Misis ng OFW sa Riyadh, natukso sa kanyang childhood friend na isang teacher

Misis ng OFW sa Riyadh, natukso sa kanyang childhood friend na isang teacher

- Buong tapang na hinarap ni Eliza Gonzalo, isang misis na may apat na anak, ang lahat ng kasalanan niya sa kanyang mister

- Humingi siya ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo upang mapag-ayos sila ng kanyang asawa na isang OFW sa Riyadh

- Si misis ay nangaliwa at nagkaroon ng ugnayan sa kanyang childhood friend

- Pinaliwanag din ni misis ang kanyang rason kung bakit niya nagawang lokohin si mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action ang isang misis na si Eliza Gonzalo, upang humingi ng tawad sa kanyang mister na si Philip Louie Gonzalo, isang OFW sa Riyadh, Saudi Arabia.

Mayroong apat na anak sina Eliza at Philip at mahigit isang taon pa lang sa abroad si mister.

Nalaman ng KAMI na nangaliwa si misis at natukso sa kanyang childhood friend na si Ronie Carillo na isang teacher.

May kumalat pang mga larawan sina Eliza at Philip kung saan makikitang sweet na sweet ang dalawa. Sinabi rin ni Eliza na may pinainom umano sa kanya si Ronie na naging sanhi ng pagkahilo niya nung sila ay nag-motel.

Ayon kay misis, nagpadala siya sa tukso dahil sa lungkot at pangungulila niya kay mister. Agad naman siyang pinatawad ni mister pero gusto niyang managot si Ronie at mawalan ng lisensya sa pagtuturo.

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang report ng KAMI, isang gwapong Kano ang inireklamo ang GF na Pinay ng napakatinding panloloko.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

In this video of Showbiz Kami, we talked about Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli's engagement! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel