Angeline Quinto, nagulat sa mensahe ng rider habang nasa backstage ng event

Angeline Quinto, nagulat sa mensahe ng rider habang nasa backstage ng event

  • Kinaaliwan ng maraming netizens sa social media ang ibinahaging karanasan ng sikat na mang-aawit na si Angeline Quinto matapos siyang magkamali sa kanyang in-order online habang abala sa trabaho
  • Nakaligtaan umano ng singer na palitan ang nakalagay na delivery address sa ginagamit niyang application kaya sa isang hotel sa Bonifacio Global City tuloy naipadala ang kanyang mga pinamili
  • Para sana sa lulutuing sinigang na baka sa kanilang bahay ang mga sangkap na dumating sa Grand Hyatt Hotel kung saan kasalukuyan siyang dumadalo at naghahanda para sa isang event
  • Nasa backstage na umano si Angeline at malapit nang sumalang sa entablado para kumanta nang matanggap niya ang mensahe mula sa delivery rider na naghihintay na pala sa lobby ng hotel

Maraming netizens ang naaliw sa ibinahaging "sabaw moment" ng Kapamilya singer na si Angeline Quinto kamakailan. Ito ay matapos niyang aksidenteng maipa-deliver sa isang sikat na hotel sa Bonifacio Global City (BGC) ang mga sangkap na gagamitin sana sa pagluluto sa kanilang sariling tahanan.

Read also

Direk Tony Mark, nilinaw ang kaugnayan sa isyu tungkol kay Kim Chiu

Angeline Quinto, nagulat sa mensahe ng rider habang nasa backstage ng event
Angeline Quinto, nagulat sa mensahe ng rider habang nasa backstage ng event (📷@loveangelinequinto/IG)
Source: Instagram

Ayon sa ulat at sa mismong kwento ni Quinto, nakaligtaan niyang baguhin ang naka-save na delivery address sa kanyang ginagamit na delivery app. Nangyari ang nakatutuwang insidente habang abala siya sa pagdalo sa isang event sa Grand Hyatt Hotel kung saan nakatakda rin siyang magtanghal.

Sa kanyang post, detalyadong ikinuwento ng mang-aawit ang kanyang naging reaksyon nang mapagtanto ang pagkakamali habang naghahanda na sa likod ng entablado.

"Hindi ako maka move on, sa Grand Hyatt Hotel ko naipadeliver ang lulutuing SINIGANG NA BAKA sa bahay. Nakakaloka. 🤣 Pa backstage nako para mag perform sa event, natanggap ko message ni Kuya nasa lobby na ng hotel. Award. 🙈 Di ko naman masabi kay Kuya Rider na teka lang po kakanta lang ako hahaha🤣"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agad namang umani ng iba't ibang nakatutuwang komento mula sa mga tagahanga at kapwa niya celebrities ang nasabing post. Marami ang naka-relate sa pagiging abala ng isang working mom na kahit nasa gitna ng malaking event ay iniisip pa rin ang ihahanda at lulutuing ulam para sa kanyang pamilya sa bahay.

Read also

Mag-ama, natagpuang wala nang buhay sa kanilang tahanan sa Cavite

Si Angeline Quinto ay isa sa mga pinakatanyag na mang-aawit at aktres sa Pilipinas. Unang nakilala ang kanyang husay sa pagkanta nang tanghalin siya bilang grand winner ng talent search na "Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar" noong taong 2011. Bukod sa kanyang matagumpay na karera sa musika at telebisyon, kilala rin siya ng publiko sa kanyang pagiging natural na komedyante at pagiging tapat sa pagbabahagi ng kanyang buhay-pamilya kasama ang asawang si Nonrev Daquina at ang kanilang mga anak.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagdulot ng katatawanan at aliw si Angeline sa publiko, dahil maging sa mga concerts ng kanyang mga kaibigan sa industriya ay madalas din siyang magpakita ng kanyang kwelang personalidad.

Sa naunang ulat ng KAMI, kinaaliwan din ang naging eksena nina Angeline at Yeng Constantino sa katatapos lamang na concert. Hindi napigilang mawindang at matawa ni Yeng nang makita ang kakaibang "kodigo" ng lyrics na ginamit ni Angeline habang sila ay nasa entablado. Agad na nag-viral ang naturang tagpo na nagpakita ng malalim at masayang pagkakaibigan ng dalawang OPM singers.

Samantala, bukod sa pagpapatawa ay ipinakita rin ng singer ang kanyang malambot na puso sa isa pang istorya sa KAMI. Nagbahagi si Angeline ng isang emosyonal na tribute para sa kanyang idolo na si "Asia's Songbird" Regine Velasquez-Alcasid matapos niyang mapanood ang "Finale" concert nito. Labis ang pasasalamat ng singer sa naging malaking impluwensya at gabay ni Regine sa kanyang sariling karera sa industriya ng musika.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate