Idol ni idol! Raffy Tulfo, humanga kay Mayor Vico Sotto

Idol ni idol! Raffy Tulfo, humanga kay Mayor Vico Sotto

- Nagpahayag ng paghanga ang batikang mamamahayag na si Raffy Tulfo para kay Pasig City Mayor Vico Sotto

- Kaugnay ito ng pagtulong ni Mayor Sotto sa ilang manggagawang mahihirap na inaresto matapos mag-strike laban sa kompanyang pinapasukan

- Sa kanya mismong programa nakausap ni Tulfo ang alkalde at ipinahayag ang paghanga rito

- Umani naman ito ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpahayag ng paghanga ang idol ng bayan at batikang mamamahayag na si Raffy Tulfo para kay Pasig City Mayor Vico Sotto.

Kaugnay ito ng pagtulong ni Mayor Sotto sa ilang manggagawang inaresto at kinulong matapos mag-strike laban sa kompanyang pinapasukan ng mga ito.

Sa kanya mismong programa ay nakapanayam ni idol Raffy si Mayor Vico at sinabi nito na lubos itong humahanga sa alkalde dahil dito.

Magalang naman na nagpasalamat si Mayor Vico kay Raffy Tulfo.

Samantala, ayon sa alkalde, kasalukuyan silang nangangalap ng pondo upang matulungan ang 11 manggagawa na nakakulong pa hanggang ngayon.

Sabi ni Mayor Sotto, nagkaroon ng gulo sa pagitan ng pribadong security ng kompanya at ng mga manggagawa.

Ganunpaman, nanindigan ang alkalde na hindi dapat na umabot sa sakitan ang problema sa pagitan ng mga ito.

Matapat namang sinabi ni idol Raffy na humanga talaga siya kay Sotto dahil sa kanyang paninindigan para sa mga mahihirap nitong nasasakupan.

Umani rin ito ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizens.

"Sana All may malasakit ang Mayor."

"Wowwww mahinahon at timing si Mayor Vico,Idol napabuti mo napaka lawak ng panguunawa mo sa mga taong dukhang taong tulad ko. mabuhay po kayo idol."

"Good job mayor viico sotto ang bait mo tlaga pareho kyo ni idol raffy."

"Wow idol raffy tulfo with baby vico."

"Mga new mayor cla ngayon ang maasahan Syempre pti c idol RAFFY we love you."

"ito ang gusto ko tahimik pero nagtratrabaho at may dating na Mayor."

"Hanga ako sau mayor sotto at sau idol raffy .Sana all katulad nyo po, god blessed po."

"Tahimik ang mayor sa media pero may nagagawa. Keep it up Mayor."

"Thank you Idol... mayor namin yan."

"DAHIL KAY PRESIDENT DUTERTE MGA MAYOR NGAYON MAAASAHAN AT MAPAGKATIWALAAN."

Si Vico Sotto ay kasalukuyang nanunungkulan bilang alkalde ng lungsod ng Pasig.

Anak ito ng aktor at komedyante na si Vic Sotto at aktres na si Connie Reyes.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel