'Tatay Alex' sa viral video, nagbigay ng updates sa kaso nina "Linda" at e-jeep driver

'Tatay Alex' sa viral video, nagbigay ng updates sa kaso nina "Linda" at e-jeep driver

- Kinumusta ni Raffy Tulfo si Alexander Grutal, ang matandang nabugbog sa e-jeep

- Maayos na ang kalagayan nito at mas maayos na ang pangangatawan kaysa sa huling panayam sa kanya ng programa

- Sinabi nitong iniuurong na niya ang kaso laban sa driver ng e-jeep na di umano'y nag-udyok kay Linda na 'tirahin' siya

- Ngunit pinal at desidido parin si Tatay Alex sa kaso nito sa babaeng inakusahan siya ng pambabastos

- Bukod dito, ibinalita ni Xian, anak ni Tatay Alex ang maayos na kita nito sa negosyong ipinagkaloob ng abogado sa kanila gayundin ang programa ni Tulfo

- Nabiyayaan din ng bagong cellphone ang mag-ama na hiling lamang ni Xian para sa kapaskuhan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Patuloy pa ring sinubaybayan ng programa ni Raffy Tulfo ang kalagayan ni Alexander Grutal, ang matandang inakuhsan ng pambabastos ni alyas "Linda" sa e-jeep.

Sa part 10 ng episode tungkol kay tatay Alex, muli siyang nagbalik sa programa kasama ang kanyang anak.

Nalaman ng KAMI na mabuti na ang lagay nito at wala na rin ang mga bakas ng pambubugbog sa kanya.

Ayon pa kay Xian, ang anak ni tatay Alex, malaki raw ang naitulong ng negosyong ipinagkaloob sa kanila ni Atty. Villamor sa paggaling ng kanyang ama. Bukod kasi epektibo ang produkto, malaki na rin ang kinikita nila rito.

Samantala, kinumusta rin ni Idol Raffy ang kasong isinampa kay Linda at sa driver ng e-jeep.

Inatras na ni Tatay Alex ang kaso sa driver ng e-jeep na nag-udyok kay Linda na "tirahin" siya.

Wala naman daw kasi ang mata nito sa loob kaya inakala lamang talaga na nabastos ang babaeng pasahero niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit pinal na at di na nagbago pa ang isip ni Tatay Alex sa kasong isinampa niya kay "Linda."

Oktubre 21 nang unang magkaharap sina Tatay Alex at Linda sa programa ni Idol Raffy.

Noon pa lamang ay nagmamakaawa na ito at ang kanyang ina na patawarin na lamang sila.

Ito ay matapos na makuyog si Tatay Alex at mabugbog dahil lamang sa bintang ni Linda na nabastos di umano siya ng matanda sa sinakyan nilang e-jeep.

Mabilis na nag-viral ang video kung saan nakunan ang mga pangyayari;

Samantala, matapos ang gulo at kontrobersiya, sunod-sunod naman ang naging biyaya sa pamilya ni Tatay Alex.

Sa pagbisita rin nila muli sa Raffy Tulfo in Action, nabigyan pa sila ng Limited Edition na Raffy Tulfo in Action Cherry Mobile phone.

Ito ay matapos makita ng Cherry Mobile ang hiling ni Xian para sa kanyang ama para sa nalalapit na kapaskuhan.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel