Ko Kyung Pyo, naglabas ng pahayag matapos masangkot sa kontrobersiya

Ko Kyung Pyo, naglabas ng pahayag matapos masangkot sa kontrobersiya

  • Personal na humingi ng paumanhin ang South Korean actor na si Ko Kyung Pyo matapos siyang masangkot sa isang insidente ng pagmamaneho nang nakainom sa Donggyo-dong, Mapo-gu, Seoul noong madaling-araw ng Nobyembre 14, 2026
  • Batay sa isinagawang breathalyzer test ng mga pulis, umabot sa 0.150 percent ang kaniyang blood alcohol concentration, na lampas sa 0.08 percent na limitasyon para sa pagbawi ng lisensiya sa South Korea
  • Sa kaniyang Instagram statement noong Nobyembre 15, inamin ng Reply 1988 star ang pagkakamali, humingi ng tawad sa mga sanitation worker, fans at mga production team, at ipinaliwanag din ang isang detalyeng napansin sa kumalat na video
  • Inanunsiyo rin ni Ko Kyung Pyo ang pansamantalang pagsususpinde sa lahat ng nakatakdang aktibidad at nangakong makikipagtulungan sa imbestigasyon, aakuin ang responsibilidad sa pinsala at tatanggapin ang anumang parusang ipapataw sa kaniya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Personal na humingi ng paumanhin ang South Korean actor na si Ko Kyung Pyo matapos siyang masangkot sa isang insidente ng pagmamaneho nang nakainom sa Seoul, South Korea.

Read also

70-anyos na babae sa Albay, nasangkot sa pananaga ng sariling anak

Ko Kyung Pyo, naglabas ng pahayag matapos masangkot sa kontrobersiya
Ko Kyung Pyo, naglabas ng pahayag matapos masangkot sa kontrobersiya (📷@kopular/IG)
Source: Instagram

Bukod sa pag-amin sa kaniyang pagkakamali, inanunsiyo rin ng aktor na pansamantala niyang ihihinto ang lahat ng nakatakdang showbiz activities habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Naganap ang insidente noong madaling-araw ng Nobyembre 14, 2026, sa Donggyo-dong, Mapo-gu, kung saan nasangkot ang sasakyan ni Ko Kyung Pyo sa isang banggaan sa isang truck na ginagamit sa paglilinis ng kalsada.

Ayon sa mga pulis na rumesponde sa lugar, naamoy nilang nakainom ang aktor kaya isinailalim siya sa breathalyzer test. Lumabas sa pagsusuri na umabot sa 0.150 percent ang kaniyang blood alcohol concentration (BAC).

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mas mataas ito sa 0.08 percent na itinakdang limitasyon sa South Korea para sa pagbawi ng driver's license. Dahil dito, kinumpiska ng mga awtoridad ang lisensiya ng aktor.

Noong Linggo, Nobyembre 15, naglabas si Ko Kyung Pyo ng personal na pahayag sa kaniyang Instagram account upang akuin ang responsibilidad sa nangyari at humingi ng paumanhin sa mga naapektuhan.

Read also

Mag-ama sa Catanduanes, inaresto matapos ang insidente sa birthday inuman

Sa kaniyang mensahe, inamin niyang nagmaneho siya matapos uminom ng alak noong madaling-araw ng Nobyembre 14.

Mababasa sa kaniyang pahayag, batay sa English translation ng The Chosun Daily:

“I’m sorry. This is Ko Kyung Pyo. I drove after drinking alcohol in the early morning of November 14 and hit a cleaning truck.

“My blood alcohol level at the time exceeded the license revocation threshold.

“I would like to apologize again first to those who were working early in the morning and were put in danger and startled by my driving.

“It was entirely my fault for getting behind the wheel after drinking.

“I had told people not to drive under the influence, but I broke that promise myself.

“My actions could have seriously injured someone. It was an irresponsible act.”

Isinalaysay rin ng aktor ang mga sumunod na pangyayari matapos ang banggaan. Ayon sa kaniya, hindi siya agad nakahanap ng lugar kung saan maaaring ligtas na ihinto ang kaniyang sasakyan kaya nagpatuloy pa siya nang kaunti bago ito ipinarada.

Read also

Robin Padilla, may hamon sa House prosecution panel sa impeachment trial

Bumaba siya upang tingnan ang bahagi ng sasakyan na nabangga. Nang makaharap niya ang dalawang sanitation worker, agad umano siyang humingi ng paumanhin.

Dagdag pa niya sa kaniyang pahayag:

“As soon as I met the two sanitation workers, I apologized.

“They cautiously informed me that they had already reported it to the police.

“I felt even more flustered and apologetic because they didn’t get angry, and I wanted to hide somewhere.

“I told them I would take responsibility for my mistake, apologized again, and waited for the police while talking briefly at the scene.”

Nagbigay rin ng paliwanag si Ko Kyung Pyo tungkol sa isang video ng insidente na kumalat online.

Sa naturang video, napansin ng ilang netizens ang pagkilos ng aktor habang may inilalagay siya sa bulsa ng kaniyang jacket. Nagkaroon ito ng iba't ibang interpretasyon sa social media.

Nilinaw naman ng aktor na susi ng kaniyang sasakyan ang hawak niya noon at iyon ang inilagay niya sa bulsa.

Aniya, “What I put in my coat pocket in the video was the car key I was holding.”

Read also

Rabiya Mateo, may inamin tungkol sa pinagdadaanan niya ngayon sa UST Medicine

Kasunod ng kontrobersiya, inanunsiyo ni Ko Kyung Pyo na pansamantala niyang sususpindihin ang lahat ng kaniyang nakatakdang aktibidad.

Humingi rin siya ng paumanhin sa mga production team, staff at kapwa artist na maaaring maapektuhan ng kaniyang desisyon, lalo na ang mga proyektong nakapagsimula na ng shooting at paghahanda.

Ibinahagi rin ng aktor kung gaano kahalaga sa kaniya ang kaniyang trabaho at ang mga taong nakasama niya sa industriya.

“There was a time when I was mentally overwhelmed, unsure how to proceed as an actor.

“During that period, appearing on variety shows and laughing with people gave me strength.

“Some viewers said they temporarily forgot their worries after watching my broadcasts, even on tough days.

“Recently, going to work every day has been genuinely joyful and grateful.”

Aminado rin siyang mas mabigat para sa kaniya ang malaman na ang mga taong nakatrabaho niya ay kailangang mag-adjust dahil sa kaniyang pagkakamali.

“Those who filmed scenes with me, laughing together, now have to re-edit them because of my mistake, and some have to make sudden difficult decisions about long-prepared schedules.

Read also

BINI Mikha, inako ang buong responsibilidad sa nag-viral na video kamakailan

“I’m deeply sorry to the producers, staff, and colleagues who trusted and invited me, and those who stood by my side.

“I caused great worry and disappointment to those who gave me encouraging words.”

Hindi rin nakalimutan ng aktor na humingi ng tawad sa mga tagahanga niyang sumuporta sa kaniyang mga proyekto sa paglipas ng mga taon.

“I’m sorry to long-time fans, those who set aside time to meet me, and everyone who watched my work and broadcasts.

“I’m furious at myself for what I did, but rather than dwelling on that anger, I want to apologize once again to those who were startled and hurt by my actions.”

Sa huling bahagi ng kaniyang pahayag, tiniyak ni Ko Kyung Pyo na makikipagtulungan siya nang lubos sa imbestigasyon ng pulisya.

Nangako rin siyang gagawin ang mga kinakailangang hakbang upang matugunan ang pinsalang dulot ng aksidente at tatanggapin ang anumang parusang ipapataw sa kaniya.

“I will cooperate fully with the police investigation. I will take all necessary measures to address the damages caused by the accident and accept any penalties.

Read also

Angeline Quinto, nagulat sa mensahe ng rider habang nasa backstage ng event

“I will suspend all scheduled activities. I will never forget the shame I feel from this incident and will live while holding myself accountable.

“I’m truly sorry,”

Si Ko Kyung Pyo ay isang South Korean actor na nakilala sa iba't ibang Korean drama at pelikula. Isa sa mga pinakakilala niyang proyekto ang hit series na Reply 1988, kung saan ginampanan niya ang karakter na si Sung Sun-woo.

Naging bahagi rin siya ng mga seryeng Chicago Typewriter, Cross, Private Lives at Love in Contract. Nakilala siya sa pagganap sa iba't ibang uri ng karakter sa telebisyon at pelikula.

Dahil sa insidenteng kinasangkutan, pansamantalang mapuputol ang ilan sa kaniyang nakatakdang aktibidad sa entertainment industry habang hinaharap niya ang imbestigasyon at mga posibleng kahihinatnan ng kaniyang ginawa.

Naging laman din ng mga ulat ang beteranong South Korean actor na si Song Young Kyu matapos siyang pumanaw sa edad na 55. Ilang buwan bago ang kaniyang pagpanaw, nasangkot siya sa isang kontrobersiya matapos mahuli sa pagmamaneho nang nakainom noong Hunyo 2025. Dahil sa insidente, naharap din siya sa mga pagbabago sa kaniyang mga proyekto sa entertainment industry.

Read also

Mag-ama, natagpuang wala nang buhay sa kanilang tahanan sa Cavite

Bago ang personal na paghingi niya ng paumanhin, iniulat din ng KAMI ang pagkakasangkot ni Ko Kyung Pyo sa insidente habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya. Iniulat sa unang artikulo na umabot sa antas na maaaring maging dahilan ng pagbawi ng kaniyang lisensiya ang resulta ng pagsusuri sa kaniyang blood alcohol concentration. Naglabas din ng pahayag ang kaniyang management agency na CL&Company upang humingi ng paumanhin sa mga naapektuhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate