Renal disease, sanhi ng pagkamatay ni Pangulong Noynoy Aquino
- Naglabas na ng opisyal na pahayag ang mga kapatid ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ukol sa kanyang pagpanaw
- Binawian ito ng buhay habang siya ay natutulog bandang alas sais ng umaga ng Hunyo 24
- Bago pa man ang pandemya ay labas-pasok na sa ospital ang dating Pangulo
- Renal disease secondary to diabetes ang karamdamang ikinamatay ni Pnoy
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Pumanaw na ang dating Pangulo ng Pilipinas na si Benigno "Noynoy" Aquino III ngayong Hunyo 24 sa edad na 61.
Nalaman ng KAMI na kinumpirma na ng kanyang mga kapatid ang sanhi ng kanyang pagpanaw.
Sa opisyal na pahayag na inilabas ng pamilya Aquino, nabanggit na pumanaw ang dating pangulo bandang alas sais ng umaga habang siya ay natutulog.
Sinabi ring bago pa man ang pandemya ay labas-pasok na noon sa ospital si PNoy.
Sa kanyang death certificate kinumpirmang Renal disease secondary to diabetes ang karamdamang ikinamatay ni Pnoy.
Narito ang kabuuan ng pahayag ng pamilya Aquino:
Isa si Gary Valenciano sa mga nagpaabot ng taos-pusong nagpasalamat kay dating Pangulong Noynoy Aquino na pumanaw sa edad na 61 ngayong Hunyo 24 ng umaga. Sumailalim pa sa heart surgery ang dating Pangulo kamakailan at muling naisugod sa ospital bago tuluyang bawian ng buhay.
Agad namang namataan ang pagpunta ng kanyang mga kapatid na kinabibilangan ni Kris Aquino. Maging ang pamangkin ni Pnoy na si Josh ay agad ding nakarating na sa ancestral house ng mga Aquino sa Quezon City.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Benigno “Noynoy” Aquino III ang ika-15 Presidente ng Pilipinas. Siya ay mamakaisang anak na lalaki nina dating Pangulong Corazon Aquino at dating senator Ninoy Aquino.
Nanungkulan bilang Pangulo si Pnoy mula 2010 hanggang 2016.
Ilang oras lamang mula nang magulantang ang bansa sa biglaang pagpanaw ng dating Presidente, dagsa na ang mga nakikiramay at nakikidalamhati lalo na ang mga nakasalamuha ng Pangulo na inalala ang mga hindi malilimutang sandali kasama ito.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh