Kanong na-scam ng ₱25 million ng nobya, naglabas ng saloobin sa pagkamatay nito

Kanong na-scam ng ₱25 million ng nobya, naglabas ng saloobin sa pagkamatay nito

- Naglabas ng saloobin si RJ Russell ukol sa pagpapatiwakal ng dating nobya na di umano'y nang-scam sa kanya

- Sa araw kasi ng pagkamatay nito, nakatanggap siya ng sandamakmak na text messages mula sa pamilya at kaanak ni Adora

- Tila sinisisi raw kasi siya ng mga ito sa nangyari

- Masakit daw sa parte ni RJ ang mga paratang dahil sa alam naman niyang gawain na ni Adora ang tangkang pagpapakamatay ngunit naisasalba lamang niya ito

- Sa kabila ng gulo, nagbalak pa ring pumunta si RJ sa burol ng dating nobya

- Sasamahan daw ito ng staff ng programa ni Raffy Tulfo para sa kanyang seguridad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tinotoo nga ni Adora Ramos ang tangka niyang pagpapakamatay kahapon, Nobyembre 15 sa ganap na 4:00 ng umaga.

Kinumpira sa programang Raffy Tulfo in Action ang pangyayaring ito sa mismong Barangay Chairman ng Sorbedillo, La Union. Una na itong naibalita ng KAMI

Nang tanungin ni Tulfo ang reaksyon ni RJ Russell, ang Amerikanong dating nobyo ni Adora tungkol sa sa pagkamatay nito, hindi raw nito mahapuhap ang emosyon sa dami ng nangyari.

Noong araw na nagpatiwakal si Adora, nakatanggap di umano siya ng sandamakmak na test messages mula sa mga kamag-anak nito.

Lumalabas na sinisisi nila si RJ sa pangyayari na ikinataka na man nito.

Noon pa mang nagsasama sila ni Adora, makailang beses na raw kasi itong nagtangkang magpakamatay ngunit nagagawa lamang niyang isalba.

Ngayong wala raw siya sa piling ni Adora, natuloy ang matagal na nitong binabalak.

Ayon pa kay RJ, mismong ang kapatid ni Adora na si Teresa ang nag-udyok na idulog na sa programa ni Tulfo ang mga nagawa ng kapatid. Subalit ngayon, ito na ang tila naninisi raw sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa panayam ni Idol Raffy kay Teresa, sinabi nitong balak sanang magbagong buhay pa ng kapatid ngunit labis na lamang daw itong nahusgahan.

Dumepensa naman agad ang host ng programa na nararapat lamang na bigyan na ng karampatang aksyon ang mga ginawa ni Adora dahil sa makailang beses na itong gumawa ng hindi birong mga kamalian.

Sa dami ng naganap, desidido pa rin naman daw si RJ na pumunta sa burol ni Adora dahil tinuring din naman niyang pamilya ang mga kaanak nito.

Para na rin sa seguridad ng foreigner, sasamahan daw siya ng staff ng programa ni Tulfo.

Narito ang kabuuan ng episode:

Si Adora Ramos ay isang OFW na inireklamo ng kanyang dating kasintahan dahil sa di umano'y pangungulimbat nito ng nasa ₱25 million.

Inakala kasi ng foreigner na bumili ng mga investments at lupain ang nobya ngunit pagdating niya rito sa Pilipinas, wala ni isa siyang nakita.

Nagawa ring sunugin ni Adora ang sarili nilang bahay at ang pinakamalala ay ang magkunwaring na-kidnap para lamang perahan muli ang dating nobyo.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica