Top 10! Magagandang anak ng mga celebrities na hindi pinasok ang showbiz

Top 10! Magagandang anak ng mga celebrities na hindi pinasok ang showbiz

- Ito ang listahan na naispatan namin sa 'Showbiz Read' ng mga nagagandahang anak ng mga sikat at kilalang mga celebrities na hindi pinasok ang showbiz.

- Ang ilan sa kanila ay kilala ninyo na dahil nakikita natin sila sa mga social media posts nila o sa kanilang mga celebrity moms and dads.

- Ngayon, ating tingnan at kilalanin ang mga magagandang mga dilag na ito na talaga namang nakakabighani ang mga ganda.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Madami ang mga kilalang pamilya sa Philippine entertainment scene gaya na lang ng mga pamilyang Sotto, Padilla, Guttierrez, Eigenmann, Barretto, at iba pa.

Kaya hindi maiwasan ng iba na isipin na ang mundo ng showbiz ay isang malaking dinastiya.

Gayunpaman, hindi lahat ng miyembro ng pamilya ng mga showbiz na ito ay nakikipagsapalaran sa industriya ng entertainment.

Ang ilan ay nagpapatuloy sa ibang mga landas.

Pero hindi makakaila na ang kanilang mga hitsura ay galing sa isang dugo ng magagandang kilalang tao.

Narito ang listahan ng mga magagandang anak ng mga artista na napag-alaman ng KAMI (in no particular order):

10. Kaila Estrada

Siya ay ang magandang anak ng mga beteranong aktor at aktres na sina John Estrada at Jance de Belen.

Noong 2016, na preview ang 22-year-old na magandang dalaga sa 'Preview' at kamakailan lang sa okasyon ng 'Mega.'

Ayon sa balita jina juggle niya dati ang pag-aaral at pagmomodelo.

9. Margaret Fiona Planas

Bukod sa napakasikat na anak ni Queen Mother Karla Estrada ay may ibang anak pa siya at isa na dito ang kanyang napakagandang dalagitang anak na si Margaret.

Anak siya ni momshie Karla sa former partner nito na si Mike Planas.

POPULAR: Read more news about Karla Estrada here

8. Ara Dabao (Davao)

Siya lang naman ang napakagandang anak ng mga beteranong mga aktor/direktor at aktres na sina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco.

Maganda ang nanay at gwapo ang tatay kaya naman maganda talaga ang lumabas.

Ayon daw sa 'Journal,' si Ara ay nag-aaral ngayon ng 'Interdisciplinary Studies' sa 'Ateneo de Manila University.'

7. Jayda Avanzado

Hindi man siya pumasok sa telebisyon o pelikula para mag-akting pero sumunod naman siya sa yapak ng kanyang sikat na ama at ina na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza sa hilig sa musika.

6. Alyssa Gibbs

Siya ay ang isa sa magandang anak nina Janno Gibbs at Bing Loyzaga.

Si Alyssa ngayon daw ay isang respetadong pangalan sa vlogging community at obvious naman sa kanyang mga Instagram posts na isa siyang travel at beauty vlogger at designer din, gaya daw ng kanyang kapatid na si Gabs Gibbs.

5. Claudia Barretto

Hindi kagaya ng kanyang nakakatandang kapatid na si Julia Barretto, si Claudia ay nakahanap ng kanyang gusto at hilig sa musika.

Noong May last year ay nireleased na nga nya ang debut album niya.

Siya ay anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.

POPULAR: Read more news about Marjorie Padilla here

4.Sophia Gonzales Romualdez

Noong 2016 article daw ng 'The Philippine Star' ibinalita na ang napakagandang anak ninan Cristina 'Kring-Kring' Gonzales-Romualdez at Tacloban City Mayor Alfred Romuladez ay napapabalitang nagugustuhan ng mga maraming talent agents, directors, producers, at photographers.

3. Dominique Cojuangco

Kilalang kilala siya sa mundo ng Instagram dahil sa kanyang nagagandahang mga posts.

Siya lang naman ang anak ng dating aktres na si Gretchen Barretto at business tycoon na si Antonio 'Tonyboy' Cojuangco.

Hindi siya sumunod sa yapak ng kanyang ina imbis ay nagfocused sya sa love niya sa fashion.

Kaya naman ay nag-aral siya ng kurso sa fashion sa London.

2. Juliana Ma. Beatrice Gomez

Siya lang naman ang anak ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez.

1. Maxine Gutierrez

Si Maxine o Max ay nakakabatang kapatid ng Kapuso aktres na si Janine Gutierrez.

Sila ay anak nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierrez.

May iba pa ba kayong kilalang magandang babae na anak ng isang celebrity?

At saibang usapin, dahil pinag-uusapan natin ang mga mister ngayon sa buwan ng mga ama, nagkaroon ng isang social experiment ang aming grupo upang malaman kung may Pinoy ba na tutulong sa isang mister sa paglinla og pangangaliwa sa kanyang asawa.

Tingnan sa baba ang resulta ng nasabing eksperimento

More HumanMeter videos on YouTube here

Source: Kami.com.ph

Related news
Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant

Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant

Pia Wurtzbach, pabor na makasali ang hindi natural-born women o tans women sa prestigious international beauty pageant
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel