Retired colonel, labis ang hinagpis sa pagpanaw ng anak na lulan ng nag-crash na C-130

Retired colonel, labis ang hinagpis sa pagpanaw ng anak na lulan ng nag-crash na C-130

- Hindi halos matanggap ni Retired Colonel Wilfredo Tato na kasama ang anak niya sa mga pumanaw sa nag-crash na C-130 plane

- Nakausap pa umano niya ito at nagpaalam ng pagkakadestino niya sa Jolo na isang oportunidad para makapag-aral siya online

- Nakunan pa ng larawan ang anak na si Lieutenant Alexandria Tato na sakay ng C-130 ilang oras bago ito bumagsak

- Aminado ang ama na palagi pa rin silang umiiyak at humahagulhol mag-asawa sa sinapit ng kanilang mabuting anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talagang hindi napigilang maging emosyonal ni Retired Colonel Wilfredo Tato habang ikinikwento ang mga huling pag-uusap nila ng pumanaw na anak na si Lieutenant Alexandria Tato.

Nalaman ng KAMI na ang anak nito ay kasama sa mga nasabi sa nag-crash na C-130 noong umaga ng Linggo, Hulyo 4.

Read also

83-anyos na umaakyat pa sa nasa 30 feet na punong kawayan, natulungan ng KMJS

Kwento ni Wilfredo, nagsabi pa umano ang anak niya ng pagpunta nito sa Jolo bilang kapalit ng nurse na dapat at kasama sa naturang biyahe.

Retired colonel, labis ang hinagpis sa pagpanaw ng anak na lulan ng nag-crash na C-130
Photo: Lieutenant Alexandria Tato (from Arthessa Tato - Ferriols)
Source: Facebook

"Ang hindi ko lang maintindihan bakit sa ganitong paraan ka kinuha ng Panginoon? 'Iyan ang hindi ko maintindihan, bakit sa ganitong paraan?" ang emosyonal na pahayag ni Wilfredo sa panayam sa kanya ng 24 Oras.

"'Pa, okay lang at least gusto ko rin dahil doon Pa makakapag-aral ako through online gamit ang bagong laptop,'" dagdag pa umano ng kanyang yumaong anak.

Hulyo 3 nang mabanggit pa umano ni Alexandria na nagkaroon ng problema ang flight nila patungong Jolo na natuloy din noong Hulyo 4.

Isa si Alexandria sa na 52 pa na nasawi sa C-130 flight na sakay ang nasa 100 na mga sundalo.

Dadalhin na ang mga labi ni Alexandria sa Villamor Airbase para sa isasagawang military honors.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Inang naki-sayaw sa anak para sa video na ipapasa nito sa subject na P.E., hinangaan

Samantala, isa sa mga kapatid ng nasawi sa naturang plane crash ang nagbahagi na nakapag-video call pa umano si Army Private Archie Barba sa kanila. Hindi raw niya inaasahan na ito na pala ang magiging huling pag-uusap nila ng kanyang kapatid.

Tulad din ni Ret. Col. Tato, labis din ang paghihinagpis ng isang ina sa biglaang pagkawala ng anak na si Staff Sergeant Jan Niel Macapaz. Sinabing ang masaklap pa sa nangyari, hindi na maibabalik ang buhay ng kanyang anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica