Pinay na nang-scam ng ₱25 million sa jowang Kano, kinitil ang sariling buhay

Pinay na nang-scam ng ₱25 million sa jowang Kano, kinitil ang sariling buhay

- Kinumpirma sa programang Wanted sa Radyo ang pagpapakamatay ng Pinay na di umano'y nangulimbat ng ₱25 million sa kasintahan nitong Amerikano

- Natagpuan daw sa palikuran ng kanilang bahay si "Adora" na nakabitin

- Nagbanta ito na babawiin ang sariling buhay na inakala nilang 4:00 ng hapon kahapon, ngunit tinuloy niya ito 4:00 ng madaling araw

-Ang kapitbahay nito ang nagbalita sa barangay bandang 6:30 na ngayong umaga

- Pinuntahan naman na ito ng pulisya at ng barangay at kanilang napag-alamang totoo ang nangyari

- Nasa punerarya na ang labi ni Adora habang sinusulat ang artikulong ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw na ang tinaguriang "Reyna ng gold digger" na si "Adora" na di umano'y nangulimbat ng ₱25 million mula sa kanyang Amerikanong nobyo na si RJ Russell.

Kinumpirma sa programang Wanted sa Radyo ang balitang tinotoo ni Adora ang banta niyang pagpapakamatay, hindi 4:00 ng hapon kundi 4:00 ng umaga ng Nobyembre 15.

Sa panayam ni Raffy Tulfo kay Chairman Melito Sordilla, kapitan ng Barangay Sorbedillo, La Union, kinumpirma nitong patay na nga si Adora.

Nalaman ng KAMI na isang kapitbahay ni Adora ang pumunta sa barangay upang ipaalam ang nangyari bandang 6:30 na ng umaga.

Napuntahan na rin ng pulisya at barangay ang bahay nina Adora na kasalukuyan nang nasa punerarya.

Samantala, nagulat pa rin ang nobyo nito kahit pa ilang beses na raw na nagtangkang magpatiwakal ni Adora.

Ayaw din naman niyang mangyari ito sa yumaong kasintahan. Ngunit napakahirap din daw nito para sa kanya lalo na at napakaraming di magandang pangyayari ang naganap sa kanilang relasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video:

Kamakailan ay mabilis na nag-viral ang episode na ito ng Raffy Tulfo in Action dahil sa nakakagulat na mga ginawa ni Adora sa kanyang Amerikanong nobyo.

Ilan sa mga ito ang pagsusunog ng sarili nilang bahay at pagkukunwaring nakidnap siya upang makahingi ng malaking pera sa BF na Kano.

Nagulat din daw ang nobyo nang malamang wala pa lang nabiling ari-arian ang babae.

Mismong ang mga kamag-anak daw kasi ng nobya ang nag-udyok kay RJ na ireklamo na si Adora sa tindi ng mga ginawa nito. Una na itong naibalita ng KAMI.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

This Engineering Student-Athlete Of UST-ECE made history with his achievement! "Don't give up because of the people who question your capability. Don't give up because of the people who discourage you from reaching your dreams" – on KAMI HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel