Andi Eigenmann, nagkuwento tungkol sa bagong pinagkakaabalahan nina Lilo at Koa

Andi Eigenmann, nagkuwento tungkol sa bagong pinagkakaabalahan nina Lilo at Koa

  • Ibinahagi ng dating aktres na si Andi Eigenmann sa kanyang Instagram account na ang pangunahing pakay ng kanilang pamilya sa pagluwas sa Maynila ay ang pagsabak nina Lilo at Koa sa kanilang kauna-unahang national jiu-jitsu competition
  • Sa kabila ng limang buwan pa lamang na pagsasanay sa nasabing sport, nakapag-uwi si Koa ng dalawang gintong medalya habang nasungkit naman ni Lilo ang bronze medal kahit siya ang pinakamaliit sa kanyang weight class
  • Ikinuwento rin ni Andi na hindi niya napigilang maging maingay sa pag-cheer sa kanyang mga anak, at maging ang karaniwang kalmadong surfer na si Philmar Alipayo ay naging kasing-ingay rin niya habang nanonood
  • Nagpasalamat si Andi sa mga coach at grupo ng mga bata sa Siargao, at pinuri ang ipinakitang disiplina at sportsmanship ng kanyang mga anak sa kabila ng pagkatalo o pagkapanalo sa kumpetisyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ipinagmalaki ni Andi Eigenmann ang naging karanasan at tagumpay ng kanyang mga anak na sina Lilo at Koa sa kanilang kauna-unahang pagsabak sa isang national jiu-jitsu competition sa Maynila.

Read also

Philmar Alipayo, may madamdaming mensahe para kay Ellie sa ika-15 kaarawan nito

Andi Eigenmann, nagkuwento tungkol sa bagong pinagkakaabalahan nina Lilo at Koa
Andi Eigenmann, nagkuwento tungkol sa bagong pinagkakaabalahan nina Lilo at Koa (đź“·@andieigengirl/IG)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng dating aktres na ito ang isa sa mga pangunahing dahilan ng kanilang pagbiyahe mula sa Siargao. “One of our main agendas for this trip to Manila was for Lilo and Koa’s first national jiu-jitsu competition!” saad niya.

Aminado si Andi na noong una ay hindi sila sigurado kung handa na ang mga bata dahil limang buwan pa lamang ang mga ito nag-eensayo, ngunit nakita nila ang matinding saya at pananabik ng dalawa.

“They’ve only been training for 5 months, so we weren’t sure if they’d be ready but they were so excited to compete and they had such a great experience!” dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagbunga naman ang pagsisikap ng magkapatid matapos makapag-uwi ng mga medalya. “Koa came home with two gold medals, and Lilo earned bronze, staying strong and brave even as the smallest one in her weight class. We’re so proud of both of them!🥹” pagbabahagi ni Andi.

Read also

Kim Chiu, inaming nangangamba para sa kanyang kaligtasan sa gitna ng kaso

Hindi rin nakaligtas sa kuwento ni Andi ang nakakatuwang reaksyon nilang mag-asawa habang nanonood ng laban. “ANG INGAY KO. LOLZ but even funnier that the usual nonchalant surf coach @chepoxz was equally as loud for this one 🤣” aniya, na tumutukoy kay Philmar Alipayo.

Nagpaabot din siya ng pasasalamat kina Coach @fideltb2.0 at @cbdsiargao sa oras at gabay na ibinigay sa kanyang mga anak at sa buong team. Bilang ina, labis umano siyang natutuwa na makitang lumalaki sina Lilo at Koa na may disiplina at magandang asal sa sports.

“As their mom, I’m proud to watch them grow into dedicated young athletes! Who show up, put in the work, and give their best while still having fun! I am also proud to see how being a good sportsman is innate, and like in Lilo's situation, seeing how well she handles a loss, with grace,” sulat niya.

Ayon pa kay Andi, magandang kumbinasyon ang jiu-jitsu sa nakasanayang surfing ng kanyang mga anak sa isla. “Jiu-jitsu has been such a great complement to their surfing, and we love that they get to grow up with this surf-and-jits life! Learning about discipline, confidence, and how to keep showing up for the things they love,” pagtatapos niya.

Read also

Nikko Natividad, sinita ang netizen na nag-uwi ng baso mula sa kanyang cafe

Si Andi Eigenmann ay dating sikat na aktres sa pelikula at telebisyon na piniling lisanin ang showbiz noong 2018 upang manirahan nang simple sa Siargao kasama si Philmar Alipayo. Doon nila pinalalaki ang kanilang mga anak na sina Lilo at Koa, kasama ang panganay ni Andi na si Ellie, na madalas ibinabahagi sa publiko ang kanilang aktibong pamumuhay sa isla.

Bago ang kumpetisyong ito nina Lilo at Koa, naging laman din ng mga balita kamakailan ang pamilya dahil sa pagdiriwang ng ika-15 kaarawan ni Ellie.

Sa isang ulat ng KAMI, inihayag ng aktor na si Jake Ejercito ang kanyang saloobin habang nasasaksihan ang mabilis na paglaki ng kanyang anak na si Ellie. Ibinahagi niya sa publiko ang kanyang pagmamahal at suporta sa dalagita na ngayon ay nasa bagong yugto na ng kanyang buhay. Makikita sa kanyang mensahe ang matibay na ugnayan nilang mag-ama sa kabila ng kanilang co-parenting setup.

Samantala, sa isa pang artikulo, nagbahagi rin ng madamdaming mensahe si Philmar Alipayo para sa 15th birthday ni Ellie kalakip ang larawan ng kanilang buong pamilya. Binalikan ng surfer ang panahon kung kailan maliit pa lamang si Ellie at nagpasalamat sa pag-aalaga nito sa kanyang mga nakababatang kapatid.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate