Joey Marquez, huling umiyak nang pumanaw ang ina; "Ganun ko kamahal nanay ko"

Joey Marquez, huling umiyak nang pumanaw ang ina; "Ganun ko kamahal nanay ko"

- Sa panayam ni Ogie Diaz kay Joey Marquez, naikwento niyang huling beses siyang umiyak ay nang pumanaw ang kanyang ina

- Tila isang linggong hindi raw tumitigil ang kanyang pagluha noon at tanging sa kanyang ina lamang siya umiyak ng ganoon

- Labis-labis kasi ang paghanga at pagmamahal niya sa ina na mag-isang nagtaguyod sa kanila ng kanyang kapatid

- Kaya naman maging sa kanyang 16 na mga anak, pinaaalalahanan niya ang mga ito patungkol sa paggalang, pagrespeto at pagmamahal na dapat na ipinadadama ng mga ito sa kanilang mga nanay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa part 2 ng panayam ni Ogie Diaz sa isa sa malalapit na tao sa kanya sa showbiz na si Joey Marquez, mas malalim at mas makabuluhan ang kanilang naging balitaktakan.

Nalaman ng KAMI na labis na pagmamahal ni Joey sa kanyang ina na mag-isang nagtaguyod sa kanila ng kanyang kapatid.

Read also

Ogie Diaz, pagod na raw magalit; "I cannot please everybody"

Joey Marquez, huling umiyak nang pumanaw ang ina; "Ganun ko kamahal ang nanay ko"
Photo: Joey Marquez (@tsong_marquez)
Source: Instagram

Katunayan, nang pumanaw ito, iyon na ang huling beses na umiyak si Joey.

"'Yun lang nagpaiyak sa'kin, nanay ko"
"Sa kanya lang ako umiyak na isang linggo, hindi tumitigil ang luha ko"

Inalala rin ni Joey ang kanyang mga pinagdaanan noon bago siya pumasok sa showbiz.

Nagawa niyang dayain ang kanyang edad para lamang makapagtrabaho kahit ang pagiging janitor sa kagustuhang makatulong sa ina.

Nakikita niya kasi ang mga sakripisyo nito sa kanila kaya naman ayaw na niya sanang pahirapan pa lalo ito.

Kahit pa dumarating umano sa punto na wala silang makain, magugulat na lamang sila kung paano nagkakaroon ng pagkain sa hapag.

Kaya naman ang pagrespeto, pagmamahal at pagmamalasakit sa mga ina ang siyang ipinangangaral niya sa kanyang 16 na mga anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Joey Marquez ay nakilala bilang isa sa cast ng sitcom na "Palibhasa Lalake" na tumagal ng 12 taon sa ere mula 1987. Kabilang sa mga kasamahan niya sa nasabing sitcom ay sina Richard Gomez, Gloria Romero, Cynthia Patag, Amy Perez, Carmina Villaroel, at Apa Ongpin.

Read also

Officemates, pinakyaw ang mga "habi bags" ng lalaking gumagawa nito sa gilid ng kalsada

Sa unang bahagi ng panayam na ito ni Ogie Diaz kay Joey, isa rin sa mga naikwento niya ay ang pagiging janitor niya sa edad na 14.

Naisipan niyang pasukin ito sa pagnanais na makatulong sa kanyang ina na isang single mom. Marami sa mga kasamahan niya ang nagtaka kung bakit siya isang janitor samantalang kilala nang producer ang kanyang ama na si Artemio Marquez Sr. Pinili niyang i-deny ang ama hindi para sa sarili kundi para hindi raw ito mapahiya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel