83-anyos na lolang kinakaya pa rin ang pag-akyat para magputol ng kawayan, viral

83-anyos na lolang kinakaya pa rin ang pag-akyat para magputol ng kawayan, viral

- Viral ang video ng isang 83-anyos na lola na nagagawa pa rin na umakyat sa puno ng kawayan

- Ginagawa niya ito upang may magamit siyang materyales sa paggawa niya ng basket

- Aniya, sampung taong gulang pa lamang siya nang gawin niya ito ngunit iba na ngayong matanda na siya

- Kung hindi raw niya kasi ito gagawin, gutom naman ang aabutin nila ng kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso ng maraming netizens ang video ni "Lola Gloria" na nagagawa pa rin na umakyat ng puno ng kawayan.

Nalaman ng KAMI na 83-anyos na ang lola ngunit buong tapang pa rin itong nakakaakyat sa puno ng kawayan upang magputol nito.

Ayon kay Lola Gloria, ginagamit niya kasi ito sa paggawa ng mga basket na kanyang ibinibenta.

83-anyos na lolang buong tapang na umaakyat para magputol ng kawayan, viral
Photo: Jessica Soho (Kapuso Mo, Jessica Soho)
Source: Instagram

Sa video na ibinahagi rin ng Kapuso Mo, Jessica Soho, makikita ang lola na nanunulay sa kawayan upang makapagputol nito.

Read also

Car owner na pinakalma pa ang driver ng jeep na nakabangga sa kanya, hinangaan

Makikitang labis na mapanganib na para kay Lola Gloria ng kanyang ginagawa na mapamali lamang niya ng matapakan o ng pagbalanse, maari siyang mahulog.

Walang tali na sumusuporta sa kanya at tanging ang kanyang itak lamang ang dala sa pagpanhik.

Kwento niya, sampung taon gulang pa lamang siya nang matuto siya nito at mula noon, pagtitinda na ng basket mula sa kawayan ang kanyang ikinabubuhay.

Ngunit ngayong matanda na siya, aminadong mahirap na para sa kanya ang kanyang ginagawa.

Nananakit na ang kanyang katawan sa pag-akya at paghihila ng naputol na kawayan.

"Gustuhin ko mang huminto sa pagtatrabaho, wala naman kaming kakainin," paliwanag ni Lola Gloria.

"Pero dahil sa kahirapan, wala naman akong magawa kundi patuloy na magtrabaho," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa ang programa ng broadcast journalist na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy linggo-linggo.

Read also

Toni Gonzaga, nilinaw na pinasok ang YouTube 'di dahil sa pera

Katunayan, dalawang linggo na ang nakararaan nang nagpakilig ito sa kanyang mga tagasubaybay nang matulungan nilang magkita ang mga magkababatang nag-viral at hinahanap ang isa't isa.

Tinutukan din ang kwento ng batang nag-aararo na sa mura niyang edad na natulungan naman ng marami buhat nang maibahagi sa KMJS ang kanyang kwento.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica