Dating guro, naglabas ng saloobin kaugnay sa isyu ng kapwa guro
- Isang dating guro ang nagbahagi ng kanyang saloobin hinggil sa isa sa pinakamainit na pinag-uusapan sa social media ngayon
- Ito ay kaugnay sa isang gurong nanganib na mawalan ng lisensiya na makapagturo matapos ireklamo ng magulang ng kanyang mag-aaral
- Inihayag niya ang hirap ng mga teacher sa pagtuturo at kawalan ng proteksiyon para sa kanila
- Nanindigan siya para sa kanyang kapwa guro at sana daw ay huwag ibaba ang dignidad ng mga teachers
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang dating guro ang naglabas ng kanyang saloobin tungkol sa isa sa pinakamainit na pinag-uusapan sa social media ngayon. Isang open letter ang ibinahagi ng Facebook user na si Eugene C Flotibles.
Ayon kay Flotibles, ang mga guro ay isa sa mga inaapi sa lipunan at walang proteksiyon.
"Opo.. Utusan po kami, hindi nio po alam noh? Kapag naging guro po kayo, malalaman nio..lahat nga po yata nangangarap na lang na maging visor or sa opisina na nang deped mag work.. Iwas MAPABARANGGAY .. ,baranggay lang nuon, tas TULFO naman ngayon.. ON AIR na.. JUICE Colored," saad niya sa kanyang post.
Dagdag pa niya, mahirap magdidsiplina ng bata sa panahon ngayon lalo at marami ang batas na pumuproteksiyon sa mga bata.
Naging panakot na rin diumano ng mga mag-aaral ang magpapa-Tulfo kapag napagsasabihan.
Kagaya sa pananaw ng karamihan, para kay Flotibles ay maling-mali ang pasyang papatanggalan ng lisensiya ang gurong nireklamo kamakailan ng magulang ng isang mag-aaral dahil pinahiya diumano nito ang bata.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matatandaang umani ng pambabatikos ang naging pasya ni Raffy Tulfo tungkol sa isang gurong inireklamo ng magulang ng isa sa kanyang estudyante. Ito ay matapos paupuin sa labas ng silid-aralan ng guro ang sang mag-aaral na nakipag-away sa kanyang kaklase. Dagdag pa dito, hindi nadala ng mag-aaral ang report card niya.
Sa naunang ulat, naghayag ng saloobin si Raffy Tulfo hinggil sa naging reaksiyon ng netizens.
POPULAR: Read more viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird!. Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactionson KAMI HumanMeter YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh