14 Kapamilya stars na nag-hello na sa Kapuso - Take 2!
Kamakailan lang ang ibinahagi namin ang pito sa mga Kapamilya stars na lumipat sa Kapuso network na una naming naispatan sa website ng huli.
Ngayon, ibabahagi naman ng KAMI ang part 2 ng mga kilalang artista ng ABS-CBN na lumipat sa GMA-7.
1. Laura Lehmann
Ang 2017 Miss World Philippines na si Laura Lehmann ay dating UAAP courtise reporter at ABS-CBN sports TV host na pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center noong July 2, 2018.
2. Gelli de Belen
Ang dating Kapuso na naging Kapamilya ay bumalik sa GMA-7 sa isang drama teleserye ang Ika-5 Utos.
Dating nakikita ang komedyante at aktres sa TV sitcom na Ober Da Bakod ng Kapuso noong 1992.
Bukod rito nakikita rin sya noon sa Nuts Entertainment, Bantataty, Jejemom, at Pandya Kids.
At isa sa tumatak na show na pinagbibidahan nya kasama sina Carmina Villaroel at ang kanyang nakakatandang kapatid na si Janice de Belen ay ang SiS na umere mula 2001 hanggang 2010.
La Luna Sangre naman ang huling proyekto ni Gelli sa Kapamilya bago bumalik sa Kapuso.
3. Empress
Nadiskubre si Empress Schuck ng ABS-CBN noong 8 years old pa lang sya at bumida sa Bida Si Mister, Bida Si Misis noong 11 years old sya, ayon pa sa online bio nya hanggang nag-umpisa na bumida sa mga ilang TV shows ng Kapamilya simula noong 1997.
At masaya naman daw sya na isa na syang Kapuso pero una syang napansin sa kanyang acting stint sa Encantadia bilang ang batang Cassiopea.
4. Mika dela Cruz
Ang nakakabatang kapatid ni Angelika dela Cruz na si Mika dela Cruz ay lumipat sa GMA-7 noong November 9, 2018 bilang isang bagong Kapuso talent.
Unang nakilala si Mika bilang parte ng long-time hit running TV show Goin Buliilit.
5. Ivan Dorschner
Ang dating housemate sa bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother house na si Ivan Dorschner ay naging Kapuso bilang isa sa apat na lalaki na leading men ni Barbie Forteza sa Meant To Be, at matalik na kaibigan ng PBB grad rin na si James Reid.
6. Tom Rodriguez
Isa pang housemat ni Kuya sa PBB na lumipat sa Kapuso at tila mas lalong naging kilala sa kanyang acting prowess na si Tom Rodriguez.
Marami na rin syang mga TV series sa GMA-7 na pinagbibidahan nya na pumatok sa rating at pinag-usapan ng husto gaya ng My Husband's Lover.
7. Glaiza de Castro
Nagkapuso, nagkapamilya at naging Kapuso muli simula noong 2006 hanggang ngayon, ay marami na ring mga teleserye ang ginawa ni Glaiza de Castro sa GMA, at ang pinakahuli na nga rito ay ang Contessa.
At palaging pinag-uusapan ang kanyang mga serye dahil isa lang naman sya sa pinakamagaling na bida/kontrabida gaya ng kanyang bff na si Angelica Panganiban.
8. Rafael Rosell
Pagkatapos ng isang dekada o 10 years bilang isang Kapamilya, nag-ober da bakod si Rafael Rosell sa Kapuso noong 2012.
9. Max Collins
Una syang nakilala sa Kapamilya network bilang si Fiona ng Star Magic Presents: Abt Ur Luv Ur Lyf 2 noong 2002, at naging host ng Wowowee, at PBB houseguest.
Naging parte rin sya ng Rosalka, ang pinagbibidahan ni Empress Shuck.
2010 nang lumipat sya sa Kapuso.
10. Christian Bautista
Ang isa sa top balladeers ng bansa na si Christian Bautista ay gumawa ng ingay noong lumipat sya sa GMA-7.
Isang purong Kapamilya star ang singer simula noong sumali sya sa Star in a Million noong 2003.
Pero noong 2013 ay nag-ober da bakod na rin sya sa Kapuso.
11. Martin del Rosario
Ang aktor at modelo na si Martin del Rosario sa Kapuso noong 2014.
Naging leading man ni Denise Laurel sa Precious Hearts Romances Series Pintada sa ABS-CNB noong 2012.
12. Willie Revillame
Unang sumikat ang TV host na si Willie Revillame sa Wowowee, at naging Kapuso, at host ng kanyang sikat na programa ang Wowowin noong 2015 pero una talaga syang naging Kapuso sa Lunch Date noong 1987.
13. Camille Prats
Ang kilala sa kanyang childhood character role na si Princess Sarah sa pelikulang Sarah...Ang Munting Prinsesa
Umalis si Camille Prats noong 2004 para maging Kapuso.
Ngayon ay host sya sa Mars kasama si Suzi Entrata-Abrera simula pa noong 2012.
14. Eugene Domingo .
Naging Kapamilya si Eugene Domingo ng maraing taon bago nahanap ang kanyang tahanan sa paghohost sa Sabado game show ng Kapuso ang Celebrity Buff na nagsimula noong 2012.
May Dear Uge din ang komedyanteng aktres na nagsimula pa noong 2016.
Kamakailan ay sinabi ni Willie sa isang party na ginawa sa kanyang building malaki raw ang magbayad ang GMA.
Hindi natin alam kung ito ay isang biro oo may katotohanan basta importante kung saan sila masaya at may trabaho.
Una naming binahagi ang part 1 ng nag-ober da bakod na Kapamilya stars sa Kapuso.
On another note, we added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.
Will you be able to guess it?
Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel
Source: KAMI.com.gh