Ama ng biktimang nursing student, binawian ng buhay matapos ang malibing ang anak

Ama ng biktimang nursing student, binawian ng buhay matapos ang malibing ang anak

  • Pumanaw na ang 47-anyos na si Roden Gabayno na ama ng nursing student na si Altheia Maru Gabayno nitong madaling araw ng Martes, Nobyembre 17, dalawang araw lamang matapos ihatid sa huling hantungan ang kaniyang anak
  • Isinugod pa ang naturang barangay councilor sa Oriental Mindoro Southern District Hospital sa bayan ng Roxas matapos makaranas ng hirap sa paghinga habang natutulog ngunit idineklara siyang wala nang buhay bandang alas-kuwatro ng madaling araw
  • Ayon sa kaniyang pinsan na si Toto Gabayno, hindi nakitang umiyak si Roden sa buong panahon ng burol at inilabas lamang nito ang kaniyang matinding pagdadalamhati noong mismong araw ng libing ng dalaga noong Sabado
  • Bago ang kaniyang biglaang pagpanaw ay nasabi pa umano ni Roden sa kaniyang misis noong nakaraang gabi na hindi na niya kinakaya pa ang matinding sakit na dulot ng maagang pagkawala ng kanilang anak

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang panibagong dagok ang dumating sa pamilya Gabayno sa Bongabong, Oriental Mindoro matapos pumanaw si Roden Gabayno, ang 47-anyos na ama ng nursing student na si Altheia Maru Gabayno, nitong madaling araw ng Martes, Nobyembre 17. Nangyari ang malungkot na insidente dalawang araw lamang makaraang mailibing ang kaniyang anak.

Read also

Bianca Gonzalez, nagbigay ng pahayag kaugnay ng isyung 20 taon na ang nakalipas

Ama ng biktimang nursing student, binawian ng buhay matapos ang malibing ang anak
Ama ng biktimang nursing student, binawian ng buhay matapos ang malibing ang anak (📷Toto Gabayno via ABS-CBN News)
Source: Facebook

Batay sa pahayag ng kaniyang pinsan na si Toto Gabayno, nakaranas ng hirap sa paghinga si Roden habang natutulog sa madaling araw ng Nobyembre 17. Agad siyang dinala sa Oriental Mindoro Southern District Hospital sa Roxas, subalit sa kabila ng pagsisikap ng mga doktor na siya ay mailigtas ay idineklara siyang pumanaw bandang alas-kuwatro ng umaga.

Dagdag pa ni Toto, hindi umiyak si Roden sa buong panahon ng lamay para kay Altheia at tanging noong araw lamang ng libing noong Sabado lumabas ang kaniyang matinding pagdadalamhati. Bago pa man siya bawian ng buhay, nabanggit umano ni Roden sa kaniyang asawa noong nakaraang gabi na hindi na niya kaya pang tiisin ang sakit ng kanilang pinagdaraanan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Tapos ‘yun po, parang nanginginig ‘yung kaniyang katawan. Tapos noong madaling araw nang matulog, nagulat na lang sila noong ginising si Roden, wala na po siya,” ani Toto.

Si Roden ay nagsisilbi bilang barangay councilor sa Barangay Labonan sa Bongabong at kilala sa kanilang lugar bilang tapat na lingkod-bayan. Marami sa kanilang mga kababayan sa Oriental Mindoro ang nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya dahil sa magkasunod na pagsubok na kanilang kinaharap. Matatandaang ang 20-anyos niyang anak na si Altheia ay natagpuang wala nang buhay sa isang madamo at liblib na bahagi ng Barangay Sapul, Calapan City noong madaling araw ng Nobyembre 7 matapos magtamo ng mga sugat sa katawan. Samantala, ang 26-anyos na suspek na naiulat na dating nobyo ng dalaga ay sumuko na sa mga awtoridad at nahaharap sa kasong murder.

Read also

Lotlot de Leon, sinagot ang tanong tungkol sa naiwang ari-arian sa Iriga City

Bago ang sinapit ng ama ng biktima, unang tinutukan ng publiko ang pagsuko ng suspek sa kaso ni Altheia na naiulat sa KAMI kamakailan. Sa naturang balita, kusang lumantad sa mga awtoridad sa Maynila ang 26-anyos na lalaki na napag-alamang isang pastor at dating kasintahan ng estudyante. Agad na nakipag-ugnayan ang kapulisan upang maibalik ang suspek sa lalawigan ng Oriental Mindoro. Doon ay isinailalim siya sa kaukulang proseso upang harapin ang reklamong isinampa laban sa kaniya.

Kasunod ng kaniyang pagsuko, lumabas din ang ulat hinggil sa pag-amin ng suspek sa sinapit ng dalaga gaya ng ibinahagi sa naunang ulat nitong nakaraang mga araw. Ayon sa nakalap na impormasyon mula sa pulisya, inako ng lalaki ang kaniyang kinalaman sa insidenteng nangyari sa Barangay Sapul, Calapan City noong Nobyembre 7. Nagpasya umano itong humarap sa awtoridad upang panagutan ang nangyari at hindi na madamay pa ang kanilang simbahan. Sa ngayon ay patuloy na umuusad ang legal na hakbang para sa ikalulutas ng kasong naiwan sa pamilya Gabayno.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate