80-anyos na namumuhay mag-isa, sinurpresa at tinulungan ng isang TikToker

80-anyos na namumuhay mag-isa, sinurpresa at tinulungan ng isang TikToker

- Isang matulunging TikToker ang nagmalasakit na surpresahin ang isang 80-anyos na namumuhay na lamang mag-isa

- Isang kapitbahay ng lola ang humingi ng kaunting tulong sa TikToker na si Ryan Tañada at 'di naman siya nito binigo

- Bukod sa tinapay at palaman na hiling ng lola, dinagdagan pa ito ni Ryan ng iba pang mga maaring pangunahing pangangailangan nito

- Labis na nagpapasalamat ang kapitbahay na nagmamalasakit sa matanda dahil labis daw na napasaya ni Ryan ang lola mag-isa na lang sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpaunlak ang kilalang TikTok Star na si Ryan Tañada sa hiling ng isa niyang follower na matulungan ang isang 80-anyos nilang kapitbahay.

Kwento ni Chie Dominguez kay Ryan, namumuhay na lamang mag-isa si 'Nanay Au' na dating may maayos na negosyo.

Hindi na nagbigay pa ng iba pang detalye si Chie at sinabi na lamang na si Nanay Au na lamang ang mag-isang nandito sa Pilipinas.

Read also

Video ng lalaking hindi nakatiis at nanghingi ng candy sa kasakay sa van, viral

80-anyos na namumuhay mag-isa, sinurpresa at tinulungan ng isang TikToker
Si Nanay Au (Photo credit: Ryan Tañada TikTok)
Source: UGC

Silang mga kapitbahay nito ang nagmamalasakit na tulungan at samahan paminsan-minsan ang matandang wala nang ibang inaasahan.

Kaya naman naisipan ni Chie na ihingi ito ng tulong mula kay Ryan na ang isa sa mga content sa TikTok ay ang pagsasakatuparan ng mga simpleng hiling ng kanyang followers.

Raisin bread lamang at butter ang hiling ni Chie na maibigay kay Nanay Au. Paborito raw kasi ito ng matanda. Ngunit dahil sa likas na matulungin si Ryan, higit pa rito ang kanyang ibinigay.

At nang personal na puntahan na nga ni Ryan sina Chie at si Nanay Au, hindi naiwasang maging emosyonal ng matanda.

Ayon kay Chie, masaya na raw kasi itong may bumibisita sa kanya kahit pa hindi niya ito kakilala.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa ang TikTok sa nagsilbing libangan ng marami mula nang magsimula ang pandemya.

Read also

Raffy Tulfo, pabirong sinagot ang nakapansin sa matulunging anak na si Ralph

Dahil dito marami rin ang nakilala at sumikat na TIkTok Star na sinimulan nang subaybayan ng marami.

Subalit kamakailan lamang, nasangkot sa isang kontrobersiya ang isa ring TikTok influencer na si Hazel Edep na kilala bilang si 'QueenLuvs14'. Nawalan siya ng cellphone na naisauli naman sa kanya subalit pinadampot niya sa awtoridad ang nakapulot at nagbalik dahil sa pangingikil umano nito sa kanya.

Nakarating na ito sa programa ni Raffy Tulfo kung saan pinasailalim sila nito sa lie detector test upang malaman kung sino ang nagsasabi ng katotohanan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel