Raffy Tulfo, naglabas na ng pahayag ukol sa hatol niya sa inireklamong guro
- Naging usap-usapan ang di umano'y agarang paghatol ni Raffy Tulfo sa gurong inakusahan ng pamamahiya at pananakit sa kanyang estudyante
- Ayon sa netizens, di naman daw dumaan sa tamang proseso ang basta na lamang pagpapa-resign sa guro o di kaya ay kasuhan ito at makulong
- Bibigyan daw ni Tulfo ng pagkakataon ang netizens na magpahayag pa ng saloobin ukol sa isyu
- Aminado naman daw ang host na mali na makulong ang guro ngunit sinabi rin niya may karampatang parusa dapat itong kaharapin
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Viral ngayon ang kontrobersyal na isyu na kinasangkutan ng isang guro na inireklamo ng pamamahiya at pananakit ng kanyang estudyante.
Nalaman ng KAMI na dumulog na ang lola ng bata na si Salve Bañez at ang ina ng bata na si Rosemil Edroso sa programa ni Raffy Tulfo upang maaksyunan agad di umano'y nagawa ng guro.
Makikita kasi sa CCTV footage ng paaralan na pinalabas ng guro ang bata dala ang gamit nito dahil lamang umano sa di pagdadala nito ng report card pabalik sa paaralan.
Ayon sa lola, mayroong magulang na nakakita ng pangyayari at nagawa pa umanong pagalitan at saktan ng guro ang bata.
Dahil dito, tinanong ni Tulfo ang lola ng bata kung ano ang nais niyang gawin sa guro. Sinabi nitong gusto niya itong makulong at matanggalan ng lisensya dahil sa di magandang ginawa sa kanyang apo.
Ngunit nang tanungin naman ang ina ng bata gayundin ang ama, pinayuhan na lamang nilang mamahinga na ang guro at iwan na ang propesyon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa panayam ni Tulfo kay Teacher Melita Limjuco, humingi naman ito ng dispensa sa nagawa at sinabing mas pipiliin na lamang niya ang mag-resign at iwan na ang pagtuturo.
Ito ang naging simula ng mainit na balitaktakan ng netizens dahil di raw tama ang naging proseso sa paghusga sa guro.
Narito ang ilan sa kanilang mga naging opinyon sa pangyayari:
Dahil sa init ng pangyayari, naglabas ng pahayag ni Tulfo dahil marami-rami na rin ang nagta-tag sa kanya at naglalabas ng saloobin.
Ayon sa host ng Wanted sa Radyo, magkakaroon daw ng segment ang kanyang progrma sa tanghali na "Netizen's power" kung saan makikinig siya sa mga reaksyon ng netizens gaya na lamang ng napagdesisyunan niyang mangyari sa kaso ng guro.
Alam niyang mali na husgahan agad ng pagpapakulong ang guro o pagpapatanggal nito sa serbisyo ngunit naniniwala siyang nararapat pa rin itong humarap sa karampatang kaparusahan.
Para rin daw sa kanya, nais na lamang niyang pagbatiin ang magkabilang panig upang maayos na rin ang kontrobersiyang ito.
Narito ang kabuuan ng video:
POPULAR: Read more viral stories here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
HumanMeter team has prepared some crazy tongue twisters for people in the street. Let us see if they can nail it!
Filipino Tongue Twister You Will Never Manage To Pronounce | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh