Kris Bernal, kakasuhan na ang ipina-Tulfo na scammer: "I'm sorry, I cannot forgive you"

Kris Bernal, kakasuhan na ang ipina-Tulfo na scammer: "I'm sorry, I cannot forgive you"

- Nakausap na ni Kris Bernal ang umano'y scammer na makailang beses na nanloko sa kanya

- Umamin ang umano'y nanloko na si Ludylyn Odono at humingi ng tawad sa aktres

- Hindi naman ito matanggap ni Kris gayung maging ang kanyang pamilya at mga nagtatrabaho na delivery riders ay nadamay

- Dahil dito, buo ang desisyon niyang kasuhan ang scammer upang mabigyan ito ng leksyon at hindi na raw makaulit pa sa iba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakapanayam na ng programa ni Raffy Tulfo ang umano'y scammer na nanloko sa aktres na si Kris Bernal kamakailan.

Nalaman ng KAMI na Ludylyn Odono ang tunay nitong pangalan at hindi JenJen Manalo na madalas niyang gamitin sa panloloko.

Maging ang aktres na si Angelika Dela Cruz, at ilang SexBomb dancers tulad nina Loiuse Bolton, Mhyca Bautista at Grace Nera ay nabiktima rin ni Ludylyn.

Read also

Angelika Dela Cruz at ilang SB dancers, ipina-Tulfo rin ang scammer na inireklamo ni Kris Bernal

Kris Bernal, kakasuhan na ang ipina-Tulfo na scammer: "I'm sorry, I cannot forgive you"
Photo: Kris Bernal (@krisbernal)
Source: Instagram

Sa panayam ng staff ni Tulfo sa salarin, umamin ito at sinabing 'prank' lamang daw ang lahat.

Nagawa siyang patawarin at pangaralan nina Angelika, Louise at Mhyca habang si Grace ay desididong maturuan ito ng leksyon.

Muli ring nagpaunlak ng panayam si Kris Bernal na unang dumulog kay Tulfo dahil sa nagawang panloloko ni Ludylyn sa 23 na Grab Food delivery riders.

Pawang mga fake orders ang ginawa ni Ludylyn at ipina-deliver lahat sa bahay ni Kris.

Ang masaklap, nagawa pa umanong bastusin umano ni Ludylyn ang ina ng aktres pati kapatid nito at ang mga riders na nakausap niya sa telepono.

Dahil dito, desidido rin si Kris na kasuhan si Ludylyn kahit pa humingi na ito ng kapatawaran.

"I'm sorry I cannot forgive you. Na-stress ako, na-stress ang mommy ko, maraming riders ang naabala, I don't deserve that kind of treatment lalo na ngayong pandemic andaming naghihirap"

"Malambot naman ang puso ko sa mga ganito, pero sorry sobra e, iba yung dating sa'kin"

Read also

Sundalong nurse na pumanaw sa C-130 crash, pumalit lang sa dapat na kasama sa flight

"Saturday, ok tapos the next day ginawa mo pa rin? That I don't stand anymore hindi ko na mapapatawad 'yun," paliwanag ng aktres.

Ang kabuuan ng pahayag ay mapapanood sa Raffy Tulfo in Action YouTube Channel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kris Bernal ay isang Filipina actress na nakilala nang maging finalist ng talent competition ng GMA, ang StarStruck.

Kamakailan ay naglabas ng saloobin ang aktres sa kanyang Instagram ukol sa pagdagsa ng nasa 23 na delivery riders sa kanilang tahanan dahil umano sa fake orders na ipina-deliver umano ni Ludylyn.

Ilang araw matapos ang insidente, dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang aktres upang maturuan ng karampatang leksyon ang salarin at hindi na makapanloko pa ng iba.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel