Raffy Tulfo, pabirong sinagot ang nakapansin sa matulunging anak na si Ralph

Raffy Tulfo, pabirong sinagot ang nakapansin sa matulunging anak na si Ralph

- Marami na ang nakakapansin na tila sumusunod na sa yapak ng pagtulong sa kapwa ni Raffy Tulfo ang anak niyang si Ralph

- Kamakailan, sunod-sunod ang tulong na naibibigay niya sa mga piling pamilya na nararapat talagang matulungan.

- Ito ay bahagi ng kanyang taunang panata na sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan ay mas lalo pa niyang ibubuhos ang pamamahgi ng biyaya

- Dahil dito, madalas na tuloy magbiro si Raffy na baka papalitan na siya ni Ralph sa pagiging 'hari ng public service'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang pamilya ang natulungan ni Ralph Tulfo ang anak ni Raffy Tulfo bilang pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Nalaman ng KAMI na panata ito ni Ralph na sa tuwing magdiriwang siya ng kaarawan ay mas lalo niyang ibubuhos ang pamamahagi niya ng biyaya.

Read also

Basel Manadil, pinahanga si Toni Gonzaga sa pagmamahal niya sa Pilipinas

Kamakailan, nakapanayam niya ang si Ricky Arranguez, isang bus conductor na nawalan ng trabaho buhat ng pandemya.

Raffy Tulfo, pabirong sinagot ang nakapansin sa matulunging anak na si Ralph
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Pito ang mga anak na binubuhay ni Ricky at ng kanyang misis na si Maritess. Bukod sa mayroon silang maliit na pinaggagatas, may isa pa siyang anak na may special needs.

Kaya naman nang mawalan ng trabaho mas lalong naging mahirap ang kanilang pamumuhay.

Dahil dito, hindi nagdalawang isip na magbigay ng nasa Php50,000 sa pamilya bilang pantustos sa pangangailangan ng pamilya gayundin ang puhunan nila sa kanilang gagawing negosyo.

Sinagot din ni Ralph ang pagpapa-check up ng isa sa mga anak ni Ricky na may special needs upang mabigyan ito ng maayos na atensyong medikal.

Dahil sa nadadalas ang sunod-sunod na pagtulong ni Ralph sa mga dumudulog sa 'Wanted sa Radyo,' ilang netizens ang nakakapansin na tila sumusunod na ito sa mga yapak ng ama pagdating sa public service.

Katunayan, isang netizen ang lakas loob na nagkomento kay Ralph ng "ayaw mo bang manahin ang work ni Idol Raffy?"

Read also

24-anyos na working student, naging milyonarya pa sa gitna ng pandemya

Pabiro naman itong sinagot ni Tulfo at sinabing "Mukhang ayaw mo na ata sakin dito ah. Itong mga netizens mukhang ayaw na sa akin".

Kamakailan ay nagbiro na rin si Raffy na tila nadadaig na siya ng kanyang anak pagdating sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Subalit ang totoo, super proud si Tulfo ng kanyang anak na may mabuting puso na handang tumulong sa mga kababayan nating naghihikahos lalo na ngayong panahon ng pandemya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 20.8 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel