Kapatid ni Hasna Cabral, emosyonal sa pag-amin na, "I'm really proud of you, Hasna"

Kapatid ni Hasna Cabral, emosyonal sa pag-amin na, "I'm really proud of you, Hasna"

  • Nagbigay ng madamdaming pagpupugay ang Facebook page na Gharawi kay Hasna Cabral, dating housemate ng Pinoy Big Brother, kasunod ng pagpanaw nito noong Nobyembre 22, 2026, sa pamamagitan ng isang post na naglalaman ng kanilang mga alaala at mensahe ng pagmamahal
  • Sa naturang post, ipinakilala ng may-ari ng page si Hasna bilang kanyang kapatid at ibinahagi na bago pa man makilala ito sa telebisyon, gumagawa na silang dalawa ng maiikling pelikula at music video bilang katuwaan
  • Ikinuwento rin niya na siya ang nagsisilbing direktor habang si Hasna naman ang artista sa kanilang mga simpleng proyekto, kaya naging espesyal para sa kanya ang pagkakatupad ng pangarap ng kapatid na makapasok sa mundo ng pag-arte
  • Inamin din niya na hindi niya noon hayagang ipinagmamalaki sa publiko ang kanilang pagiging magkapatid dahil ayaw niyang madamay si Hasna sa mga kontrobersiya at pakikipagtalo niya sa social media, bago niya ihayag ang mensaheng matagal na niyang gustong sabihin

Read also

Rendon Labador, muling nagkomento matapos ang ginawa ni Geo Ong sa LTO

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagbigay ng madamdaming pagpupugay ang Facebook page na Gharawi kay Hasna Cabral, dating housemate ng Pinoy Big Brother (PBB), kasunod ng pagpanaw nito noong Nobyembre 22, 2026.

Kapatid ni Hasna Cabral, emosyonal sa pag-amin na, "I'm really proud of you, Hasna"
Kapatid ni Hasna Cabral, emosyonal sa pag-amin na, "I'm really proud of you, Hasna" (📷 Hasna Cabral/Facebook)
Source: Instagram

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng may-ari ng page ang kanilang mga pinagsamahan ni Hasna at ang kanyang paghanga sa mga naabot ng kapatid bago ito pumanaw.

Ayon sa kanya, marami ang maaaring nakakakilala kay Hasna dahil sa kanyang paglabas sa telebisyon at pagiging bahagi ng PBB. Gayunman, para sa kanya, higit pa sa isang personalidad sa social media at dating reality show housemate ang pumanaw na celebrity.

Ipinakilala niya si Hasna bilang kanyang kapatid at binalikan ang panahong magkasama silang gumagawa ng maiikling pelikula at music video bilang libangan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanilang mga simpleng proyekto noon, siya ang gumaganap bilang direktor habang si Hasna naman ang nasa harap ng kamera bilang artista.

Hindi umano nila inaasahan na darating ang panahon na matutupad ang pangarap ni Hasna na makilala bilang artista.

Read also

Senior citizen sa Quezon City, nasawi matapos ang pagtatalo sa kapwa tricycle driver

“Sino ba naman ang mag-aakala na isang araw, magkakatotoo pala ang pangarap niya na maging artista?” saad niya sa post.

Masaya rin umano siyang masaksihan ang naging paglalakbay ng kapatid, lalo na nang makilala ito sa PBB at makapagbahagi ng kuwento ng buhay na nakaantig at nakapagbigay-inspirasyon sa maraming tao.

Isa sa mga naging kapansin-pansing bahagi ng kanyang mensahe ang pag-amin na hindi niya noon hayagang ipinagmamalaki sa publiko ang kanilang pagiging magkapatid.

Ipinaliwanag niya na ayaw niyang madamay si Hasna sa mga kontrobersiya at pakikipagtalo niya sa social media.

Alam umano niyang marami siyang nakakasagutan online kaya mas pinili niyang ilayo ang kapatid sa mga ganitong usapin.

“Hindi ko nga lang maipagmalaki noon sa publiko na magkapatid kami, dahil ayokong madamay siya sa gulo ng mga laban ko sa social media,” aniya.

Dagdag pa niya, “Alam n'yo naman, kung sino-sino lang binabangga ko.”

Sa kabila nito, malinaw sa kanyang mensahe ang pagmamalaki niya sa mga narating ni Hasna. Binigyang-diin niyang alam niya ang pinagdaanan ng kapatid at kung gaano ito katatag sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

Read also

Andi Eigenmann, nagkuwento tungkol sa bagong pinagkakaabalahan nina Lilo at Koa

Sa huling bahagi ng kanyang post, ibinahagi ng kapatid ang lungkot sa pagkawala ni Hasna at ang mga salitang nais sana niyang masabi habang magkasama pa sila.

“Pero heto tayo ngayon... Wala na siya.”

Kinilala rin niya na maaaring huli na ang lahat upang personal na maipahayag ang kanyang paghanga, ngunit nais pa rin niyang maiparating ang mensaheng matagal na niyang gustong sabihin.

“Maybe it's too late now, pero gusto ko pa ring sabihing... I'm really proud of you, Hasna.”

Tinawag din niya itong isang napakalakas na babae at binanggit na alam ito ng mga taong nakarinig sa kuwento ng buhay ng dating PBB housemate.

Para sa kanya, bagama't hindi naging mahaba ang panahon ni Hasna sa mundo, marami naman itong buhay na naantig at nabigyan ng inspirasyon.

Tinapos niya ang kanyang mensahe sa salitang “Adios!” bilang pamamaalam sa kapatid.

Si Hasna Cabral ay nakilala sa publiko matapos maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Otso. Tinawag din siyang “Ukay Nanay ng Cavite” at naging pamilyar sa mga manonood dahil sa kanyang personalidad at mga karanasan sa buhay.

Read also

Philmar Alipayo, may madamdaming mensahe para kay Ellie sa ika-15 kaarawan nito

Noong 2022, naging usap-usapan din ang kanyang paglabas sa Toni Talks, kung saan ibinahagi niya ang kanyang karanasan bilang isang single mother at ang mga pagsubok na kinaharap niya sa pagpapalaki sa kanyang mga anak.

Hiniling din ng pamilya ang pang-unawa ng publiko kaugnay ng agarang pagpapalibing sa kanya at nilinaw na walang donation drive na kanilang inorganisa o pinahintulutan sa pangalan ni Hasna.

Sa gitna ng mga mensahe ng pakikiramay, naging bahagi rin ng pag-alala kay Hasna ang mensahe ng kanyang kapatid, na nagbalik-tanaw sa mga simpleng pangarap na minsang pinagsaluhan nila at sa tagumpay na nasaksihan niyang makamit nito.

Bukod sa madamdaming mensahe ng kanyang kapatid, naging bahagi rin ng mga naunang ulat tungkol kay Hasna ang kanyang pagbabalik sa PBB house at ang kumpirmasyon ng kanyang pamilya tungkol sa kanyang pagpanaw.

Noong Abril 2, 2026, ibinahagi ni Hasna ang kanyang emosyonal na pagbisita sa dating PBB house matapos malaman na giniba na ang istruktura. Binalikan niya ang mahalagang papel ng bahay sa kanyang buhay at ang panahong wala pa siyang malinaw na direksiyon. Nagpasalamat din siya kay Kuya dahil isa ito sa mga unang naniwala sa kanyang kakayahan.

Read also

Kim Chiu, inaming nangangamba para sa kanyang kaligtasan sa gitna ng kaso

Noong Nobyembre 25, 2026, kinumpirma ng pamilya ni Hasna ang kanyang pagpanaw sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag sa kanyang Facebook page. Ipinaliwanag din nila ang dahilan ng kanyang agarang pagpapalibing alinsunod sa kanilang pananampalataya. Nagpaabot din ang pamilya ng pasasalamat sa mga nagbigay ng pakikiramay at nilinaw ang tungkol sa mga donation drive na hindi nila pinahintulutan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate