83-anyos na umaakyat pa sa nasa 30 feet na punong kawayan, natulungan ng KMJS
- Natulungan ng programang 'Kapuso Mo, Jessica Soho' ang 83-anyos sa Iloilo na buwis-buhay na umaakyat ng punong kawayan
- Naipatingin sa doktor ang kalusugan ng lola, at nabigyan din ito ng tulong pinansyal
- Hindi na rin niya kailangan pang umakyat ng nasa 30 talampakan na taas ng mga punong kawayan at bibigyan na lamang siya ng materyales ng Tourism office ng kanilang lugar
- Maging ang MSWD sa kanilang lugar ay nangakong magpapaabot din ng tulong tulad ng bigas sa matanda
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Matapos na maitampok sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang 83-anyos na si Lola Gloria na umaakyat ng nasa 30 talampakan ng puno ng kawayan, natulungan din nila ito.
Nalaman ng KAMI na buwis-buhay na umaakyat ng nasa 30 talampakan ng kawayan si Lola Gloria upang makakuha ng gagawin niyang basket.
Mula pa kasi edad na 10, ito na ang kanyang ginagawa at ikinabubuhay.
Nasa 50 taon nang biyuda ang matanda. Nabiyayaan man ng tatlong mga anak, may kanya-kanya na itong pamilya.
Tanging ang 18-anyos niyang apo ang kanyang kasa-kasama. Subalit hindi naman siya nito basta matulungan dahil madalas pa rin itong sumpungin ng hika.
Maging ang mga kapitbahay ni Lola Gloria ay labis na nag-aalala sa buwis-buhay na pag-akyat niya ng puno.
At dahil sa KMJS, naipa-check up si Lola Gloria na nakamamanghang normal pa rin ang heart rate sa kabila ng kanyang edad.
Nabisita na rin ito ng MSWD ng kanilang lugar na nagpaabot pa ng bigas at makakain.
Hindi na rin kailangan pang umakyat ni Lola Gloria sa punong kawayan dahil ang Tourism office na ang magsu-supply sa kanya ng kanyang gagamitin sa paggawa ng basket.
Naabutan din ito ng tulong pinansyal ng programa ni Jessica Soho.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Isa ang programa ng broadcast journalist na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy linggo-linggo.
Katunayan, isa sa umantig sa puso ng marami ang ibinahagi nitong kwento ng mga guro na buwis-buhay na tumatawid sa rumaragasang tubig sa ilog makapaghatid lamang ng learning modules sa kanilang mga estudyante.
Tinutukan din ang kwento ng batang nag-aararo na sa mura niyang edad na natulungan naman ng marami buhat nang maibahagi sa KMJS ang kanyang kwento.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh