Driver ni PNoy, labis-labis ang kalungkutan: "Araw-araw kaming magkasama”

Driver ni PNoy, labis-labis ang kalungkutan: "Araw-araw kaming magkasama”

- Isa ang driver ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang labis na nagdadalamhati sa pagpanaw nito

- Mula 1977 ay buong puso na siyang naglilingkod bilang driver ni PNoy noong nasa kolehiyo pa lamang siya sa Ateneo De Manila University

- Sa tagal nilang magkasama, 'brother' na ang tawag at turing nito sa kanya

- Inalala rin niya ang mga di malilimutang kaganapang kasama niya ang dating Pangulo maging ang mga aral sa buhay na natutunan niya rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maituturing na isa sa mga malalapit na tao kay dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang longtime driver niya na si Nory Mariano.

Nalaman ng KAMI na si Mariano ang isa sa mga unang nakakita na 'hindi na gumagalaw' ang dating Pangulo sa kanyang pwesto sa pagkakatulog.

Driver ni PNoy, labis na nalulungkot sa pagpanaw nito: "Araw-araw kaming magkasama”
Photo: Former President Noynoy Aquino with Kris,Josh and Bimby (@krisaquino)
Source: Instagram

Sa panayam ni Bum Tenorio ng The Philippine Star kay Mariano, idinetalye nito ilan sa mga hindi niya malilimutang pagkakataon sa araw-araw nilang pagsasama ni PNoy.

Read also

Pangulong Noynoy Aquino, pumanaw na 'broken-hearted' ayon sa kaibigang pari

Taong 1977 pa nang siya ay magserbisyo sa pamilya Aquino bilang driver. First year college pa lamang noon si PNoy.

At dahil sa halos lagi niyang kasama ang dating Pangulo, 'Brother' na ang tawag at maging ang turing nito sa kanya.

Katunayan, pinatira na rin ni PNoy ang pamilya ni Mariano sa tahanan ng mga Aquino sa Times street kaya naman itinuring na niya talaga itong pamilya.

Isa sa hindi malilimutan ni Mariano ay nang masugatan si Noynoy noong 1987 sa naganap na ambush ng mga rebelde malapit sa Malacañang. Siya raw mismo ang napakiusapan ni PNoy na linisin ang noo'y duguan nitong mukha dahil sa insidente.

Bukod pa rito, marami umano siyang natutunang aral sa Pangulo. Maging ang simpleng pagsunod sa batas trapiko ay laging ipinaaalala sa kanya ni PNoy.

“Ma-mi-miss ko si Sir. Nakakahinayang. Bata pa siya. Malungkot na malungkot kami,” naluluhang pahayag ni Mariano sa pagkawala ng kanyang 'brother.'

Read also

Driver ni PNoy, nilarawan ang mga huling sandali ng dating Pangulo; “Ma-mi-miss ko si Sir"

Samantala, binahagi ng CNN Philippines ang kabuuang pahayag ng pamilya Aquino, ilang oras matapos na makumpirma ang pagpanaw ng dating Pangulo.

Sa homily ng pari na si Fr. Jose Ramon Villarin SJ sa misang alay sa yumaong pangulo, nasabi nitong pumanaw si PNoy na 'brokenhearted.'

Ayon sa Inquirer, pinaniniwalaan ng pari na ang 'broken heart' na hindi umano kayang magamot ng mga doktor ay ang umano'y "disappointment" ni PNoy matapos ang kanyang termino.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Benigno “Noynoy” Aquino III ang ika-15 Presidente ng Pilipinas. Siya ay nag-iisang anak na lalaki nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating senator Ninoy Aquino. Nanungkulan bilang Pangulo si Pnoy mula 2010 hanggang 2016.

Ilang oras lamang mula nang magulantang ang bansa sa biglaang pagpanaw ng dating Presidente, dagsa na ang mga nakikiramay at nakikidalamhati lalo na ang mga nakasalamuha ng Pangulo na inalala ang mga hindi malilimutang sandali kasama ito.

Read also

Love story ng nanghiram ng tabo na nauwi sa kasalan, nagpakilig sa netizens

Emosyonal ding naibahagi ng kanyang longtime driver na si Nory Mariano ang mga huling sandali ng dating pangulo bago ito tuluyang mamaalam noong Hunyo 24.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica