Kris Aquino, nagbahagi ng update sa kalusugan at pagbabago sa kanilang bahay

Kris Aquino, nagbahagi ng update sa kalusugan at pagbabago sa kanilang bahay

  • Nagbigay ng tapat na update ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa kaniyang pinakabagong Facebook post kung saan tiniyak niya sa publiko na patuloy siyang lumalaban para sa kaniyang buhay sa gitna ng kaniyang mga autoimmune diseases
  • Ibinahagi ng kilalang TV host na kasalukuyang inaayos ang kanilang tahanan sa Cojuangco family compound upang gawing PWD-friendly ang mga palikuran at inilipat muna sa isang guest house ang mga muwebles mula sa brand na kaniyang kasalukuyang ineendorso
  • Inilahad din ni Kris na katuwang niya ang bunsong anak na si Bimby at ang isa hanggang dalawang nars sa pag-alalay sa kaniya tuwing nakararanas siya ng matinding pananakit ng katawan dulot ng kaniyang rheumatoid arthritis at vasculitis
  • Sa kabila ng limang taong pakikipaglaban sa karamdaman ay nananatiling buo ang tiwala ni Kris sa kaniyang mga doktor habang humuhugot siya ng lakas mula sa kaniyang mga anak, mga kapatid, at malalapit na kaibigan na patuloy na nananalangin

Read also

Maybelyn Dela Cruz-Fernandez at Japan photo niya, pinag-usapan online

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Muling nagbahagi ng mensahe sa social media ang Queen of All Media na si Kris Aquino tungkol sa kaniyang kasalukuyang kalagayan. Sa isang Facebook post, tiniyak ng TV host sa kaniyang mga tagasuporta na patuloy siyang lumalaban sa buhay.

Kris Aquino, nagbahagi ng update sa kalusugan at pagbabago sa kanilang bahay
Kris Aquino, nagbahagi ng update sa kalusugan at pagbabago sa kanilang bahay (đź“·@krisaquino/IG)
Source: Instagram

Ayon kay Kris, kasalukuyang inaayos ang kanilang bahay sa loob ng Cojuangco family compound upang gawing PWD-friendly ang mga banyo para sa kaniya. Pansamantala namang inilipat sa isang guest house ang mga muwebles mula sa brand na kaniyang ineendorso habang ginagawa ito.

Ipinaliwanag niya na kinailangan ang pagbabagong ito para sa kaniyang kaligtasan. “I have already had several accidents in the bathroom because I lost my balance so now it's like we're having a small party because at least 1 but more often 2 nurses and Bimb when the rheumatoid arthritis & vasculitis strike, the pain with each step is so harsh that even my formidable pain tolerance crumbles and the tears flow,” pagbabalik-tanaw niya.

Read also

Baron Geisler at PBB, muling pinag-usapan matapos ang kanyang X post

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa ni Kris, isa ito sa mga natutunan niya habang patuloy na nagpapagamot. “That's one of the lessons I learned throughout this 5 year prolonged war, it's okay to cry, there's nothing wrong with being human & vulnerable because that just means I am alive, I still have genuine feelings, and some of my most life threatening autoimmune illnesses will be in remission because I plan to stay alive,” pahayag niya.

Hindi na siya nagbigay ng karagdagang detalye sa kaniyang kalusugan ngunit sinigurong patuloy siyang lumalaban sa tulong ng mga nasa paligid niya. “Buo ang tiwala ko sa team of doctors taking care of me, my children & my sisters together with my very small circle of trusted friends are unwavering in their belief that we have a loving God who listens to sincere, heartfelt prayers,” pagtatapos niya.

Si Kris Aquino ay isa sa mga pinakakilalang personalidad sa bansa na naging bukas sa publiko tungkol sa kaniyang mga autoimmune diseases. Matatandaang nagtungo siya sa Estados Unidos ilang taon na ang nakalipas upang magpagamot bago nagpasyang umuwi sa Pilipinas upang dito ipagpatuloy ang kaniyang pagpapagaling kasama ang pamilya.

Read also

Rabiya Mateo, may inamin tungkol sa pinagdadaanan niya ngayon sa UST Medicine

Samantala, nananatili ring bukas si Kris sa pagbabahagi ng mga kwento tungkol sa kaniyang anak na si Bimby. Sa naunang ulat ng Kami.com.ph, nilinaw ni Kris ang legal na pangalan ni Bimby at ipinaliwanag kung bakit Aquino at hindi Yap ang mas ginagamit nito. Sinagot ng host ang tanong ng netizens habang binibigyang-diin ang suporta niya bilang isang ina.

Bukod dito, naging usap-usapan din kamakailan ang pagkikita ng kanilang pamilya at ng dating asawa ni Kris. Iniulat ng Kami.com.ph na nagkita sina Kris at Bimby kasama ang ama nitong si James Yap sa isang ospital. Nagkaroon pa ng maikling pag-uusap ang mag-ama kung saan napansin ni James ang tangkad ng kaniyang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate