Toni Gonzaga, nilinaw na pinasok ang YouTube 'di dahil sa pera

Toni Gonzaga, nilinaw na pinasok ang YouTube 'di dahil sa pera

- Ipinaliwanag ni Toni Gonzaga ang kanyang dahilan kung bakit pinasok na rin niya ang pagiging isang content creator

- Makailang beses umano siyang kinumbinsi ng kapatid na si Alex Gonzaga ngunit hindi siya agad na papayag nito

- Nilinaw niyang hindi pera o ang maari niyang kitain sa YouTube kung bakit isa na siya ngayong sa mga Pinoy na mayroong milyong-milyong subscribers

- Sinisiguro rin niya na sa bawat video na mapapanood ng kanyang mga subscribers ay may mapupulot na aral ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pera ang dahilan kung bakit pinasok na rin ni Toni Gonzaga ang pagiging isang content creator sa Youtube channel niya na Celestine Gonzaga-Soriano.

Nalaman ng KAMI na sa panayam sa kanya ng isa ring kilalang YouTuber na si Wil Dasovich, naitanong nito kung saan mas malaki ang kanyang kinikita.

Read also

Ogie Diaz, inaming nainis kina Snooky Serna at Jomari Yllana

Diretsahan namang sinagot ni Toni na ang kita niya mula sa telebisyon at pelikula ang naging daan para makapundar siya para sa kanyang pamilya, makapag-travel at iba pang mga bagay na nais niyang makamit.

Toni Gonzaga, nilinaw na pinasok ang YouTube 'di dahil sa pera
Photo: Toni Gonzaga (@celestinegonzaga)
Source: Instagram

Subalit ngayon, nasa punto na umano siya na hindi na niya iniisip ang 'profit' o kita at ginagawa na lamang ang mga bagay na makapagpapasaya sa kanya.

"20 plus year in the industry, I was able naman to save for myself. So, I.m not deciding anymore for money"

At sa ginagawa niya ngayon sa kanyang sariling YouTube channel, masasabi niyang ito ang mga bagay na nakapagpapasaya sa kanya lalo na at may mga bago siyang natutuklasan sa mga taong kanyang nakakasalamuha.

May malaki raw umano kasi itong kaibahan sa kanyang trabaho sa telebisyon kung saan tila naging isang 'routine' kahit mahal naman niya ang kanyang ginagawa.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Toni mula sa YouTube channel ni Wil Dasovich:

Read also

Ate Gay, inaming 'may attitude' siya; "Pero mali pala 'yon"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay sa dalawang anak nina Taytay, Rizal, Vice-Mayor Carlito "Bonoy" at Crisanta "Pinty" Cruz Gonzaga. Si Toni ang ate ng isa ring kilalang aktres at TV host na si Catherine "Cathy" Gonzaga o mas kilala bilang si Alex Gonzaga.

Kamakailan, sa pagdiriwang nila ng wedding anniversary, pinasalamatan ni Toni ang kanyang mister na si Paul Soriano na tumupad umano sa kanyang mga pangarap.

Naikwento rin ni Toni na ang kapatid niyang si Alex ang nagkumbinsi sa kanya na mag-vlog. Subalit kapansin-pansin na magkaiba ang tipo ng content ng kanilang mga video.

Dati, nais sana niyang tularan siya ng kapatid ngunit habang lumilipas ang panahon, unti-unti na niyang natatanggap na magkaiba talaga ang kanilang personalidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel