Babae, inireklamo ang 'mayamang kapatid' na deadma raw sa buto't balat na ina

Babae, inireklamo ang 'mayamang kapatid' na deadma raw sa buto't balat na ina

- Lumapit sa programa ni Raffy Tulfo ang isang ginang para humingi ng tulong na makausap ang kanilang kapatid

- Ayon sa ginang, bukod sa P40,000 na tulong na iniabot nito ay hindi na raw ito muling nagpakita pa

- Dahil dito, naungkat ang mas malalim na dahilan sa pagitan ng magkakapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hirap at lubog na raw sa utang ang ginang na si Graceddie Romero kaya naman lumapit na ito sa programa ni Raffy Tulfo para makausap ang pinakamayaman daw nilang kapatid.

Ayon kay Graceddie, matagal na raw na hindi nila nakakausap ang kapatid na si Niño Romero.

Nais sana ng ginang na humingi ng tulong sa kapatid para sa kanilang mga magulang na pareho ng matanda at may mga sakit na rin.

Kwento pa ni Graceddie, na-ospital na ang ina ngunit minsan lamang daw na dumalaw si Niño at nag-abot ng P40,000.

Matapos nito ay hindi na raw nasundan pa ang tulong na iyon at hindi na rin daw nito nadalaw pa ang ina at ama nila.

Maging ang tatay ng dalawa ay umiiyak na rin nang makausap ang anak na matagal na raw hindi nila nakikita.

Nakiusap din ang matanda na tulungan sila ni Niño lalo na panggatas ng kanilang ina na buto't balat na.

Depensa naman ni Niño, P75,000 daw ang iniabot niyang tulong at hindi naman daw siya tinatawagan ng mga ito.

Sabi pa nito, may mas malalim na dahilan daw kung kaya matagal siyang hindi nakikipagkita sa pamilya.

Ayon kay Graceddie, nag-ugat ang lahat nang mahuli si Niño ng kanyang misis na may ibang babae at nadamay sila na humantong na sa sakitan.

Hindi na raw nais pang balikan ni Niño ang nakaraan at handa naman daw itong bisitahin ang mga magulang at tumulong na rin sa pinansiyal na paraan.

Nagkasundo naman ang magkapatid na agad na dadalawin ni Niño ang magulang tulad ng hiling ni Graceddie.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Showbiz Kami: Alexa Ilacad's Bold Question To Nash Aguas

It all started when Nash posted a comment about his current girlfriend, Mika dela Cruz, on Instagram. He wrote: “13 years and I still love you.” -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel