Rabiya Mateo, may inamin tungkol sa pinagdadaanan niya ngayon sa UST Medicine

Rabiya Mateo, may inamin tungkol sa pinagdadaanan niya ngayon sa UST Medicine

  • Nagbukas ng saloobin ang beauty queen at aktres na si Rabiya Mateo tungkol sa kanyang mga kasalukuyang karanasan at matinding pinagdadaanan bilang isang ganap na medical student sa University of Santo Tomas
  • Inamin ng dating Miss Universe Philippines titleholder na higit na mas mahirap ang med school kumpara sa kanyang unang inasahan dahil sa dami ng impormasyon na kailangan niyang pag-aralan araw-araw
  • Ibinunyag din ng aktres na ang Biochemistry ang pinakamahirap na asignatura para sa kanya ngayon dahil hindi ito naging bahagi ng kanyang pre-med course na Physical Therapy noong nasa kolehiyo pa siya
  • Sa kabila ng mabigat na workload at kakulangan sa oras ay nananatiling desidido at nagpapasalamat si Rabiya sa pagkakataong matupad ang kanyang pangarap na maging isang ganap na pediatrician balang araw

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagbahagi ng kanyang tapat na karanasan ang beauty queen-turned-actress na si Rabiya Mateo tungkol sa kanyang buhay bilang isang medical student. Inamin ng aktres na mas matindi at mas mahirap pala ang pag-aaral ng medisina kumpara sa kanyang unang inasahan bago siya pumasok dito.

Read also

BINI Mikha, inako ang buong responsibilidad sa nag-viral na video kamakailan

Rabiya Mateo, may inamin tungkol sa pinagdadaanan niya ngayon sa UST Medicine
Rabiya Mateo, may inamin tungkol sa pinagdadaanan niya ngayon sa UST Medicine (đź“·Rabiya Mateo/Facebook)
Source: Instagram

Sa kabila ng mabigat na gawain sa eskwelahan, ipinahayag pa rin ni Rabiya ang kanyang malaking pasasalamat dahil nabigyan siya ng pagkakataon na ipagpatuloy ang kanyang matagal nang pangarap na maging isang doktor sa University of Santo Tomas (UST).

“But overall, I feel so grateful na I got in into UST Medicine. Hindi talaga siya madali, pero I know in the end it's gonna be worth it," dagdag pa niya.

Ibinunyag din ng Kapuso star na ang asignaturang Biochemistry ang pinakamahirap para sa kanya sa ngayon. Paliwanag niya, hindi kasi ito naging bahagi ng kanyang undergraduate studies noong kumukuha pa lamang siya ng kursong Physical Therapy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Pinakamahirap, Biochem kasi wala kaming Biochem sa [Physical Therapy] as, as my premed course," ani Rabiya. "Mahirap siya kasi there's a lot of terms na first time ko pa lang mai-encounter."

Dagdag pa ng aktres, isa sa pinakamalaking pagsubok na kanyang hinaharap ay ang pagbabalanse ng kanyang oras sa pag-aaral habang sinisikap na makasabay sa napakaraming impormasyon na dapat niyang kabisaduhin.

Read also

Angeline Quinto, nagulat sa mensahe ng rider habang nasa backstage ng event

“And then, mahirap talaga siya kasi ang dami. I think I love, I really love to study, but 'yung challenge talaga is paano ako makakapag-aral sa maikling oras na sobrang dami pag-aaralan," kwento pa niya.

Gayunpaman, nananatiling determinado si Rabiya na tapusin ang kanyang medical career at ibinahaging nais niyang maging isang doktor ng mga bata sa hinaharap.

"Gusto ko sanang maging pediatrician. I love kids. Um, mahirap siya, I know, pero as of now, doon ako nili-lead ng heart ko," sabi pa ng beauty queen.

Nagsimula si Rabiya sa kanyang medical school journey sa edad na 29. Sa isang nakaraang panayam sa The Flame, ang opisyal na student publication ng UST Faculty of Arts and Letters, sinabi niyang ang pagbabalik-eskwela sa ganitong edad ay tila pangalawang pagkakataon upang tuparin ang kanyang academic dreams.

"At 29, I feel like I'm a kid fulfilling her dreams and this is an opportunity for me to have a round two for my studies and this time just like in my pre-med taking up Physical Therapy, I'm really gonna give my best," saad niya.

Read also

Mag-ama, natagpuang wala nang buhay sa kanilang tahanan sa Cavite

Si Rabiya Mateo ay nagtapos bilang cum laude sa kursong Bachelor of Science in Physical Therapy mula sa Iloilo Doctors’ College noong 2018 bago siya sumabak sa pageantry at tanghaling Miss Universe Philippines 2020.

Bago pa man ang panayam na ito, madalas nang magbigay ng silip ang aktres sa kanyang mga tagahanga tungkol sa kanyang bagong buhay sa loob ng unibersidad.

Sa naunang ulat ng KAMI, nagbahagi na rin si Rabiya ng isang maikling update sa kanyang medical school journey sa pamamagitan ng isang Instagram Reel. Ipinakita ng beauty queen ang iba't ibang ganap sa kanyang araw-araw na pagpasok sa klase at ang kanyang dedikasyon bilang estudyante. Umani ito ng maraming papuri at suporta mula sa mga netizens na humanga sa kanyang sipag sa pag-aaral.

Samantala, bukod sa kanyang pag-aaral ay masaya rin ang buhay-pag-ibig ng aktres, gaya ng ibinahagi sa isa pang istorya sa KAMI. Masayang ibinida ni Rabiya sa social media ang natanggap niyang mamahaling regalo mula sa kanyang nobyong aktor na si Jake Cuenca. Nagpasalamat ang beauty queen kay Jake matapos siya nitong regaluhan ng kanyang kauna-unahang Rimowa luggage na talaga namang nagpakilig sa kanilang mga tagasuporta.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: