Mga dating panayam ni Hasna Cabral tungkol sa kanyang mga anak, muling nag-viral

Mga dating panayam ni Hasna Cabral tungkol sa kanyang mga anak, muling nag-viral

  • Muling kumalat at nagpaantig sa puso ng maraming netizens ang mga nakaraang panayam ng yumaong aktres at dating Pinoy Big Brother housemate na si Hasna Cabral matapos ang kanyang pagpanaw sa edad na 37 dahil sa stroke
  • Sa kanyang mga naging panayam kina Karen Davila at Toni Gonzaga ay ibinahagi ng aktres ang matinding pinansyal at emosyonal na pagsubok sa pagpapalaki bilang single mother sa dalawa niyang anak na sina Bash at Baste na nasa autism spectrum
  • Kinuwento ni Hasna Cabral na kinailangan niyang iwan ang kanyang trabaho sa bangko upang magbenta ng ukay-ukay online nang sa gayon ay matustusan ang specialized schooling at monthly occupational therapy ng kanyang mga anak
  • Sa kabila ng sakit na naranasan nang makaranas ng pambubully ang kanyang bunsong anak ay iginiit ni Hasna na ang kanyang dalawang anak ang nagturo sa kanya ng tunay na kahulugan ng pasensya, pagtanggap, at pagpapatawad

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Muling kumalat at nagpaantig sa puso ng maraming netizens ang mga nakaraang panayam ng yumaong aktres at dating Pinoy Big Brother: Otso housemate na si Hasna Cabral matapos ang kanyang pagpanaw sa edad na 37 dahil sa stroke.

Read also

Lalaki, patay matapos ang komprontasyon sa dating asawa at bagong kinakasama nito

Mga dating panayam ni Hasna Cabral tungkol sa kanyang mga anak, muling nag-viral
Mga dating panayam ni Hasna Cabral tungkol sa kanyang mga anak, muling nag-viral (đź“·Karen Davila/YouTube)
Source: Youtube

Sa mga naturang video, partikular na sa kanyang emosyonal na panayam kay Karen Davila, ibinahagi ng aktres ang matinding pinansyal, emosyonal, at panlipunang pagsubok na kanyang hinarap bilang isang single mother sa dalawang anak na nasa autism spectrum na sina Bash at Baste.

Sa mga pag-uusap na ito, tapat na inilabas ni Hasna ang pang-araw-araw na realidad at hirap na pinagdadaanan ng kanyang mga anak. Ibinahagi niya na ang kanyang panganay na anak na babaeng si Bash ay may intellectual disability, habang ang kanyang bunsong anak na lalaking si Baste ay non-verbal at nasa autism spectrum.

Inalala rin ng aktres ang masasakit na karanasan kung saan nakaranas ng pambubully si Baste mula sa ibang mga bata. Ayon sa kanyang kuwento, may mga pagkakataon pang nagpapalitan sa pagsampal sa kanyang anak ang ibang bata dahil hindi ito nakakapagsalita upang ipagtanggol ang kanyang sarili.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Bukod sa emosyonal na bigat, dumanas din si Hasna ng matinding kakapusan sa pinansyal. Upang matustusan ang specialized schooling ng mga bata na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱80,000 hanggang ₱100,000, pati na rin ang kanilang monthly occupational therapy sessions, nagdesisyon si Hasna na iwan ang kanyang karera sa pagbabangko at magbenta na lamang ng ukay-ukay online.

Read also

Kapatid ni Hasna Cabral, may mahalagang pahayag ukol sa mga naiwang pamangkin

Sa kabila ng mabibigat na pagsubok, ibinahagi ni Hasna na ang kanyang dalawang anak ang naging pinakamalaking pinagkukunan niya ng lakas at gabay sa buhay. Binigyang-diin niya kung paano itinuro sa kanya ng pagpapalaki sa mga batang may special needs ang tunay na kahulugan ng pasensya, pagtanggap, at pagpapatawad. "Imagine, batang may autism teaching me to love and forgive?" pagbabahagi niya sa kanyang panayam sa ABS-CBN News.

Mula sa pakiramdam na siya ay nag-iisa at hindi karapat-dapat mahalin, nakahanap si Hasna ng panibagong lakas sa kanyang pananampalataya at sa suporta ng mga taong nakapaligid sa kanya. Hinikayat din niya ang iba pang mga magulang na may anak na may special needs na huwag matakot humingi ng tulong sa kanilang komunidad, at iginiit na "it takes a village to raise a child".

Kasunod ng pagpanaw ni Hasna ngayong linggo, muling bumuhos ang emosyon mula sa mga magulang na kabilang sa autism community matapos mapanood ang kanyang mga panayam kina Karen Davila at Toni Gonzaga. Maraming kapwa "ausome" moms ang nagbahagi sa social media kung paano sumalamin ang kanyang kuwento sa tahimik nilang pangamba tungkol sa kung sino ang mag-aalaga at uunawa sa kanilang mga anak kung sakaling mawala na sila sa mundo.

Si Hasna Cabral ay unang nakilala ng publiko noong 2019 nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Otso bilang "Ukay-Ukay Mom ng Oriental Mindoro." Matapos ang kanyang paglabas sa Bahay ni Kuya, nagtuloy-tuloy siya sa pag-arte sa iba't ibang palabas sa telebisyon at pelikula habang itinataguyod nang mag-isa ang kanyang dalawang anak.

Read also

Love Radio, nagpaalam sa beteranong DJ na si Diego Bandido

Habang patuloy na binabalikan ng mga netizens ang kanyang naging inspirasyon bilang isang ina, patuloy rin ang pagbuhos ng pakikiramay at pagbibigay-pugay para sa yumaong aktres mula sa kanyang mga kasamahan sa industriya at pamilya.

Sa isang naunang ulat ng KAMI.com.ph, nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay at pagluluksa ang aktres na si AJ Raval sa pagpanaw ni Hasna Cabral. Nagbahagi si AJ ng madamdaming mensahe sa social media bilang pag-alala sa kanilang magandang samahan at kabutihan ng yumaong aktres Mababasa ang buong detalye sa artikulong ito:

Samantala, nagsalita na rin ang kapatid ni Hasna Cabral sa social media upang magbigay-linaw sa publiko tungkol sa kalagayan at mangangalaga sa dalawang batang naiwan nito. Tiniyak ng kanyang pamilya na hindi pababayaan sina Bash at Baste, kasabay ng isang paalala sa publiko na walang anumang donasyon na hinihingi ang kanilang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate