Kabit, inasar si legit at sinabing kasama nito si misis sa motel

Kabit, inasar si legit at sinabing kasama nito si misis sa motel

- Idinulog ni mister ang kanyang reklamo laban sa misis at kabit nito sa programa ni Raffy Tulfo

- Ayon kay mister, tumatawag pa raw sa kanya ang kabit ni misis para sabihing kasama nito ang kanyang asawa sa isang motel

- Inamin din ni mister na nagkaroon ng anak ang dalawa ngunit siya ang pinalabas na ama nito

- Si misis naman daw ay nag-alsa balutan na sa kanilang bahay at hindi na sumasagot pa sa tawag ng programa ni idol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masama ang loob na idinulog ni Norberto Reyno Jr. ang kanyang reklamo laban sa asawa na si Maureen Reyno at sa kabit nito na si Joel Palanca.

Ayon kay mister, nais niyang mapawalang-bisa ang kasal nila ni Maureen upang makalaya na rin siya mula rito.

Umalis na rin daw sa kanilang bahay ang asawa matapos daw siyang tawagan ni Joel Palanca para sabihing kasama nito sa motel ang kanyang misis.

Bagamat hindi tuwirang inamin ni misis kay mister na may kabit nga ito, isa na raw itong malaking pag-amin ayon kay Raffy Tulfo.

Hindi rin daw alam ni Norberto kung bakit siya inaasar ng kabit ng kanyang asawa na nagawa pa nga siyang tawagan para ipaalam na kasama nito ang kanyang misis.

Kwento pa ni mister, una niyang naging nobya si Maureen noong kolehiyo ngunit nagkahiwalay sila.

Doon na raw nito nakilala si Joel at nagkaroon nga ng relasyon ang mga ito. Ngunit ayon kay Norberto, mayroon ng asawa si Joel.

Nabuntis daw nito si Maureen at para maitakas sa kahihiyan ang babae ay pinakasalan niya ito para akuin ang responsibilidad na sinang-ayunan naman daw ni Joel.

Pero hindi pa pala ito sapat dahil nagkaroon muli ng relasyon ang dalawa kahit pa nga pareho na itong kasal sa iba.

Samantala, hindi naman nahingan ng pahayag ang dalawang inirereklamo dahil parehong ayaw sumagot ng mga ito.

Napag-alaman naman na may mga nakalap na ebidensiya laban sa dalawa si Norberto katulad ng mga conversation ng mga ito at maging ang ilang text messages ng pag-amin ni Joel sa kanya.

Posible raw kasing magamit ito sa korte upang patunayan ang pakikiapid ng dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel