Misis, ibinulgar ang trip ng kanyang mister at ng mayaman nitong kabit

Misis, ibinulgar ang trip ng kanyang mister at ng mayaman nitong kabit

- Ipinakita ng isang misis kay Raffy Tulfo ang larawan ng kanyang mister na sinakluban daw ng underwear sa ulo ng kabit nito

- Isa lamang ito sa mga larawan na ebidensiya ni misis laban sa asawa na nangaliwa

- Ang masaklap pa, si misis pa raw talaga ang nagmakaawa sa dalawa para lamang huwag masira ang kanilang pamilya

- Ngunit ayon kay misis, sinabi pa raw ng mga ito na kayang baliktarin ng pera ang katarungang nais niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinakita ng misis na si Rechelle May Jimenez sa programa ni Raffy Tulfo ang mga larawan ng kanyang mister at kabit nito kabilang na ang isang larawan kung saan may nakataklob na underwear sa ulo ni mister.

Inireklamo kasi ni Jimenez ang mister na si John Rey Conje at ang kabit daw nito na si Melody.

Naging matabang na raw kasi ang kanilang samahan dahil kay Melody.

Ayon kay misis, mayaman ang kabit ni mister at ito raw ang sagot sa mga pangarap ni mister.

Ang masaklap pa ay si misis pa ang ilang beses na nakiusap sa dalawa para lang huwang masira ang kanilang pamilya.

Ngunit kahit daw sinabi ng dalawa na wala na silang relasyon ay may mga concerned citizens daw na nagsasabing patuloy pa rin ang affair nila.

Sa kabila raw ng mga pakiusap ni Jimenez sa dalawa ay deadma lamang ang mga ito at sinabi pang kaya raw baliktarin ng pera ang batas.

Ngunit sa tulong ni Raffy Tulfo ay posible nang makamit ni misis ang hustisya para rito.

Binigyan ng ginang na ultimatum ang dalawa na makipagkita sa kanya sa programa ni idol at kung hindi magpapakita ang mga ito ay maaaring sampahan ng kaso ang dalawa lalo pa at may mga hawak na ebidensiya si misis.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel