Nakakaiyak si mister! Misis nitong OFW, bigla na lang nanlamig

Nakakaiyak si mister! Misis nitong OFW, bigla na lang nanlamig

- Nagmamakaawa si mister na bumalik sa kanilang piling ang kanyang misis ngunit si misis ay nagmatigas na

- Anito, nais na lamang niyang makuha ang mga anak mula sa poder ni mister

- Ngunit ang mga netizens duda sa totoong dahilan ng panlalamig ng ginang sa kanyang mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umiiyak na nagmakaawa ang mister na si Renante Deacosta sa kanyang kinakasama na si Rizalyn Manuel na bumalik na ito sa kanyang piling.

Ngunit si Rizalyn, nagmatigas na at tuluyan nang nagdesisyon na makipaghiwalay sa kanya.

Idinulog ni misis ang kanyang problema sa programa ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong na makuha ang kanilang mga anak mula kay Deacosta.

Pero si mister, hindi pa handang mahiwalay kay misis at umiiyak na nakiusap dito.

Reklamo kasi ni misis, hindi raw naging tapat si mister sa kanyang tunay na estado at nalaman na lamang niya na kasal pala ito sa una nitong asawa.

Dahil daw dito kaya sumama ang kanyang loob at nanlamig na sa mister bago pa man siya lumipad papunta sa Dubai para magtrabaho.

Giit ni mister, matagal na niyang napagsisihan ang pagsisinungaling kay misis. May ibang pamilya na rin daw ang una niyang asawa.

Marami naman ang humanga sa pagmamahal na ipinakita ni Deacosta para kay misis at lalo na sa pagiging padre de pamilya nito.

At bagamat itinanggi na ni misis na mayroon na siyang iba, maraming netizens ang duda sa totoong dahilan ng panlalamig nito kay mister.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Showbiz Kami: Alexa Ilacad's Bold Question To Nash Aguas

It all started when Nash posted a comment about his current girlfriend, Mika dela Cruz, on Instagram. He wrote: “13 years and I still love you.” -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel