Mga pamangkin ni PNoy, inalala ang mga huling araw ng kanilang 'Tito Noy'

Mga pamangkin ni PNoy, inalala ang mga huling araw ng kanilang 'Tito Noy'

- Inalala ng mga pamangkin ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang mga huling sandaling nakasama nila ito

- Si Miguel, nakapagdiwang pa ng Father's Day kasama si PNoy kung saan dinalaw nila ito para mag-lunch

- Napansin na nila ang panghihina umano nito dahil makalipas lamang ang nasa dalawang oras, nagpaalam na ito na kailangan nang bumalik sa kwarto para magpahinga

- Ang isa pang pamangkin ni PNoy ay nabilhan pa siya ng Music magazine na hindi basta mabibili sa Pilipinas, nagpasalamat pa raw ito sa kanya at natuwa sa ibinigay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naibahagi ng dalawa sa walong mga pamangkin ng yumaong Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang mga huling sandali na nakasama at nakausap nila ang kanilang 'Tito Noy.'

Nalaman ng KAMI na nakapag-celebrate pa ng Father's Day lunch ang dating pangulo kasama ang pamangkin na si Miguel Abelleda at mga magulang nito.

Read also

Driver ni PNoy, labis-labis ang kalungkutan: "Araw-araw kaming magkasama”

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN, nilahad niyang nakapagpaluto pa umano ang kanyang 'Tito Noy' ng paborito nitong dumplings na isa sa kanilang napagsaluhan.

Mga pamangkin ni PNoy, inalala ang huling sandaling nakasama nila ang pumanaw na Pangulo
Photo: Former President Benigno "Noynoy" Aquino III with his sister, Kris Aquino, and his nephews, Joshua and Bimby. Photo by Kris Aquino (@krisaquino)
Source: Instagram

Makalipas ang nasa dalawang oras, nagpaalam na raw ang kanyang tiyo na bumalik na sa kanyang kwarto.

"After two hours or one hour and a half 'nung lunch namin sabi niya pasensya na, pagod na ako. I need to go back to my room and lie down."

Samantala, ang isang pamangkin naman ni PNoy na si Jiggy, sa text huling nakausap ang kanyang Tito Noy noong isang linggo.

Naibili niya kasi ito ng isang music magazine na hindi basta mabibili sa bansa.

"And then 'yung last niya was like 'uy thank you sa magazines, hindi na makahanap 'yung supplier ko, magkano utang ko?" ang huling text daw sa kanya ng kanyang tiyo.

Nilarawan nilang strikto ang kanilang 'Tito Noy.' Ngunit bahagi lamang daw ito ng pagtupad sa bilin ng kanilang lolo na si dating Senador Ninoy Aquino na alagaan ang kanilang pamilya.

Read also

Joey Marquez, huling umiyak nang pumanaw ang ina; "Ganun ko kamahal nanay ko"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Benigno “Noynoy” Aquino III ang ika-15 Presidente ng Pilipinas. Siya ay nag-iisang anak na lalaki nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating senator Ninoy Aquino. Nanungkulan bilang Pangulo si Pnoy mula 2010 hanggang 2016.

Ilang oras lamang mula nang magulantang ang bansa sa biglaang pagpanaw ng dating Presidente, dagsa na ang mga nakikiramay at nakikidalamhati lalo na ang mga nakasalamuha ng Pangulo na inalala ang mga hindi malilimutang sandali kasama ito.

Isa rin sa labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng dating Pangulo ay ang kanyang longtime driver na si Nory Mariano. Mula pa noong taong 1977 kung saan first year college pa lamang noon si PNoy, driver na ito ng pamilya Aquino.

Dahil sa araw- araw na silang magkasama, 'brother' na ang tawag sa kanya ni PNoy at itinuring na talaga siyang hindi na iba sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel