“I got to hurry up and get well” — Kris Aquino, nagbiro kay PBBM sa Malacañang
- Naghatid ng saya at katatawanan ang tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino nang magbiro siya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tungkol sa pantay na bilang ng mga naging pangulo mula sa pamilyang Aquino at Marcos sa ginanap na Christmas tree lighting ceremony sa Malacañan Palace noong Sabado, Nobyembre 28, 2026
- Sa pag-akyat niya sa entablado sa Kalayaan Grounds kasama ang kanyang anak na si Bimby upang maging host ng taunang okasyon, ibinahagi ni Kris ang naging biruan nilang mag-ina kung saan sinabi niyang kailangan niyang magpagaling agad upang mabasag ang tabla ng dalawang pamilya
- Tinukoy sa biro ng television host ang apat na lider na namuno sa bansa mula sa kanilang dalawang angkan na kinabibilangan nina Pangulong Marcos at ng yumaong ama nitong si Ferdinand Marcos Sr., gayundin ang yumaong ina ni Kris na si Corazon Aquino at ang kapatid niyang si Benigno Aquino III
- Bukod sa pagiging host ng pagdiriwang na opisyal na nagbukas sa panahon ng Kapaskuhan sa pamamagitan ng pagpapailaw sa 54-foot Christmas tree ng Palasyo, iginawad din nina Kris at Bimby ang parangal sa mga nagwagi sa ikalimang national parol-making competition
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagdala ng good vibes at katatawanan sa Malacañan Palace ang Queen of All Media na si Kris Aquino noong Sabado, Nobyembre 28, 2026, nang pabiro niyang tuksuhin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tungkol sa pantay na bilang ng mga naging pangulo ng Pilipinas mula sa kanilang dalawang pamilya.

Source: Youtube
Nang umakyat sa entablado sa Kalayaan Grounds kasama ang kanyang anak na si Bimby upang pangunahan ang taunang Christmas tree lighting ceremony ng Palasyo, sinimulan ni Kris ang kanyang pagbati sa pamamagitan ng isang nakakaaliw na pagbanggit sa kasaysayan ng pulitika ng pamilyang Aquino at Marcos.
“I was joking about it earlier, kasi, it's a tie. Two Marcoses, two Aquinos have been president. And, I said, Bimb, I got to hurry up and get well, so that I can break the TIE,” pahayag ni Kris na ikinatawa ng mga dumalo sa pagtitipon.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang nasabing biro ni Kris ay tumutukoy sa apat na lider mula sa dalawang kilalang angkan na nagsilbi sa pinakamataas na posisyon sa bansa. Kabilang dito si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang kanyang yumaong ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., pati na rin ang yumaong ina ni Kris na si dating Pangulong Corazon Aquino at ang kanyang yumaong kapatid na si dating Pangulong Benigno Aquino III.
Bukod sa pagiging emcee ng nasabing pagdiriwang, nagbigay rin ng parangal sina Kris at Bimby sa mga nagwagi sa ikalimang national parol-making competition na may temang “Isang Bituin, Isang Mithiin.” Sa nasabing patimpalak, kinilala ang tatlong nagwaging paaralan kasama ang ilang special awardees.
Ang naturang pagtitipon ang opisyal na naghudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kapaskuhan sa Malacañang, kung saan naging tampok ang seremonyal na pagpapailaw sa 54-foot Christmas tree ng Palasyo.
Matatandaang naging malaking balita ang pagbabalik-entablado ni Kris Aquino matapos ang ilang taong pamamahinga sa showbiz dahil sa pakikipaglaban sa iba't ibang autoimmune illness. Sa kanyang mga nakaraang pampublikong paglabas at update, palaging kasama ng television host ang kanyang mga anak na nagsisilbing lakas at inspirasyon niya sa kanyang patuloy na pagpapagaling.
Habang patuloy na pinag-uusapan ang mga nakakaaliw na sandali sa nasabing pagtitipon sa Palasyo, matatandaang nag-viral din ang naging reaksyon ni Bimby sa isa pang biro ng kanyang ina sa kaparehong okasyon, gayundin ang isang rebelasyon tungkol sa nakaraan ng aktres.
Sa kaparehong pagtitipon sa Malacañang, aminado si Bimby Aquino na tila pinagpawisan siya nang malamig matapos magbitiw ng isa pang prangkang hirit ang kanyang inang si Kris Aquino habang ipiniprisinta ang premyo para sa mga nanalo sa parol-making contest. Umani ng tawanan mula sa mga dumalo ang naging palitan ng biro ng mag-ina sa entablado sa kanilang sorpresang hosting comeback.
Samantala, nagbigay naman ng rebelasyon kamakailan ang aktor na si Anjo Yllana tungkol sa naging nakaraan nina Kris Aquino at Joey Marquez noong panahong malapit pa sila sa isa't isa sa showbiz. Ibinahagi ng komedyante ang ilang hindi pa nalalamang detalye at alaala mula sa kanilang pinagsamahan noon sa industriya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


