Gwapong Kano, inireklamo ang GF na Pinay ng napakatinding panloloko

Gwapong Kano, inireklamo ang GF na Pinay ng napakatinding panloloko

- Dumulog ang Amerikanong si RJ Russel, kasama ang kapatid nito, sa programa ni Raffy Tulfo para ireklamo ang kanyang Pinay GF

- Ayon kasi sa foreigner, umabot na sa P25 million ang nahuthot sa kanya ng Pinay

- Ibinigay daw niya ang pera upang masiguro ang kanilang future sa Pinas ngunit nadiskubreng wala raw napuntahan ang pera

- Ang matindi pa sa reklamong ito, hinihinala ng magkapatid na dayuhan na humantong na sa krimen ang pagsisinungaling ng Pinay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog sa programang Wanted sa Radyo ang Amerikanong si RJ Russel, kasama ang kapatid nitong si Kevin Russel, para ireklamo ang Pinay GF ng una na si Adora Ramos.

Ayon kay RJ, umabot sa mahigit P25 million ang nahuthot sa kanya ni Adora.

Una raw na nagpadala siya ng pambili ng isang sakahan at maipagpatayo ito ng sari-sari store na umabot sa ilang milyong piso.

Hanggang sa nagdesisyon silang bumili pa ng ilang lupain kabilang na raw ang lupa na kinatatayuan ng bahay ng pamilya ni Adora.

Ngunit huli na nang madiskbre ni RJ na halos wala palang nabili sa kanyang mga pinadalang pera.

Maging ang pera raw niya na nasa bank accounts ng GF na ipinadala niya rito ay wala na rin.

Anito, sinubukan pa raw itong itago ni Adora sa kanya. Dahil sa tuwing kinakailangan nilang itransfer ang pera mula sa mga bank accounts nito ay may nangyayari.

Katulad na lamang ng nagyaring sunog sa kanilang bahay na hinihinala ng magkapatid na hindi aksidente, bagamat hindi ito mapatunayan.

Nakatakda raw kasi sana silang lumuwas para pumunta sa banko noon.

Ilang beses na rin daw nagkaroon ng aberya sa tuwing susubukan nilang ayusin ang tungkol sa pera.

Wala raw talagang ideya si RJ kung saan napunta ang milyong-milyong pera na ipinadala niya sa nobya.

Bukod dito, nag-aalala ang magkapatid na Russel na makaalis sa bansa si Adora dahil may plano raw itong mag-OFW.

Nangako naman si Raffy Tulfo sa mga ito na tutulungan sila bagamat hindi nila mapipigilan ang pag-alis ni Adora sa ngayon dahil wala pang naisasampang kaso laban dito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel