahagi niya ang ilang detalye sa kanyang pagpapagaling habang patuloy na bumubuhos ang dasal ng mga tagasuporta.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate