Ate Gay, inaming 'may attitude' siya; "Pero mali pala 'yon"
- Isa sa mga naibahagi ni Ate Gay kay Ogie Diaz ay ang tungkol sa bali-balitang 'may attitude' umano siya
- Ito ay noong nagtatrabaho pa siya sa mga comedy bars kung saan nabiktima rin umano siya ng ilang mga nakasama sa trabaho
- Dahil sa karanasan, inamin niyang ginagawa rin niya ito sa mga kasamahan niyang bago
- Ngunit nilinaw niyang malaki na ang kanyang pinagbago lalo na nang maisip niyang mali ang kanyang ginagawa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Inamin mismo ni 'Ate Gay" Gil Morales ang mga bali-balita noon na 'may attitude' daw siya pagdating sa trabaho.
Sa panayam sa kanya ng isa rin niyang malapit na kaibigan na si Ogie Diaz, ikinuwento niya ang karanasan na pinagmulan umano ng sinasabi ng ilan na iba raw ang kanyang ugali.
"Sina Chokoleit kasi mga bully din e, pero 'yung bully na 'yon iyon ang nagpatatag sa akin"
Si Chokoleit ay isa ring komedyante na pumanaw na noong Marso 2019.
Nauwi sa pagre-resign niya sa pinapasukang comedy bar ang mga ganoong klaseng insidente na nagpapaluha raw sa kanya gabi-gabi.
Subalit dahil sa naranasan din na iyon, tila nagkaroon siya ng ideya na gawin din ito sa mga bago niyang kasamahan.
"Ngayon 'pag may mga bago, ginagawa ko ngayon sa kanila. Pinaranas ko halos lahat sila nakaranas sa akin."
Naikwento pa niya na dahil malapit siya sa may-ari ng bar, siya rin ang nasusunod sa kanyang pagtatanghal.
"'Pag ayaw kong ka-set, ayaw ko," pahayag ni Ate Gay na napagtanto naman na mali ang kanyang ginagawa.
Kaya naman ngayon, hayagan din niyang nasabi kay Ogie na talagang nagbago na siya at hindi na niya ginagawa ang kamaliang iyon kaninoman.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Gil Morales o mas kilala bilang si 'Ate Gay' ay isa sa mga kilalang stand-up comedian sa bansa. Nakilala siya dahil sa husay ng paggaya niya sa Superstar na si Nora Aunor. Isa ring mahusay na singer si Ate Gay na siyang nagpauso ng mga 'mash-up' songs. Taong 2012 nang magkaroon nito ng solo concert sa SM MOA Arena.
Bukod kay Ate Gay, naging panauhin din ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel ang aktor at komedyante na si Joey Marquez gayundin si Bearwin Meily.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh