Ogie Diaz, sinagot ang mga pahayag ni Liza Soberano tungkol sa dating endorsement
- Sinagot ni Ogie Diaz ang mga pahayag ng dati niyang alagang si Liza Soberano tungkol sa unang skincare endorsement ng aktres noong edad 16 o 17, na ayon kay Liza ay isang whitening product na hindi niya ipinagmamalaki
- Itinanggi ng talent manager ang pahayag na basta na lamang silang tumatanggap ng mga proyekto at endorsement, at iginiit na may mga alok siyang tinanggihan dahil hindi umano makatutulong ang mga ito sa pagpapataas ng halaga ng aktres
- Ikinuwento ni Ogie na may pagkakataong si Liza at ang ama nito mismo ang nagpupumilit na tanggapin ang isang endorsement dahil kailangan nila ng pera, ngunit hindi siya pumayag at nag-alok na lamang na pautangin ang aktres
- Nilinaw din ni Ogie na hindi niya matandaan ang sinasabing pag-edit at pagpapaputi sa mukha ni Liza para sa naturang endorsement, at sinabi niyang hindi siya nasaktan sa mga naging pahayag ng dating alaga
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nagbigay ng pahayag ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz bilang tugon sa mga kamakailang sinabi ng dati niyang alagang si Liza Soberano hinggil sa naging karanasan nito sa isang skincare endorsement noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Source: Facebook
Sa latest episode ng kanyang YouTube vlog na “Ogie Diaz Showbiz Updates,” tinalakay ni Ogie ang panayam ni Liza sa isang podcast kung saan inalala ng aktres ang kanyang unang endorsement noong siya ay 16 o 17 taong gulang pa lamang. Ayon kay Liza, hindi siya naging komportable sa resulta ng nasabing proyekto matapos umanong baguhin ang kulay ng kanyang balat sa mga larawan, at nabanggit din niya ang umano’y mentalidad ng kanyang dating manager pagdating sa pagtanggap ng mga alok.
“I’m not proud of it, but my first ever skincare endorsement, it was like a whitening product and I was like 16, 17, at that time. And obviously, I come from a poor background and so, whatever brands come to me at that time, it was like just grab, grab, grab. And that was also the mentality of my manager, right?” pagbabalik-tanaw ni Liza sa nasabing podcast.
Hindi naman ito pinalampas ni Ogie at diretsahang sinagot ang naging pahayag ng aktres. “Alam naman ni Liza ang totoo diyan, ayoko nang mag-explain,” sey niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Iginiit ni Ogie na malaki ang naging papel ng maayos na pamamahala nila ng Star Magic upang maabot ni Liza ang kasikatan nito ngayon. “Ganito lang kasimple, kung hindi ba dahil sa manager, magiging Liza Soberano siya?! Mas nakakahiya kung tanggap kami nang tanggap ng Star Magic ng mga proyekto, ng mga endorsements sa (para) kanya, tapos walang nangyari sa career niya,” paliwanag niya. Dagdag pa niya, “Eh nagsasalita siya ngayon bilang si Liza Soberano, hindi bilang si Hope Elizabeth Soberano.
Itinanggi rin ng talent manager ang paratang na tanggap lamang siya nang tanggap ng trabaho para sa komisyon. Ayon sa kanya, marami siyang tinanggihang proyekto dahil hindi ito makakatulong sa pagpapataas ng antas ng karera ng aktres. Ibinunyag din niya na may pagkakataon noon na si Liza at ang ama nito ang nagpupumilit na tanggapin ang isang endorsement dahil sa pangangailangan sa pera, ngunit hindi siya pumayag at pinautang na lamang niya ang aktres upang makahintay sila ng mas malalaki at mas magagandang oportunidad.
“So, imadyinin n’yo, mayroon silang gusto, hindi ko tinanggap. Pero mas malaki ‘yung dumating kumpara doon,” aniya. “Hindi naman ‘yung tipong tanggap na lang nang tanggap dahil pera, dahil may komisyon, hindi! Eh, paano tataas ‘yung value, ‘yung premium ng alaga ko kung hindi ko ibibigay sa kanya ‘yung magagandang produkto para tumaas siya,” saad pa ni Ogie.
Tungkol naman sa sinabi ni Liza na pinaputi ang mukha nito, sinabi ni Ogie na hindi niya ito matandaan ngunit alam niyang natural na maputi at hindi maitim ang aktres. Binanggit din niya na noong nasa pangangalaga pa nila ng Star Magic si Liza ay hindi ito ganoon ka-vocal at ngayon lamang naglalabas ng mga ganitong saloobin mula nang magsarili sa kanyang karera. Sa kabila nito, nilinaw ni Ogie na hindi siya nasaktan at nananatili ang kanyang pagmamahal sa dating alaga. “Love ko naman ‘yang batang ‘yan kasi alam kong mabait ‘yang batang ‘yan, ‘di ko lang alam kung ba’t nag-360 degrees, no? Pero mabait ‘yang batang ‘yan,” dagdag pa niya.
Matatandaang mahigit isang dekada ring pinamahalaan ni Ogie Diaz ang karera ni Liza Soberano katuwang ang Star Magic bago nagpasya ang aktres na mag-rebrand at ipagpatuloy ang kanyang karera sa ibang bansa noong 2023. Mula noon ay ilang beses nang naging bukas si Liza sa mga panayam tungkol sa kanyang mga pinagdaanan sa local entertainment industry.
Habang patuloy na pinag-uusapan ang naging tugon ng talent manager sa pinakabagong pahayag ng aktres, matatandaang nagbigay rin siya ng reaksyon kamakailan sa iba pang naging komento ni Liza tungkol sa kanyang mga nakaraang proyekto, gayundin ang kanyang prangkang payo sa publiko pagdating sa usaping pinansyal.
Muling naging sentro ng usapan ang naging relasyon nina Ogie Diaz at Liza Soberano dahil sa mga pahayag tungkol sa kanilang dating professional arrangement. Bukod sa isyu ng endorsement, mayroon ding iba pang naging usapin tungkol sa talent manager na mababasa sa mga naunang ulat.
Nagbigay ng mensahe si Ogie Diaz sa mga taong may utang sa kanya at sa mga nagpaplanong manghiram ng pera. Ayon sa kanyang social media post, mas sinisikap na niyang maningil sa mga dati nang umutang dahil sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya. Sinabi rin niyang pansamantala muna siyang hindi magpapautang kahit pa may mga kaibigang maaaring magtampo sa kanyang pagtanggi.
Nagbigay rin ng reaksiyon si Ogie sa naging pahayag ni Liza tungkol sa pelikulang My Ex and Whys na pinagbidahan nito kasama si Enrique Gil noong 2017. Inilarawan ni Liza sa isang panayam sa TigerBelly podcast ang storyline ng pelikula bilang misogynistic. Sa halip na kontrahin ang opinyon ng dating alaga, sinabi ni Ogie na mas pinipili niyang unawain ang pananaw ng aktres at hayaan itong magpahayag.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh



