Pangulong Noynoy Aquino, pinakamalapit kay Josh ayon sa isa pa niyang pamangkin

Pangulong Noynoy Aquino, pinakamalapit kay Josh ayon sa isa pa niyang pamangkin

- Inalala ng mga pamangkin ni Dating Pangulong Noynoy Aquino ang mga huling sandali nila na nakasama ang tiyo

- Nilarawan nila itong 'strikto' na tila mas mahigpit pa umano sa kanila mismong mga magulang

- 'Pag wala raw ang mga magulang ng kanyang pamangkin, designated parent si PNoy at sinisuguro niyang magagampanan niya ito ng maayos

- Hindi man 'showy' ang kanilang Tito Noy, tila naiiba ito pagdating kay Josh na likas ding malambing

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pagpanaw ng dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III, naibahagi ng ilan sa kanyang mga pamangkin ang mga hindi nila malilimutang pagkakataon na nakasama nila ang kanilang 'Tito Noy'

Nalaman ng KAMI na mas strikto raw ang kanilang Tito Noy na sinisigurong nagagampanan nito ang kanyang pagiging guardian sa mga pamangkin na itinuring na rin niyang mga anak.

Read also

Mga pamangkin ni PNoy, inalala ang mga huling araw ng kanilang 'Tito Noy'

Pangulong Noynoy Aquino, pinakamalapit kay Josh ayon sa isa pa niyang pamangkin
Former President Noynoy Aquino with sister Kris Aquino and his nephews Bimby and Josh (@krisquino)
Source: Instagram

Kwento ng isa sa kanyang mga pamangkin na si Miguel Abelleda, halos oras-oras daw kung humingi ng report ang kanilang Tito Noy kung wala ang kanilang mga magulang at nakahabilin sila rito.

"'Pag sa kanya kami iniwan kasi mas strict pa siya sa parents namin kumbaga, parent namin pag nakauwi, tumawag ka ok na. 'Pag sa kanya, every hour parang humihingi ng report e."

Naibahagi naman ng isa pa nitong pamangkin na si Jiggy Cruz, na sa tuwing mag-aaya na mag-mall ang kanilang Tito Noy, kailangang sama-sama pa rin sila at walang hihiwalay.

"Kahit matatanda na kami isinapuso niya na 'pag wala 'yung parents namin siya ang mag-aalaga."
"Itinuring niya kaming parang mga anak niya, kaming walo"

Isa rin sa mga naibahagi nila ay kung paano ang trato ni PNoy sa kanilang pinsan na si Josh.

Hindi raw kasi expressive ang kanilang tito, ngunit pagdating kay Josh super close daw talaga ito sa kanilang Tito Noy.

Read also

Driver ni PNoy, labis-labis ang kalungkutan: "Araw-araw kaming magkasama”

"With Josh and Tito Noy kasi si Josh is very, mahilig siyang magsabi ng 'I Love You' e si Tito Noy is very reserved, so si Josh talaga 'yung nakakakuha ng reply na 'I love you too.'"

Narito ang kabuuan ng panayam ni Jeff Canoi ng ABS-CBN kina Miguel at Jiggy:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Benigno “Noynoy” Aquino III ang ika-15 Presidente ng Pilipinas. Siya ay nag-iisang anak na lalaki nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating senator Ninoy Aquino. Nanungkulan bilang Pangulo si Pnoy mula 2010 hanggang 2016.

Ilang oras lamang mula nang magulantang ang bansa sa biglaang pagpanaw ng dating Presidente, dagsa na ang mga nakikiramay at nakikidalamhati lalo na ang mga nakasalamuha ng Pangulo na inalala ang mga hindi malilimutang sandali kasama ito.

Isa rin sa labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng dating Pangulo ay ang kanyang longtime driver na si Nory Mariano. Mula pa noong taong 1977 kung saan first year college pa lamang noon si PNoy, driver na ito ng pamilya Aquino.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel