Meiko Montefalco, nadismaya matapos ipasuri ang alahas na matagal niyang iningatan
- Nadismaya ang content creator na si Meiko Montefalco matapos matuklasang hindi pala totoong diyamante ang isang alahas na iningatan niya nang ilang taon at pinaniwalaang nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱500,000
- Dinala ni Meiko ang nasabing alahas sa may-ari ng Maddox Jewelry na si Charo Cordial upang ipasuri ito dahil matagal na siyang naghihinala kung tunay nga ba ang mga bato nito
- Inamin din ni Meiko na ibinigay lamang ito sa kanya ng isang taong ayaw na niyang pangalanan ngunit siya ang unang nagbayad rito matapos pangakuang ibabalik din ang kanyang pera
- Nang makumpirmang stainless steel o bakal lamang ang alahas at peke ang diyamante ay nagpasya si Meiko na huwag nang habulin ang pera at magpatuloy na lamang para sa kanyang dalawang anak
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nakaramdam ng pagkadismaya ang content creator na si Meiko Montefalco matapos kumpirmahin ng isang eksperto na hindi totoong diyamante ang alahas na kanyang iningatan nang ilang taon. Tinatayang nasa ₱500,000 ang halagang sangkot sa nasabing alahas.

Source: Facebook
Dinala ni Meiko ang alahas sa may-ari ng Maddox Jewelry na si Charo Cordial upang ipasuri ito dahil matagal na siyang nagdududa kung authentic ang mga diyamante nito. Ayon kay Meiko, ibinigay sa kanya ang alahas ng isang taong ayaw na niyang pangalanan. Siya rin umano ang unang nagbayad para rito matapos siyang pangakuan na babayaran din siya pabalik.
"Hindi naman ako nabayaran," pagbabahagi niya.
Sa unang tingin pa lamang ni Charo sa alahas, naghinala na siyang hindi tunay ang mga bato at mukhang metal lamang ang materyales nito. "Unang tingin ko pa lang, para siyang fake diamond," ani Charo.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ipinasuri nila ang alahas upang makumpirma ang pagiging tunay nito, at nagkatotoo ang unang hinala ni Charo. "Stainless lang siya, in short, this is bakal," paliwanag ni Charo. "Hindi siya totoong diamond. This is fake diamond!"
Hindi naitago ni Meiko ang kanyang pagkadismaya sa natuklasan. Naalala niya na dati ay natatakot pa siyang isuot ang alahas dahil baka manakaw ito, ngunit peke pala ang mga diyamante nito. Nang tanungin kung hahabulin pa niya ang kanyang ibinayad, sinabi ni Meiko na wala na siyang balak makipag-ugnayan sa nagbigay nito at pinili na lamang mag-move on.
Upang maibsan ang kanyang stress, inanyayahan siya ni Charo na tumingin ng ibang alahas sa Maddox Jewelry. Nagkainteres naman si Meiko sa isang 10-karat diamond jewelry na nagkakahalaga ng ₱199,000 na maaari niyang isuot araw-araw.
Napag-usapan din ng dalawa ang pinagdaanan ni Meiko sa kanyang dating asawa, kung saan inamin niyang hindi pa siya tuluyang nakababawi sa sakit ng kanilang paghihiwalay. "Hindi ko pa masasabing healed ako ngayon kasi masakit pa rin," pag-amin niya. Sa kabila nito, patuloy siyang nagsusumikap para sa kanyang dalawang anak.
Si Meiko Montefalco ay isang kilalang Filipino content creator na nagbabahagi ng kanyang buhay bilang ina at mga personal na karanasan sa social media. Matapos ang paghihiwalay nila ng kanyang dating asawa, naging bukas siya sa kanyang mga tagasubaybay habang itinataguyod ang kanyang dalawang anak.
Bukod sa usaping ito, naging laman din ng balita kamakailan ang mga naging pahayag ni Meiko Montefalco tungkol sa kanyang personal na buhay. Narito ang dalawa pang ulat tungkol sa kanya mula sa Kami.com.ph:
Sa isang artikulo, ibinahagi ni Meiko Montefalco ang kanyang mga bagong panuntunan pagdating sa pagpili ng makakasama sa buhay matapos ang mga aral na natutunan niya sa nakaraan. Inilahad niya kung ano na ang kanyang mga prayoridad habang nakatuon sa pagpapalaki sa kanyang mga anak.
Samantala, nagsalita rin si Meiko Montefalco kaugnay ng isang isyung kinasasangkutan ng kanyang ex upang linawin ang kanyang panig sa publiko. Ibinahagi niya ang kanyang saloobin upang matuldukan ang mga espekulasyon online.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


