Abogadong tumulong sa gurong pinahiya sa National TV, nagbigay ng update tungkol sa kaso

Abogadong tumulong sa gurong pinahiya sa National TV, nagbigay ng update tungkol sa kaso

- Nagbahagi ng update si Atty. Joseph Noel M. Estrada kaugnay sa kasong kinasangkutan ni Gng. Melita Limjuco at mga nagreklamong magulang ng kanyang estudyante

- Ayon sa abogado, nagkaayos na ang guro at ang panig ng magulang sa tulong ng isang DepEd supervisor

- Tinanggap din daw ng guro ang paghingi ng dispensa ng magulang alang-alang sa bata

- Ayon naman sa mga netizens, dapat ay mag-public apology din ang mga taong sangkot sa pamamahiya sa guro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Atty. Joseph Noel M. Estrada na nagkaayos na diumano si Gng. Melita Limjuco at mga nagreklamong magulang ng kanyang estudyante. Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Atty. Estrada na tinanggap na rin diumano ng guro ang paghingi ng dispensa ng mga magulang alang-alang sa bata.

Siniguro din daw ng superviser ng DepEd na inaayos nila ang problema.

"Nagkaayos na po sila teacher at ang panig ng magulang sa tulong po ng DepEd supervisor. Sabi po ni teacher e alang alang sa bata tinanggap nya na din ang sorry nila. Ako naman, nasa gate lang ako ng EDSES at hindi na sumali sa usapan ksi walang abogado ang panig ng magulang. At mas mabuti na magkausap sila ng masinsinan. I was assured by the Supervisor they're handling it well and I trusted them. Haaay salamat sa Diyos. Pero parang may kulang."

Samantala, narito ang reaksiyon ng mga netizens sa balita tungkol sa pag-aayos ng dalawang panig.

The parents together with Mr. Tulfo should make a public apology. They humiliated the teacher, thus it is rightful to give them a dose of their own medicine.
Tama! Dapat lang kasi pati anak ni teacher na trauma din.
Public apology po dapat kasi public shaming ginawa nila kay teacher. Nalabag po ba ni Mr. Tulfo ang magna carta? Dapat po malaman nya yun para huwag na siyang umulit. Thanks ng marami Atty.
I used to love the show of Raffy Tulfo but I noticed kadalasan mali na ang nangyayari, yung maid na gustong perahan ung amo, nakaligtas sa utang niya sa amo niya.
Public apology from the parents, lola and Tulfo in Action. Maging leksyon po sana yan sa mga magulang na masyadong OA sa mga anak at sa mga taong hindi marunong balansihin ang sitwasyon.
Nakipagbati ang magulang kc na-bash sila. Akala nila porket pumnta cla ky tulfo kakampi na lahat sa knila. E pno nmn yung khihiyan ng titser?
MTRCB...... suspension of the program???
Tulfo should receive his sanction for what he did, feeling may katungkulan sa Judicial System, may hatol agad sya!

Matatandaang nagpahayag ng kagustuhang makatulong sa guro si Atty. Estrada matapos ang diumano'y sinapit na pamamahiya matapos magreklamo ang lola at magulang ng isang mag-aaral na dinisiplina ng guro.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon din sa abogado, may karapatan din ang guro na nalabag matapos ipalabas sa programa ni Mr. Raffy Tulfo ang episode tungkol sa pagrereklamo ng magulang ng bata.

Samantala, iimbestigahan diumano ng Kagawaran ng Edukasyon ang insidente.

Matatandaang umani ng batikos mula sa publiko ang paghingi ng tulong ng magulang ng mag-aaral na pinaupo ni Gng. Limjuco sa labas ng silid-aralan matapos nitong masangkot sa gulo at maiwan ang report card nito. Hiniling ng magulang at lola ng bata na matanggalan ng lisensiya ang guro.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird!. Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate