Sundalong nurse na pumanaw sa C-130 crash, pumalit lang sa dapat na kasama sa flight

Sundalong nurse na pumanaw sa C-130 crash, pumalit lang sa dapat na kasama sa flight

- Hindi sana kasama ang sundalong nurse na si Lt. Alexandria Tato sa nag-crash na C-130

- Nagkataong nagkasakit ang anak ng nurse na dapat sasama sa flight kaya siya ang naipalit

- Nakapagpaalam pa ito sa kanyang ama at nabanggit din nitong nagkaproblema ang kanilang flight isang araw bago ang plane crash

- Dadalhin na ang labi ni Lt. Tato sa Villamor Airbase kung saan isasagawa ang military honors sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi sana lulan si Lieutenant Alexandria Tato sa C-130 plane na nag-crash nito lamang umaga ng Hulyo 4.

Kwento ng kanyang ama na si Retired Colonel Wilfredo Tato, nakausap pa niya ang anak bago ito bumiyahe.

"'Pa, may kasama ako dito na ilalagay sa Jolo may sakit 'yong anak kaya ako na lang ang ipinalit," pahayag ni Wilfredo nang makapanayam siya ng 24 Oras.

Read also

Retired colonel, labis ang hinagpis sa pagpanaw ng anak na lulan ng nag-crash na C-130

Sundalong nurse na pumanaw sa C-130 crash, pumalit lang sa dapat na kasama sa flight
Photo: Lt. Sheena Alexandria Tato (from Arthessa Tato - Ferriols)
Source: Facebook

Ngunit tila tinanggap na lamang talaga ito ni Alexandria para makaka-tutok umano sa kanyang pag-aaral online.

'Pa, okay lang at least gusto ko rin dahil doon Pa, makakapag-aral ako through online gamit ang bagong laptop," dagdag pa ng ama.

Labis ang paghihinagpis ni Wilfredo na talagang hindi napigilan ang labis na pagluha sa biglaang pagpanaw ng kanyang napakabuting anak.

"Ang hindi ko lang maintindihan, bakit sa ganitong paraan ka kinuha ng Panginoon? 'Yan ang hindi ko maintindihan, bakit sa ganitong paraan?"

Hulyo 3 nang mabanggit pa umano ni Alexandria na nagkaroon ng problema ang flight nila patungong Jolo na natuloy din noong Hulyo 4.

Isa si Alexandria sa na 52 pa na nasawi sa C-130 flight na sakay ang nasa 100 na mga sundalo.

Dadalhin na ang mga labi ni Alexandria sa Villamor Airbase para sa isasagawang military honors.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

83-anyos na umaakyat pa sa nasa 30 feet na punong kawayan, natulungan ng KMJS

Samantala, isa sa mga kapatid ng nasawi sa naturang plane crash ang nagbahagi na nakapag-video call pa umano si Army Private Archie Barba sa kanila. Hindi raw niya inaasahan na ito na pala ang magiging huling pag-uusap nila ng kanyang kapatid.

Tulad din ni Ret. Col. Tato, labis din ang paghihinagpis ng isang ina sa biglaang pagkawala ng anak na si Staff Sergeant Jan Niel Macapaz. Sinabing ang masaklap pa sa nangyari, hindi na maibabalik ang buhay ng kanyang anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica